Chapter 10-Dj Anne

3K 108 2
                                    

Ley POV

Tahimik lang akong umiinom. Ganun din si Cyrus.

Sila Thea at Ej naman kanina pa nag kwe kwentuhan.

Yung apat ayun. Nasa baba pa rin. Nakakadalawang beer na ako pero hindi pa din sila bumabalik. Buti nalang hindi ako madaling malasing.

"C.R. lang ako saglit." Sabi ni Thea.

"Samahan na kita." Sabi ni Ej. Tumango naman sya at sabay sila bumaba.

Naubos ko na yung pangalawang bote ko kaya kumuha na ulit ako. Napansin kong nakatingin sa akin si Cyrus.

Binitawan ko ang bote at tinignan din sya. Nakipagtitigan ako sa kanya.

Napadako naman ang tingin ko sa labi nya. Mapupula ang mga yun. Sa sandaling yun nakaisip ako ng plano. Ngumisi ako sa kanya tapos dahan dahang lumapit.

Nakita ko naman na medyo umatras sya. Lumapit pa rin ako sya naman atras ng atras hanggang sa wala na syang maatrasan dahil pader na yun.

Lalo naman akong ngumisi. Tapos lumapit ako sa kanya. Medyo nag panic na sya dahil namamawis na sya.

Nang makalapit ako sakanya as in face to face. Tinignan ko ulit yung labi nya tapos ngumisi ako. Naramdaman kong kinakabahan na sya dahil ang bilis na ng tibok ng puso nya. Kaya nag salita na ako.

"Don't be nervous Cy!" Malandi kong bulong sa kanya. Tapos tinignan ko  yung reaksyon nya. Namamawis na talaga sya. Kaya nilapit ko ng kaunti yung lips ko sa lips nya tapos tinignan ko sya sa mata. Haahahahaha!!! Nakapikit na sya!!! Kaya na pa lip bite ako upang mapigilan ko ang tawa ko.

Kaso hindi ko na talaga na napigilan kaya tumawa na ako.

"Hahaahahhahaaahahha!!!!!!" Napadilat sya sa tawa ko. Ako naman tawa ng tawa habang hawak ang tyan ko.

Nakita kong namumula sya kaya tumawa ulit ako ng malakas.

"Hahahahahahahaha!!!!!!" Habang hawak ko ang tyan ko.

Dumating na sina Thea kasama sina Tine at Leen. Napansin naman nila ako ng tawa ng tawa.

"What's happening here?" Sabay na tanong nina Leen, Thea, at Tine.

"Kasi hahahahahaha si haahahha si Cyrus hahaahaha!!!!" Sabi ko pero tawa pa rin ako ng tawa.

"Bro anong nangyari sayo bakit namumula ka? Diba isa pa lang naiinom mo? Imposible namang nalasing ka na agad?" Tanong ni Ej kay Cyrus. Tinignan ko naman sya at ayun nga pulang pula pa rin sya. Kaya tumawa ulit ako.

"Haahahahahaha!!! Your face hahahahaah!!!" Tawa ko ulit habang tinuturo yung mukha nyang mapula.

Napansin kong naguguluhan na sila.

"Ley ano bang nagyari?" Tanong ni Leen.

Kinalma ko muna yung sarili ko at nag salita.

"Wala naman." Sabi ko tapos bumalik ulit ako sa paginom. Pero pinipigilan ko pa rin yung tawa ko.

"Kung wala, bat namumula si Cyrus?" Tanong ni Steven.

"Tanungin nyo sya." Sabi ko habang nakangisi ng malapad.

"Bro ano bang nangyari?" Tanong ni James.

Tumayo naman si Cyrus tapos nag paalam.

"C.R. lang ako babalik agad ako." Sabi niya saka bumaba at pumunta ng C.R.

"Anong nagyari don? Anyway Ley, baka gusto mo bigyan kami ng beat!" Ngiting sabi ni Thea.

"Sige ba!!" Sabi ko tapos punta sa stage ng Dj.

"Dj Dom ako muna!" Sabi ko sa kanya.

"Dj Anne! Sure! Oh!" Sabi nya sabay bigay sa akin ng mic. Nakalimutan ko bang sabihin na marunong ako mag Dj? Sa sobrang kaadikan kong makinig ng music nag Dj ako.

"Is everybody ready!!!!" Sigaw ko.

"Yes!!!!" Sigaw naman nila.

"Ok! In 5...4...3...2...1!!! Let's get ready to rumble!!!!" Sigaw ko sabay patugtog ng music.

Nagsigawan naman lahat ng tao. Kasama na doon sila Thea na tumatalon pa.

***

Cyrus POV

Ng ok na ako, lumabas na ako. Pagkalaas ko narinig ko yung Dj na nagsalita.

"Is everybody ready!!!!" Sigaw nya. Babae yung Dj base sa boses.

"Yes!!!!" Sigaw na sagot ng mga tao.

"Ok! In 5...4...3...2...1!!! Let's get ready to rumble!!!!" Sigaw nya at nagpatutog na ng music. Nagsigawan naman lahat sila. Habang umaakyat ako pabalik sa puwesto namin unti unti kong nakikita kung sino ang Dj. Si Leyanne pala. Teka, marunong sya??

Ng makapunta ako sa table namin nakita ko mga kasama na nakadungaw sa baba habang sumisigaw. Umupo na lang ako at ininom na ang natirang beer ko.

Ng matapos ang music nag salita na si Leyanne.

"Do you want more!!!!!" Tanong nya agad naman nagsigawan ang mga tao.

"Ok! Ok! Dahil si Dj Dom na ulit. So let's welcome him again. Dj Dom!!!!" Sigaw nya kay nagsigawan ang mga tao kasama na sila James.

Bumalik naman si Ej sa kanya kanyang upuan.

Tapos nakita namin na papunta na dito si Leyanne.

"Nice one Ley!!" Salubong sa kanya ni Leen.

"Thanks! Anong oras na? May pasok pa bukas!" Sabi nya.

"Mabuti pa nga na umuwi na tayo. Medyo late na rin. Next time ulit?" Tanong ni Steven.

"Sige!" Sabi nila.

Lumabas na kami at hinatid na sila.

The Game Of Badgirls And PlayboysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon