Chapter 12-Visitors

3.1K 93 2
                                    

Thea POV

Nandito pa rin kami sa living room. May kanya kanyang ginagawa.

Napansin ko naman si Leen. Nakangiti habang nakatingin sa phone nya.

Siniko ko naman si Tine since magkatabi lang kami. Tapos ng tumingin sya tinuro ko si Leen na hanggang ngyon nakangiti.

"Leen dahan dahan lang sa pagngiti baka mamaya mapunit na yang labi mo!" Sabi ni Tine tapos tumawa kaya tumawa na rin ako. Napatingin naman si Ley sa amin.

"Grabe kayo sa akin!!" Sabi ni Leen tapos nagpout.

"Sino ba kasi yan?" Tanong ni Ley.

"Si Steven. Nagtatanong lang kung bakit hindi tayo pumasok tapos kinakamusta na rin tayo." Sabi nya sabay tuon sa phone nya ulit ang atensyon nya.

"Bakit ganyan ka makangiti?" Tanong ko.

"Wala." Sabi nya. Tapos umakyat sa kwarto nya.

Tinuon na lang ulit namin ang atensyon namin sa mga ginagawa namin.

Nasa kalagitnaan ako ng pagbabasa ng may kumatok.

"Meron ba kayong pina deliever?" Tanong ni Ley.

"Wala naman." Sabi ko.

"Baka naman si kuya Lance yan!" Sabi ni Tine.

"Kung sya yan, magtetext yun kung pupunta sya. Pero wala naman." Sabi ni Ley habang tinitignan ang phone nya kung meron ngang message si kuya.

Napatingin kami kay Leen na tumatakbo pababa. Tinignan namin kung saan sya pupunta. Yun pala sa pinto. Teka baka sya naman ang nag pa deliever?

Narinig namin na nagbukas ang pinto. Tapos may narinig kaming boses. Boses...lalaki? Sino yun?

Tumingin naman ako kila Ley ng sino-yun-look. Tapos nagkibit balikat lang sila means hindi din nila alam.

Nakarinig kami ng mga yabag ng paa. Madami sila?

Tapos nakita namin kung sino ang pinapasok ni Leen. Sila Ej lan- Teka sila Ej? Bakit nandito sila?

"Guys nandito sila!" Masiglang sabi ni Leen sa amin. Kami naman na shock kami! Hindi sinabi sa amin ni Leen na pupunta sila!

"Girls bunganga nyo!" Sita sa amin ni Leen. Ngayon ko lang napansin na naka nganga na pala ako pati sila Tine at Ley.

"Hi!" Bati nila except kay Cyrus na naka headset at nakatingin kay Ley.

"Ah... Hi?" Alanganin naming sagot.

"Upo muna kayo kuha lang ako ng maiinom!" Sabi ni Leen at pumunta sa kusina para kumuha ng inumin.

Umupo naman sila. Si James katabi ni Tine. Si Cyrus katabi si Ley. Si Steven doon sa inuupan ni Leen kanina. Tapos si Ej sa tabi ko.

"Hi!" Bati nya.

The Game Of Badgirls And PlayboysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon