Chapter 20-Slave

2.5K 93 2
                                    

Ley POV

Nandito na kaming apat sa isang hotel. Pero alam ko kila Tine to. Isa ito sa mga hotels nila.

"Oh nasaan na yung sinasabi nyong kikitain nyo?" Irita kong sabi.

"Atat lang Ley?" Sabi sa akin ni Thea. Paanong hindi maatat? Bored na ako dito.

"Guys nag text na sa akin. Nandoon na daw sya." Sabi ni Leen. Hay! Salamat!

Tumango naman kami at pumunta sa elevator. Pinindot ni Tine yung floor 12.

Narating namin ang floor 12 at tumungo sa dulong room.

Huminto kami doon. Nagtaka naman ako dahil hindi pa sila kumakatok.

"Hoy! Ano? Tunganga tayo dito! Hindi mag bubukas yang pinto kung hindi nyo bubuksan." Irita kong sabi sa kanila.

"Wag ka nyang atat Ley! Mabuti pa ikaw mag bukas dahil atat ka naman."
Thea scolded me.

"Magbubukas na lang ng pinto takot pa kayo." Irita kong sabi. Pinihit ko yung doorknob. At nag bukas ito. Pero nabigla ako ng itulak nila akong tatlo papasok sabay sara ng pinto.

"Sorry Ley! Don't worry pag tapos ng klase namin ikaw babalikan. Magusap muna kayo ha!" Sigaw ni Tine. Tapos narinig ko pa silang tumawa.

"Waaaahhhh!!! Kayong tatlo talaga!!! Lagot kayo sa akin pag labas ko dito!!!" Sigaw ko. Pinilit ko pa ring buksan pero ayaw talaga. Naka lock na talaga sya sa labas.

"Leyanne?!" Napatingin ako sa nagsabi ng pangalan ko.

"Cyrus?! What on hell are you doing here!" Sigaw na sabi ko. Hanggang ngayon kasi naiinis pa rin ako. At hindi nya parin kasi binabalik yung headset ko.

"Ako dapat magtanong nyan. Ikaw anong ginagawa mo dito?"

"Sinamahan ko yung tatlo kasi may kikitain daw sila. Tapos pagpunta ko dito ayun tinulak nila ako at ni lock yung pinto. Ikaw anong ginagawa mo dito?"

"Sinamahan ko din kasi si Steven may kikitain daw sya. Pumunta kami dito hinintay namin. Tapos sabi nya baba daw sya para salubungin kaso ayun hindi na bumalik." Paliwanag nya. Napaisip naman ako. Hindi kaya pinalano nila to? Parang kasi oo eh.
Diba?

"Sa tingin mo pinalano nila to?" Tanong ko sa kanya.

"I think so." Sabi nya sabay upo sa sofa.

"Anong purpose naman?" Tanong ko at dumeritso naman ako sa kama. At umupo sa gilid.

"Para pagbatiin tayo." Simpleng sagot nya sabay kuha ng magazine sa center table.

At that point, naisip ko na tama sya. Ginawa at pinalano ito ng anim dahil nga nag away kami. At hindi nga kami nag papansinan.

"So ano mag sosorry ka na at ibabalik mo na yung headset ko?" Naka smile ko ng tanong.

"Nope. Hindi ako mag sosorry dahil hindi naman kailangan at yung headset mo hindi mo pa rin ito makukuha."

Sabi nya habang winawagayway yung headset ko. Kainis pag ako talaga napuno dito, sisirain ko talaga yung napaka gwapong mukha nya. Wait! Did i say napaka guwapong mukha. Pweh!! Nakakasuka nga mukha nya eh.

"At ano naman gagawin mo sa headset ko? Ididisplay? Ibebenta? Sisrain? Gagamitin? Ano?" Inis na sabi ko.

"Wala."

"Ano? Wala?" Nasisiraan na ata to ng utak eh.

"Pwede wag kang sumigaw. Masakit sa tenga. And about your headset ibabalik ko lang to in one condition."

"At ano naman yun?"

"I want you to be my slave."

"What!!! No!!! And not in a million years!!!"

"Ok then hindi ko ibabalik to." Sabi nya sabay tago ng headset.

"Ok lang kahit sirain mo o anong maisip mong gawin dyan. Makakabili naman ako ng bago eh." Sabi ko sabay higa. Grabe kagigising ko lang pero inaantok na ulit ako.

Pinikit ko ang mga mata ko para makatulog.

***

Cyrus POV

Tinignan ko si Leyanne na ngayon ay tulog. Kahit kailan talaga napaka matulogin ng babaeng to.

Lumapit ako sa kanya. At tinignan kung tulog talaga sya. At tama nga ako tulog.

Napansin ko naman na maamo pala mukha nya pagtulog. Pag gising kasi ang sungit tapos cold pa minsan.

Bigla kong naisip na kuhanan sya ng picture. Tulog naman sya eh. At saka hindi nya naman alam.

Kinuha ko ang cp ko. Itinapat ito sa mukha nya. 3 shots lang naman nakuha ko kasi bigla syang gumalaw. Akala ko nga gigising na sya eh. Buti na alang hindi.

Bumalik ulit ako sa sofa at doon naupo habang hawak ang cp ko. Sinubukan ko tawagan yung tatlong mokong kaso pinapatayan lang nila ako.

Kaya naisipan ko na lang na magalaro muna.

Pero mayamaya lang nakaramdam na ako ng antok. Sinubukan kong humiga sa sofa kaso hindi ako komportable. Kaya napatingin ako kay Leyanne. Meron pa namang space doon sa kama kaya pwede siguro ako dun.

Baka iniisip nyo may gagawin ako sa kanya. Matutulog lang kaya ako.
Pero para sure naglagay pa rin ako ng unan sa gitna namin. Apat naman yung unan. Ok lang sa akin kahit isa. Mag katalikod ang posisyon namin.

Pipikit na sana ako ng maramdaman kong gumalaw sya. Kaya humarap ako para makita ko.

Pero nagulat ako ng mukha nya na ang kaharap ko. Kaya umiwas na lang ako ng tingin. At natulog na lang.

The Game Of Badgirls And Playboysحيث تعيش القصص. اكتشف الآن