Chapter 63-Korea

1.9K 54 3
                                    

Ley POV

Nagising ako ng may tumapik sa akin.

"Ley, gising na. Nandito na tayo." Sabi ni Thea habang tinatapik ako. Nagmulat naman ako ng mata at tumingin sa kanya.

"Nasaan na sila?" Tanong ko habang lumilinga sa upuan ng mga kasama namin.

"Nauna na. Tara na." Sabi nya habang inaayos yung buhok nya.

Inayos ko na rin ang sarili ko. Nilagay ko muna yung favorite pencil ko sa back pocket ng pantalon ko. Nag drawing kasi ako kanina pero ayun nakatulog ako.

Ng maayos na lahat ay sumunod na kami ni Thea sa mga kasama namin na nasa entrance na ng airport.

Sa kaka madali ko maglakad para lang maabutan si Thea ay di sinasadyang may nakabangga ako. Nahulog yung dala nyang libro at ako naman yung shades na hawak ko.

Sabay kaming yumuko para kunin ang mga gamit namin na nahulog. Sya kinuha yung shades ko at ako naman yung libro nyang dala. Sabay rin kaming tumayo para ibigay sa isa't isa ang gamit namin.

"Sorry." Sabi nya sabay abot ng shades ko. Nag sorry rin ako at inabot naman ang libro nyang tungkol ata sa culture ng Korea.

Matangkad, maputi, singkit, medyo mapula ang labi at may maliit na nunal sa baba ng labi. Kulay ash grey ang buhok nyang messy. Naka jacket sya na black at may dalang blue na backpack. Tapos sa sapatos ay nike na kulay black na may touch ng blue. Tapos...

"Are you ok miss?" Sabi nya. Hala! Natulala na pala ako sa kanya! Ano ba Leyanne! Inuna mo pa talaga ang makilatis sya!

Tumikhim muna ako bago nagsalita. "Yes. I'm ok. How about you? Sorry again."

"Nah it's ok. BTW, Nathaniel. And you are?" Tanong nya sabay lahad ng kamay nya.

"Ley-" Naputol yung sasabihin ko ng may biglang tumikhim. Ng tignan ko ay si Cyrus na salubong ang kilay.

"Excuse me but we have to go." Sabi nya sabay hatak sa akin. Sumalyap pa ako kay Nathaniel at ayun sya nakangiti sabay nag wave ng kamay. Ako naman ngumiti ng tipid.

"Sige ngiti pa. Mapunit sana yang labi mo." Bulong ni Cyrus na kasalukuyan akong hinahatak papunta sa mga kasama namin.

"Bubulong bulong pa eh naririnig naman." Bulong ko rin. Tumigil sya kaya napatigil din ako. Lumingon sya sa akin ng salubong pa rin ang kilay kaya ngumiti na lang ng matamis sa kanya.

"Tsk!" Singhal nya sabay bitaw sa akin at naunang naglakad. Tignan mo to! Tsk ka rin!

Sumunod na lang ako sakanya at pagkarating ko doon ay...

"Ikaw ha! Sino yun?" Sabi ni Andrea sabay kurot sa braso ko.

"Ouch! Andrea!" Angil ko sa kanya.

"Oo nga Ley! Sino yun? Infairness ang gwapo! Saka ang hot! Buhok pa lang! Diba Ley ganung kulay ang gusto mo?" Nakangising sabi ni Tine.

"Sino ba kasi yun?" Tanong naman ni Leen.

"Nathaniel daw ang name nya eh." Sabi ko.

"Ano daw sur-" Tanong ni Thea ng biglang..

"Ang daldal nyo. Aya na yung van." Masungit na sabi ni Cyrus. Nauna syang sumakay sa van.

"Anyari doon? Kanina ok naman sya ha?" Takang tanong ni James. Nagkatinginan naman kaming lahat. Oo nga, anyari doon?
Umiling na lang kami saka sumakay. Ng makasakay kami ay nagsalita na si Andy.

The Game Of Badgirls And PlayboysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon