Chapter 22-Meeting with the Tita's

2.6K 89 2
                                    

Thea POV

Sinundan namin kung saan pumunta si Ley. Nagalala kasi kami nila Tine. Bwesit na Carl! Bakit ba kasi sya tumawag!

Pagdating namin sa parking nandoon si Ley. Kasama si Cyrus.

0_0 Magkayakap sila!!! Tinignan ko naman sila Leen maski sila nagulat din.

Pupuntahan na sana namin sila ng may biglang pumigil sa amin.

"Yaan nyo na muna si Leyanne. Kaya ni Cyrus yan." Sabi ni Steven. Tinignan muna namin sila at mukhang pinatatahan nga ni Cyrus si Ley.

Tumango kami at umalis doon.

"San na tayo kakain?" Tanong ni James.

"May malapit na restaurant dito. Doon na lang tayo." Sabi ni Tine.

Kaya lumabas na kami ng hotel nila Tine. Pumunta kami sa restaurant nila Leen. Tutal malapit lang to sa hotel nila Tine.
Pagpasok namin agad kami binati ng waiter malapit sa pintuan.

"Good afternoon maam Ailleen." Sabi ng waiter sabay bow.

"Good morning. Nandiyan ba si mama?" Tanong ni Leen.

"Yes maam. Nandoon po sya sa kitchen kinakausap yung head chef po natin. Gusto nyo po tawagin ko po sya?"

"No ako na lang pupunta. Ihatid mo na lang sila sa table. Sige guys puntahan ko lang si mama." Sabi ni Leen sabay punta sa kitchen.

"Maam sirs tara po." Sabi nung waiter. Sumunod naman kami sa kanya. Pumunta kami sa second floor ng restaurant at doon naupo sa vip.

"Kila Ailleen to?" Tanong nila Ej.

"Oo at yung hotel kila Tine naman yun." Sabi ko. Napanganga naman sila sa sinabi ko.

"Di nga?" Tanong ni James.

"Bahala kayo kung ayaw nyo maniwala." Sabi ni Tine.

Hanggang ngayon nakanganga sila. Hahaha ang cute. Clueless pa rin kasi sila.

Nakarinig naman kami naguusap.
Tinignan namin kung sino. Si Leen pala kasama si tita. Ng makarating sila sa table namin agad kami binati ni tita.

"Hello girls!" Sabi ni tita. Tumayo naman kami para makipagbeso.

"Hi tita. Gumaganda tayo ngayon ha!" Sabi ni Tine. Natawa naman si tita.

"Etong batang to nambola pa." Sabi ni tita.

"Totoo yung sinabi ni Tine tita. Parang bumabata ka nga rin eh!" Sabi ko kay tita.

"Haist! Tama na ang bola. Teka! San si Anne?" Tanong ni tita. Nagkatinginan naman kami. Anong sasabihin namin.

"May lakad po sya tita." Sabi ko sabay tingin kila Leen.

"Ganon ba. Eh sino ba tong mga batang lalaki na ito? Boyfriends nyo ba ang mga ito?" Tanong ni tita. Agad naman nanlaki yung mga mata namin nila Leen. Tapos narinig namin nasamid sila Ej kahit wala silang iniinom na tubig.

"Ma ano ka ba! Kaibigan lang namin sila." Sita ni Leen.

"Oo nga tita!" Sabay na sabi namin ni Tine. Grabe si tita! Hindi pa nga nanliligaw boyfriend agad!

"Ganon ba. Akala ko kasi mga boyfriends nyo. Eh kay popogi naman kasi ng mga batang ito. Kamusta kayo mga hijo?" Tanong ni tita.

"Ok naman po. BTW po i'm Steven Mercado po. At ito naman po ang mga kaibigan ko. Si Ej Gonzales po atsaka si James Santos." Pagpapakilala ni Steven. Wow dumadamoves na si Steven. Hahahaha!!

"Nice to meet you po Mrs. Condeza." Magalang na sabi nila Ej.

"Tita na lang. Tutal kaibigan naman kayo ng anak ko." Sabi ni tita.

"Ok po tita." Sabi nilang tatlo.

"Sige maupo na kayo padating na ang mga pagkain." Sabi ni tita sumunod naman kami sa kanya.

Ng dumating ang mga pagkain ay kumain na kami habang nagkukuwentohan. 

"Ah girls. Pupunta pala dito yung mga mama nyo." Sabi ni tita.

"Bakit daw po sila pupunta?" Tanong ni Tine.

"Sabi nila pupunta daw sila dito para makapag bonding daw kami." Sabi ni tita. Tumango na lang kami kay tita.

Bigla ko namang nakita sila Ley at Cyrus na papasok dito. Habang magkahawak yung kamay.

Ng makapalapit sila dito agad naman sila napansin ni tita.

Tumayo si tira para besohan si Ley.

"Anong nagyari sayo ba't namumula yang mga mata mo?" Alalang tanong ni tita.

"Wala po tita. Ok lang po ako." Sabi ni Ley.

"Eh sino naman yang kasama mo? Boyfriend mo?" Tanong ni tita.

"Hindi po tita kaibigan ko lang." Sabi ni Ley. Nagkatinginan naman kaming anim. Tapos ngumisi ako. Hahaha friend lang pala ha!

"Friend lang eh bakit magkahawak kamay?" Tanong ko. Agad naman sila napatingin sa kamay nila at agad na nagbitiw. Hahahaha namumula si Ley. Nagpigil naman kami ng tawa.

"Tama na nga yang asaran. Halina kayo't kumain." Sabi ni tita. Umupo naman sila at kumain.

Bigla naman dumating yung waiter.
"Maam nandito na po sila."

"Sige paakyatin mo na." Utos ni tita nagbow muna yung waiter bago umalis.

Bumalik naman dito yung waiter kasama sila mama.

Agad naman kami tumayo para besohan sila.

"Hi ma!" Bati ko kay mama sabay yakap.

"Namiss kita sweetheart! Boyfriend mo ba yung nakatingin dito sa atin?" Tanong ni mama. Tinignan ko naman kung sino yung tinutukoy nya. Nakita ko si Ej na nakatingin nga dito at nakangiti. Namula naman ako sa sinabi nya.

"Hindi po ma. Kaibigan ko lang po." Sabi ko. Umupo na kami atsaka nagkwentuhan.

The Game Of Badgirls And PlayboysWhere stories live. Discover now