Chapter 4-Couple Cap???

4K 128 2
                                    

Thea POV

Nandito na kami ngayon sa apartment namin. Kakatapos ko lang magbihis.

"Mall tayo! May kailangan akong bilhin eh!" Yaya ni Leen.

"I'm sure drawing materials na naman ang bibilhin mo. Pero sige sama ako kailangan ko din bumili eh." Sabi ko.

"Teka sino aalis? Sama ako ha!" Masiglang sabi ni Tine. Hay nako! Bibili na naman yan ng makeup.

"Oo na. Ikaw Ley sama ka?" Tanong ko kay Ley na kababa lang.

"Sige. Kailangan ko din bumili ng libro at cap." Sabi nya.

So ayun sumakay kami sa sarili naming sasakyan. Yup, sariling sasakyan. Nagpapahatid lang kami pag papasok kami at nagpapasundo kami pag uwian na. Atsaka minsan lang namin to gamtin ayaw kasi ng parents namin. Red sa akin, Violet kay Tine, White kay Leen at Black kay Ley. Lahat yun ay Ferrari.

Pagdating namin sa mall agad naman kami nag park at pumasok sa loob.

Una kaming pumunta sa national bookstore. Bumili kami ng kailangan namin. Habang naglilibot kami upang bumili ng libro, nahagip ko naman sila Ej na kakalabas lang sa isang store.

"Diba sila Ej yun?" Turo ko sa kanila.

"Oo nga noh! Ano puntahan natin?" Tanong ni Leen.

"Wag muna mapapansin din tayo nila. Atsaka may bibilhin pa tayo noh! Parang gusto ko nga magpasalon. Tara?" Ngiting sabi ni Tine.

"Sige. Gusto ko mag pakulay eh!" Sabi ko.

"Kita na lang tayo mamaya. Bibilhin ko pa yung limited edition na cap. Text nyo na lang ako pag tapos na kayo. Sige bye!" Sabi ni Ley. Atsaka sya umalis.

"Na adik na talaga sya sa cap noh! Balak atang punuin iyong apartment natin ng cap nya." Sabi ni Leen.

"Ayaan nyo na. Mana naman sya kay tito. Tara puntahan natin si tita para makapagsumbong at mag pasalon." Sabi ni Tine atsaka lumabas.

Lumabas na rin kami at pumunta sa 3rd floor. Nandoon kasi yung salon ng mama ni Ley.

Pagkarating namin doon sinalubong agad kami ni Ella. Ang assistant ni tita.

"Hi girls! Magpapakulay o magpapagupit?" Tanong nya sa amin.

"Magpapakulay Ella. Si tita nandiyan ba?" Tanong ni Tine.

The Game Of Badgirls And PlayboysWhere stories live. Discover now