Chapter 34-Roses

2K 57 3
                                    

Thea POV

It's saturday at nandito lang kami sa bahay. Feeling ko si Ley na lang ang makakausap ko. Kasi yung dalawa busy sa cp nila kasi ka text nila yung manliligaw nila.

Si Ley may binabasa na libro. Ako ko naman may tinitignan sa internet. Natigil yung ginagawa namin ng biglang may mag doorbell.

"Ako na." Sabi ko sabay tayo. Binuksan ko yung pinto at ang bumungad sa akin ay isang delivery guy. Pano ko nasabing delivery guy, kasi may dala syang flowers. Take note, bouquet of red roses.

"Delivery po! For miss Villahermosa." Sabi ni kuya delivery guy.

"Ako po yun. Kanino po galing?"

"Pasensya na po. Ang sabi lang po sa akin ay i deliver lang po ito."

"Ganun ba. Thank you!" Sabi ko sa kanya. Sabay abot nung red rose.

Umalis na si kuya delivery guy kaya pumasok na ako.

"Oh! Roses? Kanino galing?" Tanong ni Ley.

"I don't know." Sabi ko.

"May card ba or something?" Tanong naman ni Leen. Tinignan ko naman kung may card. At ayun! Meron nga.

"Meron!" Sabi ko sabay pakita sa kanila.

"Basahin mo baka sa secret admirer mo na yan." Sinunod ko yung sinabi ni Tine. Binasa ko yun.

{Hi Althea! I hope this flowers can make you smile. I know na confused ka na kung sino talaga ako. Don't worry mag papakilala na ako. Just meet me in the park before 7. Malapit lang sa apartment nyo. Hihintayin kita.}

"Oh ano! Ano daw sabi?" Tanong ni Ley.

"Kanino galing?" Tanong naman ni Leen.

"Doon sa secret admirer ko. Sabi nya magpapakilala na daw sya. I just have to meet him in the park. Before 7." Paliwanag ko sa kanila.

"Edi ok! At least makikita mo na ang gumugulo sa isip. Naloloka ka na kaya kakaisip kung sino sya." Sabi naman ni Tine.

"Oh! Ano pa hinihintay mo! Mag ayos ka na kaya!" Sabi naman ni Leen. Sabay tulak sa akin paakyat. Sumunod naman si Tine.

Pumunta kami sa kwarto ko. At itong dalawa ang nagsilbing stylist ko. Pumunta sila sa walk in closet ko at kumuha ng masusuot ko. Tinignan ko naman kung anong oras na. Medyo hapon na rin kasi. Mga 4:30 na.

"Diba masyadong maaga. Anong oras pa lang oh!" Sabi ko sa kanila.

"Ok lang yan. Para ready ka na mamaya." Sabi ni Tine.

Tinignan ko na lang kung ano yung mga pinili nila. Nagtagal din kami ng 1 hour sa kapipili.

At ngayon ang napili nila para sa akin ay dress na off shoulder na kulay pink. Tapos sa sapatos naman sneakers naman na kulay white.

"Oh ayan. Simple. Maligo ka na para maayusan ka na namin." Sabi naman ni Leen sabay tulak sa akin sa banyo. Di naman halatang excited sila noh?

Natapos akong maligo at kinuha ang robe ko at sinuot yun. Lumabas ako at nakita ko silang dalawa na nakahiga sa kama ko. Hawak ang cp nila. Tinignan ko naman kung anong oras na medyo maaga pa. At makakapag ayos pa ako.

"Andyan ka na pala. Halika ka dito para maayusan ka na namin." Sabi ni Tine.

Sumunod ako sa kanila. Sinimulan nila sa buhok ko. Kinulot lang nila yung parteng dulo ng buhok ko. Tapos sa mukha naman. Simpleng make up lang tapos ayun na tapos na.

"Perfect!" Sabay nilang sabi. Tapos tumawa kaya tumawa na rin ako.

"Sige isuot mo na yan. Mag aayos lang din kami." Sabi ni Tine. Gulat naman akong tumingin sa kanila.

"Sasama kayo? Bakit?" Tanong ko sa kanila.

"Oo sasama kami. Para naman makita namin yung secret admirer mo." Sabi ni Leen.

"Oo nga. At wag kang mag alala. Magtatago kami." Sabi naman ni Tine.

Tapos sabay silang lumabas. Umiling na lang ako saka sinuot yung dress.

The Game Of Badgirls And PlayboysWhere stories live. Discover now