Chapter 67- Emergency

1.9K 51 4
                                    

Hi guys! Sorry sa last update ko. Bitin noh? Ahhaha kaya babawi ako ngayon.









Steven POV

"KASAL?!" Sigaw ng tatlo.

"Bakit ganyan reaksyon nyong tatlo? Parang hindi kayo sang ayon ha!" Sabi ko. Nakatayo silang tatlo sa harap ko habang ako nakaupo at tumitingin sa magazine na hawak ko.

"Hindi naman sa ganon bro. Pero kasal! Bro, nagaaral palang kayo." Si James.

"Saka bro, hindi ba parang ang bilis naman? " Sabi naman ni Cyrus.

"Don't worry mga bro, suportado naman kami ng mga parents namin. Kaya walang dapat ipagalala." Sabi ko habang nag lilipat ng page sa magazine. Pero napatigil din ako ng magsalita si Ej.

"Ganyan ka ba ka selfish? Di mo man lang ba iintindihin yung nararamdaman ng ibang tao? Lagi na lang ba sarili mo ang iisipin mo?" Sabi nya sa tonong galit. Isinarado ko ang magazine saka tumayo.

"Ano bang pinagsasabi mo bro? Selfish? Ako? At kailan naman ako naging selfish ha?!"
Galit rin na sabi ko.

"Selfish ka! Di mo alam may nasasaktan sa mga ginagawa mo!" Sigaw nya sakin.

"Teka teka! Bro! Ano bang nangyayari sayo?" Pigil ni James kay Ej.

"Sana inisip mo na sa bawat hakbang na gagawin mo may masasaktan ka! Sana inisip mo si Ailleen!" Sigaw nya sa akin.

"At pano naman na napasok sa usapan si Ailleen?!" Tanong ko. Pero di nya ako sinagot sa halip sinuntok nya ako.
Sabay sabing...

"DAMN YOU!!! SELFISH KA!!!" Sabay pasok sa kwarto nila ni Cyrus. Agad naman akong nilapitan ng dalawa.

"Ano bang nangyayari sa taong yun? Tsk! Ano bro? Ok ka lang?" Tanong ni James sa akin.

"Kakausapin ko lang sya saglit." Sabi naman ni Cyrus sabay pasok sa kwarto nila.

"Puntahan ko lang si Aubry." Sabi ko sabay labas at pumunta sa kwarto nila ate Andy.
Pagkarating ko doon ay kumatok ako.
At ang nagbukas ay si Andrea.

"Omg!!! What happen to your lips?!" Histerekal ni Andrea.

"Wala to. Nandyan ba si Aubry?"

"Wala sya. Nandoon sya kila Ley. Pero teka ano bang nangyari dyan? Halika gamutin natin."

"Wag na. Sige puntahan ko na sya doon." Sabi ko sabay alis.

Ng makarating ako doon ay kakatok na sana ako ng biglang bumukas yun at bumungad sa akin si Thea.

"Oh! Steven."

"Nandyan ba si Aubry?"

"Oo nasa loob sya. Sige pasok ka na." Sabi nya na parang nagmamadali.

"Ok ka lang ba?"

"Oo. Sige pasok ka na hahanapin ko lang si Leen." Sabi nya sabay karipas ng takbo. Ha?! Nawawala si Ailleen?

Imbis na pumasok ako ay sumunod ako kay Thea pero nakapasok na sya sa elevator. Kaya pinundot yung kabila at bumukas naman to. Pinindot ang 2nd floor.

Baka nasa pool side sya o sa mini garden?

Tanong ko sa sarili ko. Pagkabukas na pagbukas ng elevator ay nagulat ako sa nakita ko.

"Tulong..." Sabi ni Ailleen na para bang hirap na hirap syang huminga. Nakahiga na sya doon.

"Ailleen! Leen!" Sigaw ko sabay lapit sa kanya. Pasara na ang mga mata nya ng magsalita ulit sya.

The Game Of Badgirls And PlayboysDove le storie prendono vita. Scoprilo ora