Chapter 24-Getting Close

2.5K 85 7
                                    

Ley POV

Nandito na ako nakasakay sa kotse ko. Papuntang school.Napagkasunduan kasi naming apat na magadala ng kotse sa school kesa nakatambak lang doon sa garahe ng apartment namin.

Ng makarating ako sa parking ng school, ay sya ring dating ng tatlo. Sabay sabay kaming bumaba ng kotse namin.

"Nakakamiss din pala mag drive." Sabi ni Tine habang nilalock yung kotse nya.

"Oo nga eh. Buti pumayag si manong na dalhin natin to." Sabi ni Leen. Si manong yung driver namin. Sya ang nagsusundo at naghahatid sa amin. Pinakausapan lang namin sya ngayon na kami muna ang magda drive. Pumayag naman sya kaya tuwang tuwa kami.

"Tara pasok na tayo." Sabi ni Thea. Tumango lang kami atsaka pumasok. Narating namin ang classroom na kaunti pa lang yung mga estudyante tapos wala pa yung sila Cyrus.

Oo nga pala, yung nangyari doon sa parking ng hotel nila Tine, ok na kami. Binalik na rin nya yung headset ko. Kaya ok na kami.

Naupo na kami sa sarili naming mga upuan. Hmmm... medyo maaga pa. Gusto ko matulog. Kahit na kagigising ko lang, inaantok pa rin ako.

Kinuha ko lang sa bag ko yung phone ko atsaka yung headset na kinuha ni Cy at tumayo.

"San ka punta Ley?" Tanong ni Thea.

"Dyan sa tabi tabi. Manunuod ng porn. Bakit sasama ka?"  Cold kong sabi.

"Ito HB na naman. Tinatanong lang eh." Sagot naman ni Tine.

"Tsk. Sige dyan na kayo." Sabi ko sabay labas ng classroom. Habang naglalakad ako namimili ako ng song na patutogtugin.

Ng makapili ako pinindot ko agad yung play. Pumunta ako sa rooftop ng school. May bench dito kaya makakahiga ako.

Humiga ako dito at pinikit ang mga mata ko. Dinamdam ko yung kanta.

Malapit na akong makatulog ng maramdaman kong may nakatayo sa harapan ko. Hindi ko muna minulat yung mga mata ko.

Naramdaman ko na lamang na biglang umangat yung ulo ko at parang may umupo doon. At dahan dahan nya itong inilapag ang ulo ko. Hindi ko alam kung saan at sino sya. Kaya nagpanggap akong bagong gising. Unti unti kong minulat yung mga mata ko.

At doon nakita ko si... CYRUS!!!

Si Cyrus na nakatingin sa akin. Kaya bigla akong bumangon sa... KANDUNGAN NYA!!!

Tinanggal ko yung headset ko at nagtanong sa kanya.

"Anong ginawagawa mo dito??" Sabi ko sa kanya.

"Magpapahangin sana ako. Kaso nakita kita. Nakahiga walang unan. Kaya binigyan kita ng unan."

"Sa tingin mo unan yang mga hita mo ha?!"

"Ang OA mo. Ikaw na nga itong inisip, ikaw pa tong magrereklamo." Sabi nya sa akin. Sabagay, oo nga naman. Wala akong unan.

Sinaksak ko ulit yung headset ko at nahiga ulit. This time, gamit kong unan yung hita nya. Bakit?? Sabi nya naawa sya wala akong unan kaya itong hita na lang daw nya.

Hindi pa ako nakakahanap ng kanta kaya wala pa akong tugtog.

"Tignan mo to. Hihiga rin pala. Ang OA pa. Tsk!" Sabi nya. Binuksan ko naman yung isang mata ko para tignan sya.

Nakita ko sya, nakatanggal yung glasses nya. Tapos nakatingin sa langit.

Bagay pala sa kanya walang salamin eh. Tapos may pagka messy pa yung hair nya. Woah! Ang hot nya. Wait! Did i say na hot sya?? Hay naku Ley, matulog ka na nga lang.

Pero bago ko pumikit nakita ko syang tumingin sa akin.

"Done checking me out?" Tanong nya sa akin.

"Ha?" Tanong ko habang nakapikit yung isang mata ko at yung isa naman nakadilat.

"Tsk! Aminin mo na napopogian ka. Tanggap ko naman na pogi talaga ako eh." Mahangin nyang sabi. Kaya dinilat ko na din yung isang mata kong nakapikit.

"Grabe ang lakas ng hangin." Sabi ko.

"Aminin mo na kasi." Sabi nya sa akin sabay tingin ulit sa langit.

"Oo na lang." Sabi ko sabay pili ng kanta sa cp. Pinikit ko na ang mga mata ako at nakinig na lang ulit sa music. At doon nakatulog na ako.

Napamulat ako ng biglang may pumitik sa noo ko.

"Aray! Ano bang problema mo ha!" Tanong ko kay Cy na ngayon suot na yung glasses nya.

"Anong oras na? Simula na ng klase kaya tara na." Sabi nya.

"Ikaw mauna. Hayaan muna ako matulog ok?" Sabi ko.

"Hindi. Pa.pa.sok.ta.yo. Papasok tayo. Kaya tara na." Sabi nya sa akin sabay hila sa braso ko. Wala na akong nagawa kaya nagpahila na lang din ako.

Dumating kami sa classroom ng nandoon na lahat ng kaklase namin kaso wala pang teacher.

Napatingin naman sila sa amin lalo na yung anim doon sa likod. Paanong hindi titingin hawak lang naman kasi ni Cy yung kamay ko.

Binitawan naman nya yung kamay ko ng ma realize nya na hawak nya to. Ako naman dumiretso na sa upuan ko.

Pero bago ako yumuko para ituloy yung tulog ko nakita ko naman sila Leen nakangiti ng makahulugan sa akin. I do have weird friends. Umiling na lang ako atsaka tinuloy yung tulog ko.

The Game Of Badgirls And PlayboysWhere stories live. Discover now