Chapter 36-Adobo

2K 58 2
                                    

Ley POV

Inip. Nakakainip. Kanina pa kami dito sa mall paikot ikot. Wala naman syang bibilhin. Patingin tingin lang sya.

"Ano ba bibilhin mo?" Inis na tanong ko.

"Wala." Sabi nya.

"Naku! Pigilan nyo ako makakasapak ako ng ting ting!" Inis na bulong ko sa sarili. Akala ko hindi nya narinig.

"Sasapakin mo ang gwapong mukha na to? Naku marami kang makakaaway pag sinapak mo to."

"Akala ko tahimik ka. Yun pala mahangin ka din noh!"

"Ikaw. Akala ko tahimik ka yun pala reklamadora ka." Sabi nya sabay ngisi. Naiinis na talaga ako! Kaya nag walk out ako. Bahala sya dyan.

Tinatawag nya ako pero hindi ko sya nililingon.

Pumunta ako sa starbucks. Kakain muna ako ng comfort food ko para mawala saglit yung inis ko. Nagorder lang saka ako umupo at simulan kumain.

Habang kumakain ako nag vibrate yung phone ko. Tinignan ko yun kung sino. Si Thea pala nagtext.

From Thea:
Magluluto kami. Pauwi ka na ba? Nandito sila Ej.

Himala at magluluto sila. Teka sila Ej nasa apartment? Habang umiinom ako nag reply ako sa kanya.

To Thea:
Geh pauwi na ako.

"Tama bang iwan mo ako ha?" Medyo nagulat ako sa nagsalita. Tinignan ko kung sino to. Si Cyrus lang pala na nakaupo nasa harapan ko.

"Oo." Sabi ko. Pinagpatuloy ko lang yung pagkain ko.

"Tara na alam ko na kung saan tayo pupunta." Sabi nya sa akin. Isusubo ko na sana yung natitirang cake ng bigla nya akong hilahin kaya natapon yun.

"Ano ba?" Angal ko pero hindi sya kumibo. Pinagpatuloy nya lang ang pag hila sa akin.

Nakarating kami sa supermarket. Kumuha sya ng pushcart.

"Hoy! Ting ting ano ba trip mo ha?" Tanong ko sa kanya. Hanggang ngayon kasi hawak nya yung kamay ko.

"Dahil iniwan mo ako kanina, bilang kapalit ipagluluto mo ako ng adobo." Sabi nya habang pumipili ng sangkap para sa adobo.

"At sinong nagsabi na ipagluluto kita?" Sabi ko sa kanya.

"Ako. Wag ka ng umangal."

"Ayoko nga eh. Saka kailangan ko ng umuwi. Hinihintay nila ako."

"Ganun ba." Sabi nya sabay labas ng phone nya. May dinial sya. Ni loud speaker nya eto para siguro marinig ko.

(Oh bro! Bakit?) Sabi sa kabilang linya. Tingin ko boses ni James.

"San ka?"

(Nandito sa apartment nila Chris. Ikaw san ka?)

"Kasama ko si Leyanne. Ang sabi nya kasi kailangan nya umuwi kasi hinihintay nyo daw sya?"

(Oo. May kaunting salo salo lang. Ano papunta na ba kayo?)

"Hindi na. May pupuntahan pa kasi kami eh."

(San naman?)

"Sa condo ko sige na." Sabi nya sabay baba ng cp nya.

"Ano sinasabi mong sa condo mo tayo pupunta?" Tanong ko sa kanya.

"Diba nga ipagluluto mo ako. Kaya dun ka magluluto. Kaya tara na." Sabi nya sabay hatak sa akin sa cashier. Di naman sya mahilig mang hatak noh?

Nakarating kami ng parking nilagay nya yung mga pinamili nya sa backset. Ako naman umupo sa passenger seat tapos nilagay ko yung seatbelt. Pumasok na rin sya nilagay yung seatbelt at nag drive na.

Nakarating kami ng condo nya. Kinuha lahat ng pinamili saka kami pumunta sa elevator. Pagpasok namin may nakita akong babae. Nakasuot sya ng maong shorts, fitted white sando (manipis yun kaya kitang kita mo yung bra nya), tapos kung makapag makeup wagas.

"Hi Zyan!" Bati nya kay Cyrus. Ngumiti lang si Ting saka pinindot yung floor ng condo nya. Ako naman sumandal lang. Tinignan ko maigi yung babae. All i can say is she is a bitch.

Nakita ko naman ang paglapit nya kay Ting. As in malapit.

"Zyan, are you free tonight?" Malanding sabi nung babae. Tapos sabay hawak sa braso ni Ting ting. At ito namang kumag na to ngiting ngiti.

"Sorry i'm not. Maybe tomorrow." Sabi ni Ting ting. Tsk! Napaka landi!

"Sure. Just call me." Sabi sabay kiss doon sa pisngi ni ting ting. Nagbukas na yun kaya lumabas na yung bitch.
Hay! Salamat! Wala ng malandi.

Naiinis parin ako. Hindi ko alam bakit basta naiinis ako!

The Game Of Badgirls And PlayboysWhere stories live. Discover now