Chapter 77

1.8K 49 3
                                    

Cyrus POV

"Goodmorning sir!" Sabi ng saleslady pagpasok ko sa isang shop. Ngumiti ako at sinumula mamili ng singsing.

Habang namimili ay may biglang umakbay sa akin.

"Basta ang gusto ko may malaking diamond." Tinignan ko sya at sinamangutan.

"Diba pwede yung simple na lang?" Tanong ko. Tinuro ko sa saleslady yung simpleng pero eleganteng singsing.

"Eh sa gusto ko yung may diamond eh." Sabi nya. Tinanggal niya ang pagkakaakbay sa akin at hinawakan ang kamay ko.

"Tara." Nakangito nyang sabi. Nagtataka man ako ay binitawan ko ang singsing na hawak ko. Hinatak nya sa isang shop. Shop ng mga cap.

"Cap? Ayaw mo ng singsing?" Tanong ko. Tinignan nya ako ng may ngiti sa labi.

"Gusto ko naman ng singsing eh. Pero mas gusto ko ang cap. Tara doon! May nakita akong bagong labas." Sabi nya at hinila ako papunta doon sa mga lalagyan ng mga bagong labas.

Kumuha sya ng kulay blue at sinuot sa akin. Ngiti naman sya. Seeing her happy... is all i need to be happy. Kung pwede nga lang na lagi kaming masaya eh. Sana araw araw ganito.

Kumuha pa sya ng iba at sinukat. Tuwang tuwa sya sa mga nakikita nya.

Natigil kami ng buglang nag ring yung phone ko.

"Sagutin mo na." Sabi nya. Tumango ako at lumayo para masagot ang tawag. Si Ej ang tumatawag.

"Bakit napatawag ka?"

(Cy... si Ley...)

"Oh! Kasama ko si Ley. Teka nga bakit ka ba umiiyak?"

(Pre... wala na si Ley.)

"Panong wala? Eh kasama ko nga. Teka tatawagin-" Paglingon ko wala sya sa kinakatayuan nya. Hinanap ko sya. Pero wala. Binaba ko ang tawag at nagtanong sa may guard.

"Nakita mo ba yung kasama ko?" Tanong ko.

"Po? Wala naman po kayong kasama sir. Kayo lang po magisa ang pumasok."
Kamot ulong sabi nya sa akin.

Don ako namutla. Hindi! Kasama ko si Ley. Kasama ko sya. Magkahawak kamay kami kanina.

"Ok lang po ba kayo sir? Namumutla po kayo." Hahawakan na dapat ako ng guard pero bigla akong tumakbo palabas ng mall.

Hindi! Hindi totoo yung sinasabi ni Ej. Hindi pwedeng mawala si Ley. Kasama ko lang sya!

Pagkalabas ko ng mall bigla nagiba. Napunta ako sa isang lugar na maaliwalas. May nakita akong puno. At doon sa ilalim nun ay may nakaupong babae. Nakangiti sya sa akin.

Agad tumakbo ako at yinakap sya. Saka ako umiyak.

Pagkatapos ko syang yakapin ay tinignan ko sya. Hinawakan nya ang mukha ko.

"Mahal kita. Mahal na mahal. Wag mong ikukulong ang sarili mo sa lungkot. Dapat lagi kang masaya." Sabi nya. Hinawakan ko ang kamay nya na nakahawak sa mukha ko.

"Ano bang sinasabi mo Ley? Mahal kita. At hanggang kasama kita masaya ako. Kasi ikaw ang mahal ko. Mahal na mahal na mahal kita Ley." Sabi ko habang umiiyak.

Ngumiti sya.

"Sana nga... sana nga makasama mo pa ako kaso..."

Yinakap nya ako ng mahigpit.

The Game Of Badgirls And PlayboysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon