Chapter 50 THE END???

2.2K 63 2
                                    

Leen POV

Haaayyy!!! Bored na ko!!! Di ko naman maistorbo yung dalawa dahil busy sa mga phone nila. Tapos wala pa si Ley dahil nga sa date nila Cyrus.

Tapos hindi pa nagtext or tawag si Steven sa akin. Ano kayang nangyari doon? Sana naman wala. Ayoko naman ako una magtext baka kasi may ginagawang importante.

Kinuha ko na lang yung lapis at sketch pad ko. Drawing na lang ang gagawin ko. Ano kaya maganda? Isip. Isip. Tama! Si Naruto na lang since favorite ko sya.

So, ayun nag drawing na ako. Pero hindi rin naman ako maka focus dahil lumilipad yung isip ko.

Natigil ako sa pag drawing ko ng maisip ko yung plano namin. Yung planong paglaruan yung boys. Yung planong masakatan sila. Parang lahat yun nawala.

Binaba ko yung hawak ko lapis saka tumingin kila Thea na ngayon hawak parin yung mga phone nila. Dapat pagusapan na namin yung plano dahil natatakot akong mawala na lang bigla ang saya na nadadama ko.

"Tine. Thea." Tawag ko sa kanila. Tumingin naman sila sa akin. At ng makita nilang seryeso ako, binaba nila ang phone nila saka umayos ng upo.

"Bakit Leen?" Tanong ni Thea. Huminga ako ng malalim saKa sinabi ang gumugulo sa isip ko.

"Tungkol sa plano natin. Yung game. Kila Steven." Seryoso kong sabi sa kanila. Na gets naman nila ako. Sinabi ko sa kanila yung gumugulo sa akin. Pagkatapos kung sabihin sumagot naman sila.

"Honestly yan din yung iniisip ko. Simula ng ligawan nila tayo parang nagiba na." Sabi naman ni Tine. Tumango lang ako.

"Sabihin na kaya natin! Hindi ko na kaya mag sinungaling sa-" Natigil yung sasabihin ni Thea ng may biglang sumabat.

"Sabihin ang ano Thea?" Tumingin kami sa nagsalita. Laking gulat namin na sila Steven nakatayo at seryesong nakatingin sa amin. Dali dali naman kaming tumayo.

"Steven-" Naputol yung sasabihin ko ng magsalita ulit si Ej.

"Sagutin mo ako Althea. Ano yung sasabihin nyo?!" Seryosong tanong ni Ej. Promise nakakatakot na sya.
Tinignan ko si Thea at masasabi kong mapapaiyak na sya. Sa aming tatlo sya ang pinaka sensitive.

"Ano! Bakit ayaw nyong sabihin! Ano ba yung GAME na sinasabi nyo! Anong plano ha!" Natakot ako ng biglang sumigaw si James. Paano...

"Paano..." Gulat na sabi ni Tine.

"Paano namin nalaman? Narinig namin kayo. Narinig namin lahat." Seryosong sabi ni Steven.

"Magpapaliwanag kami-" Sabi ko. Pero nagsalita si James.

"Magpapapliwanag! Ano ipapaliwanag nyo! Na ginawa nyo lang kaming laruan ha! Na plano nyo lang kaming saktan! Na isang laro lang tong ginagawa natin!" Galit na galit na sabi ni James. Hinawakan sya ni Steven para pakalmahin.

"Please let us explain-" Mangiyak ngiyak na sabi ni Thea.

"Ano pa ipapaliawang nyo! Malinaw naman na ginawa nyo lang kaming laruan, na isang laro lang to sainyo, at plano nyo lang kaming saktan. Malinaw na malinaw!" Galit na sigaw ni Ej saka nag walk out. Sumunod rin si James na nakayukom yung mga kamay nya. Tinignan ko si Steven na ngayon ay galit ang awra.

"Steven..." Naiiyak na sabi ko.

"Sana sinabi nyo na lang na isa lang tong laro. Para walang nasasakatan." Kasunod nun ang pagtakas ng luha sa mga mata nya. Saka sya lamabas. Gusto ko syang yakapin.

Narinig ko na lang ang paghikbi ng dalawa. Hindi ko na rin napigilang umiyak. Ang sakit grabeh! Nakita ko na lang na umakyat si Thea at si Tine naman lumabas.

The Game Of Badgirls And PlayboysМесто, где живут истории. Откройте их для себя