Chapter 49-Reaction

2K 60 2
                                    

Thea POV

"Ano? Di pa rin ba sila nagrereply?" Tanong ni Steven.

"Hindi pa rin. Pag tinatawagan mo naman ayaw nila sumagot!" Inis na sabi ni James.

"Ok guys kalma! Siguradong magkasama na sila. Kaya kumalma muna tayo ok?" Sabi ko.

Huminga sila ng malalim saka tumango.

Hay! Nasaan na ba kasi yung dalawang yun! Nakakakaba ha!
Bakit ayaw ba kasi nila sagutin?

Mahirap bang pindutin ang answer pag may tumatawag sa phone mo! Hay! Tong dalawang to! Makakatikim talaga ng batok tong si Ley pagdating!

Ng makaramdam na kami ng gutom nag prisinta ang boys na magluto. Umoo na lang kami kasi si Ley talaga ang nagluluto sa aming apat. Kaya ko naman magluto kaso hindi ko tansyado ang lasa.

Pumunta ang boys sa kusina kaya kaming girls ay nanood na lang.

Nagpasyahan namin manood ng the baby boss. Wala trip namen eh. Since ayaw namin ngayon ng romance.

Nasa kalagitnaan na kami ng movie ng may biglang nag doorbell. Nagkatinginan kami atsaka agad tumakbo sa pintuan.

Pagbukas namin mukha agad ng dalawang taong kanina pa namin hinahanap.

"Ley!" Sigaw namin saka agad na yinakap sya.

"Teka girls hindi ako makahinga!" Angal nya agad namin syang binitawan. Pero binatukan ko sya. Diba sabi ko babatukan ko sya pagdating nya.

"Aray! Thea!" Sigaw nya.

"San ka ba kasi nag pupunta?" Tanong ni Leen.

"Oo nga! Atsaka bakit hindi mo sinasagot yung tawag namin! Yung mga text namin bakit di ka nagrereply!" Sigaw ni Tine. Pero tumawa lang sya.

"Hahahahahahaha!!!!"

Tumingin kami kay Cyrus. Pero umiling lang sya atsaka pumasok.

Tinignan namin ulit si Ley. Nakangiti lang sya sa amin.

"Ley your weird!" Sabi ni Tine.

"Tara sa kwarto ko!" Sabi nya sabay hila sa amin paakyat sa kawarto ko.

Ley POV

(Ito po yung reaksyon ni Ley sa sinabi ni Cyrus.)

"I LOVE YOU."

Nanlaki yung mga mata ko sa sinabi ni Ting ting. Ilang segundo bago mag sink in sa akin yung sinabi nya.

"Hey! Are you ok?" Tanong nya sa akin. Hindi ako umimik. Gulat pa rin ang reaksyon ko.

Alam ko hindi na bago sa akin ang salitang yun dahil ilang beses ko ng narinig yun. Pero ngayon daig ko pa yung... basta hindi ko maipaliwanag.

Yung feeling na may parang sumabog na... i don't know... kilig? Tapos parang may lumilipad sa tyan mo. Yun yung nararamdaman ko eh.

Yung moment na gusto mong himatayin sa kilig dahil sa salitang yun.

"Hey!" Nawala ako sa pagiisip ng mag salita sya. Nakatingin parin sya sa akin.

"Huh?" Tanong ko.

"Ang sabi ko ok ka lang ba?"

"Ahhh..." Sabi ko na lang.

"I love you..." Sabi nya ulit. Kung kanina medyo seryeso ngayon nakangiti na sya.

"Cy-" Hindi ko na tapos yung sasabihin nya ng bigla nya akong halikan sa labi.

The Game Of Badgirls And PlayboysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon