Chapter 60-Tickets

2K 67 11
                                    

Thea POV

Humihikab akong bumaba papunta sa kusina. Pagdating ko doon may nakahain ng breakfast pero wala si Ley. Nagtataka naman akong pumunta sa ref bubuksan ko na sana para kumuha ng tubig ng makitang kong may post-it-note. Binasa ko iyon.

Hey, kumain na kayo. Lalabas lang ako.

-Ley

"Morning Thea!" Magsiglang sabi ni Leen. Lumingon naman ako sa kanya para batiin.

"Morning!" Nakangiting sabi ko saka tinuloy yung balak kong kumuha ng tubig.

"San si Ley?" Tanong ni Leen habang kumukuha ng tocino.

"Pagkagising ko wala na sya. May iniwan syang post-it-note lalabas lang daw sya." Sabi ko habang winawagayway sakanya yung maliit na papel na nakadikit sa ref. Tumango lang sya saka kumain. Umupo na rin ako sa harap saka kumuha ng rice.

Nakakatatlong subo na ako ng biglang bumaba si Tine. Bihis na bihis.

"Morning beautiful ladies in this house!!!" Malakas na sabi ni Tine sabay upo.

"San ka gogora?" Tanong ni Leen.

"Nagtext ang baklang Andrea. Nagyaya mag mall. Sama kayo you want?" Tanong nya bago sya uminom ng tubig.

"Geh. Pero pano si Ley?" Tanong naman ni Leen.

"Bakit nasan ba sya?" Tanong ni Tine. Binigay ko sa kanya yung post-it-note na iniwan ni Ley. At binasa iyon. Tumango tango naman sya.

"Itext na lang natin." Sabi ni Tine. Sumangayon naman kami. Pagkatapos namin kumain. Umakyat kaming dalawa ni Leen para magbihis habang si Tine naman ang nag hugas ng pinagkainan namin.

Nagbihis lang ako ng simple. Maong shorts, v-neck shirt na color white, doll shoes na black, tapos nilugay ko lang buhok ko, simpleng make up, and my favorite pink sling bag.

Paglabas ko saktong palabas na din si Leen. Kaya sabay na kami bumaba. Nakita namin si Tine na sitting pretty sa sofa. Ng makita nya kami agad naman sya tumayo.

Lumabas kami ng bahay ng may marinig kaming tili.

"Mga bakla!!!!!!!!!!!!!!!!!!!"

Sigaw ni Andrea habang pababa ng isang kotse. Agad syang tumakbo sa amin at sinalubong kami ng isang malaking yakap.

"Grabe!!!! Namiss ko na kayo mga bakla!!!" Tili na naman nya habang yakap kami. Agad ko naman tinampal ang bibig nya kaya nabatiw sya sa pagyakap namin.

"Sige! Sigaw pa!" Sermon ko sa kanya. Agad naman syang nag peace sign sa akin.

"Hahaha! Grabe ka Thea! Namiss ka din namin bakla!" Natatawang sabi naman ni Leen. Tapos si Tine naman tawa ng tawa.

"Hahahah!! Tara alis na tayo!" Sabi naman ni Tine. Kaya pumunta kami sa kotse ni bakla. Sya ang nag drive tapos katabi si Tine. Kami naman ni Leen sa likod.

...................................................................................

Nag park lang kami saka pumasok na sa mall. Una namin pinuntahan ay yung department store. Habang namimili kami nagkukwento naman si Andrea tungkol sa mga nangyari sa kanya atsaka kay Alex.

Hanggang sa mapagod kami kaya nagpasya kami na pumunta sa Starbucks.

"Treat ko na kayo nga beks. Wit nyo ako dyan okie!" Sabi ni Andrea. Tumango lang kami sa kanya.

Habang hinhintay si Andrea tinignan naman namin yung pinamili namin.

Ng makabalik si Andrea dala dala ang mga inorder nya, nagkanya kanya na kaming kuha.

The Game Of Badgirls And PlayboysWhere stories live. Discover now