Chapter 37-Kiss

2.2K 61 1
                                    

Cyrus POV

Narating namin yung door ng condo ko. Kinuha ko yung susi ko sa bulsa saka ito binuksan. Pagkabukas ko agad ako tumungo sa kusina ko para ilagay yung mga napamile namin.

Paglabas ko ng kusina nakita ko si Ming naka upo sa sofa.

"Magluto ka na. Nagugutom na ako."  Sabi ko sa kanya.

"Makapagutos parang yaya lang! Hoy Ting ting! FYI hindi mo ako maid ok! Kaya wala kang karapatan na utusan ako!"

"Dami mong dada magluto ka na nga lang." Sabi ko sabay punta sa kwarto ko para makapagpalit ng damit.

Ley POV

Bwesit! Kung makapagutos talaga sya parang maid nya ako.

Tumayo na lang saka pumunta sa kusina. Pagdating ko doon inilabas ko lahat ng pinamile nya. Ayos kumpleto. Hindi ako mahihirapan.

Naghugas mo na ako ng kamay. May nakita naman akong apron. Kinuha ko at sinuot. Tinali ko din yung buhok na gulugulo na.

Hiniwa ko muna yung dapat hiwain. Tapos ayun simulan ko na magluto.

Habang hinihintay ang pagkulo may nakita ako. Tinignan ko maigi yun. Chili Powder. Agad naman ako nakisip ng kalokohan.

Tumingin muna ako sa pinto ng kusina kung nandoon si Ting ting. Mahirap na baka maudlot pa yung plano ko. Ng masiguro kong wala sya doon. Nilagay ko lahat ng chili powder. Pambawi man lang. Hinalo ko iyon saka hinayaan kumulo pa. Nagsaing na rin ako. Baka masigawan na naman kasi ako ni amang ting ting. Hahahaha! Secret lang yun ha.

After makulo nung adobo, kumuha agad ako ng malaking tasa para mailagay doon. Tinignan ko na rin yung sinaing at ok na.

Ng matapos ko maayos yung pagkain ng ting ting, tinawag ko na sya.

Nakita ko sya pababa na. Naka shorts lang sya saka t shirt na puti.

"Kumain ka na doon." Sabi ko sabay upo sa sofa.

"Di mo ako sasabayan?"

"Hindi na. Busog pa ako noh." Sabi ko sabay upo sa sofa.

Tinignan ko naman sya ayun naglalakad na sya sa may dining table. 

"5...4...3...2...1..." Bilang ko.

"Fu*cking sh*it!!! Ano to!!!" Narinig kong sigaw ni Ting ting. Tumawa naman ako ng tumawa.

"Hahahahhahahaha!!!!" Tawa ko ng malakas. Nakalimutan ko nga palang sabihin na hindi ko nga pala sya hinandaan ng tubig.

Matapos kung tumawa ng tumawa pumunta ako sa kanya. Nakita ko syang umiinom ng tubig. Nakakailang baso na sya.

"Oh! Anong yari sayo?" Inosente kong tanong.

"Tsk!" Sabi nya. Pinagpatuloy nya lang ang pag inom.

"Ito naman tinatanong lang. Ayaw mo yun concern ako."

"Concern? So, concern pala na lagyan ng sili yung pagkain ko ha?!" Inis na sabi nya.

"Hala! Baka chili powder yung nalagay ko. Dapat asin yun eh!" Sabi ko sabay takip sa bibig ko.

"Wag ka ng painosente. Alam kong sinadya mo talaga yun." Sabi nya sa akin. Sabay walk out. Siguro na puno na sya hhaha. Ang bad ko talaga.

Sinundan ko naman sya. Nandoon sya sa may sala. May dala pa rin syang tubig. At mukhang inis pa rin.

Tumabi ako sa kanya. Pero umusog lang sya. Mukhang galit nga sya. Paano na to.

Cyrus POV

Nakita ko si ming kinuha yung gitara ko sa ilalim ng center table ko dito sa sala.

"Huy! Wag ng magalit! Niloloko lang naman kita eh! Para di ka na magalit makinig ka ha!" Sabi nya habang nakangiti. May saltik ba tong babae na to. Kanina bad mood ngayon parang bata. Bipolar lang.

Sinimulan na nyang patugtugin yung gitara. Marunong pala sya. Hindi ko alam kung ano yung tinututog nya.

"Boyfriend kong gay malaki ilong Sinaktan mo ang puso ko Ako ay iyong niloko Oh bakit ba ano bang kasalanan ko." Napangiti naman ako sa kanta nya.

"Ayun ngumiti ka na!" Tuwang tuwang sabi nya. Ginulo ko na lang yung buhok nya saka kinuha yung gitara sa kanya.

"Alam mo hindi ko pa naririnig na kumanta ka pwede ba mag request?" Childish nyang tanong.

"Diba narinig mo nung nasa gym tayo. Yung kausap ko si Calley sa phone?"

"Hindi kaya noh!" Painosente nyang sabi

"Tsk! Makinig ka na nga lang." Sabi ko sa kanya. Nagsimula na akong tumugtog.

(Song title: Dito)

Heto na naman
Wala ng magawa
Dahil  sa  nararamdaman
Pinipilit naman itago ang laman
Ng puso di ko magawa

Sana naman makita mo
Na ikaw lang naman ang hanap-hanap ko

Naktingin lang ako sa kanya. Ganun din sya.

Dito ka na lang sa piling ko
Wag na wag ka ng aalis
Dito ka na lang sa yakap ko
Wag na wag ka ng bibitiw

Naguguluhan kung saan saan naghanap
Pero di makakahanap ng katulad mo
Kung sa'kin ka lang di ka sasaktan
Pangako hinding hindi ka iiwan

Sana naman makita mo
Na ikaw lang naman ang hanap hanap ko

Dito ka na lang sa piling ko
Wag na wag ka ng aalis
Dito ka na lang sa yakap ko
Wag na wag ka ng bibitiw

Natapos ko yung kanta na nakatingin lang kami sa isa't isa. Tapos naramdaman ko na lang yung sarili ko na unti unting lumalapit sa kanya.

Hindi ko alam bakit hindi ko mapigilan iyong sarili ko. And the next thing i knew, magkalapat na yung labi namim.

The Game Of Badgirls And PlayboysWhere stories live. Discover now