Chapter 41-Eyebags

2.1K 53 14
                                    

Leen POV

Grabe! Inaantok pa ako! Ay! Hindi lang pala ako lahat pala kami! Parang mga zombies nga kami sa itsura namin. Kaming apat!

Kaya kami napuyat kasi pagkatapos namin manood ng movie na nakakatakot ay nakiusap pa yung boys ng isa pa. Kaya ayun hanggang sa naka apat kami.

Pumasok na rin kasi sila Ley nun. Tapos dumating pa si kuya Lance. Kaya yun late na kami nakatulog.

Napagpasyahan namin na dito muna kami sa office at umidlip muna. Actually hindi alam nila Steven na nag cut kami. Kasi maaga pa lang nandito na kami.

"Hinding hindi ko na uulitin manood ng movie sa gabi! Bwesit na eyebags!!" Bulaslas ni Tine.

"Akala mo ikaw lang nagdudusa sa bwesit na eyebags na to! Kami din kaya!" Iritang sabi ni Thea.

"Tama na nga yan! Baka mag away pa kayo! Tignan nyo si Ley himbing na himbing! Matulog na lang din tayo para makapasok pa tayo mamaya sa klase natin!" Sabi ko sabay sandal sa tabi ni Ley. Sinunod naman nila ako kaya nakatulog kami kahit papaano.

Nagising ako dahil tunog ng tunog ang cp ko. Kinuha ko yun sa bulsa ko at tinignan kung sino yun.

Lumaki naman ang mata ko ng makita ang 20 missed calls at 15 texts galing kay boo ko! Alam ko kung nagtataka kayo kung sino si boo ko. Edi sino pa! Si Steven! Sabi nya sa akin kasi gusto nya may tawagan kami. Kahit daw manliligaw palang sya. Yogi naman ang tawag nya sa akin. Ewan ko kung saang lupalop ng mundo nya nakuha yung salitang yun!

Binasa ko yung unang text nya.

From Boo Ko:
Good morning Yogi Ko! Nandito na kami sa school san na kayo?

Sabi nya sa unang text. Tinignan ko naman yung pangalawa.

From Boo Ko:
Yogi Ko! Bakit di mo sinasagot tawag ko?! Nasaan na kayo?

Galit na sya nyan. Tinignan ko naman yung pangatlo.

From Boo Ko:
Ailleen! Ba't ayaw mo sagutin! Nagalala na ako ha!

Grabe! Sure akong sobrang nagalala na yun! Hindi ko pala sya na text kaninang umaga! Tinignan ko naman yung ibang text. Pareho lang pala sa pangatlong text.

Nag type naman ako ng message para hindi na sya mag alala.

To Boo Ko:
Sorry Boo Ko! Nandito lang kami sa office. Ayos lang kami. Sorry na! Wag ka na magalala!

Sabi ko sabay tap ng send. Hinintay ko lang ang reply nya. Tinignan ko naman yung tatlo. Mga tulog pa rin. Tinignan ko ulit yung cp ko ng tumunog.

Froom Boo Ko:
Salamat naman at nag text ka na! Sige hindi na ako mag alala. 2nd class na. Punta na lang kami dyan mamayang break time.

To Boo Ko:
Ok po!

Pagkatapos kong mag reply pumunta ako sa c.r. dito sa office namin. Tinignan ko yung mukha ko. Buti naman at medyo nawala na ang eye bags ko. Naghilamos lang ako saka lumabas.

Paglabas ko nakita ko si Ley gising na at naguunat.

"Anong oras na?" Tanong nito.

"Nagtext sa akin si Steven. 2nd class na daw." Sabi ko sabay upo ulit sa tabi nya.

Tumayo naman sya sa pumunta kung nasaan yung.mga chips namin. Kumuha sya ng Nova saka C2. Ako naman nakihingi sa kanya.
Habang kumakin kami bigla naman bumukas yung pinto. Pagtingin ko si Alex lang pala.

"Hey girls!" Sabi nya ng mahina. Nakita nya kasing natutulog pa yung dalawa.

"Anong gingawa mo dito? Diba may klase ka? Nag cut ka noh!" Sabi ko sa kanya habang nakataas ang kilay.

"Easy Leen. Nalate lang ako dahil tanghali na ako nagising. Eh nag start na yung second class ko. Ayoko naman na mapahiya dahil papasok ako second class na kaya dumeritso na ako dito." Paliwanag nya habang kumukuha ng chips.

"Sabihin mo kaya ka tinanghali ng gising dahil hindi ka nakatulog kakaisip kay Lance." Sabi ni Ley habang kumakain. Natawa ako ng biglang huminto sa pagkain si Alex at namula.

"Hahaha!! Alex namumula ka! So, totoo nga! Yehey! Na inlove na rin ang tomboy namin!" Sigaw ko kaya nagising yung dalawa.

"Hey Leen! Lower your voice! Don't you see were sleeping!" Iritang sabi ni Thea. Naku patay! Inis na yan! Nag eenglish na eh.

"Oo nga Leen." Sabi naman ni Tine na antok pa. Nag peace sign lang ako sakanila. Saka sila bumalik sa pagtulog. Kumain na lang ako para hindi na sila maistorbo.

The Game Of Badgirls And PlayboysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon