Chapter 1: Begin

1.6K 47 3
                                    

[Hannah's POV]

Kakauwi ko lang galing school ng bigla akong salubungin ng maid namin.

"Young Lady may nagpapabigay po nito sa inyo." Sabi nito at dahan dahan ibinigay sakin ang sobre.

"Okay.. Thank you." I said at kaagad na umakyat sa hagdan. Nang makarating sa kwarto inihagis ko ang bag ko sa Kama ko at kaagad na binuksan ang sobre.

Bumungad sakin ang isang invitation card ng buksan ko ito.

A party?

[PHONE RINGS]

Sinagot ko yung tumatawag sakin..

("November 1.. Aatend ka?") Tanong ng isang pamilyar na boses kaya tinignan ko kung sino ang tumatawag only to find out na si Kisha pala ang tumatawag.

"Invited ka rin?" Tanong ko.

("Yep! Ano? Pupunta ka?") Tanong ni Kisha.

"Pag-iisipan ko." Sabi ko.

("Tsk! Sumama ka na. Para naman may magawa tayo sa November 1.") Sabi ni Kisha.

"K Fine." Sabi ko at bigla ko nalang nailayo yung cellphone ko sa tenga ko ng marinig ko syang tumili.

("Wala ng bawian yan ha?") Sabi nya.

"Oo." Sabi ko "Sige na bukas nalang ulit inaantok na ko eh." Sabi ko at humikab.

("Ayan! Sumali ka pa kasi sa Dance Club eh! Yan tuloy lagi kang pagod.") Sabi nya.

"Bye!" I said at inend na yung call. Inaantok na talaga ako.

[Third Person's POV]

Gaya ni Hannah at Kisha halos lahat ng mga kaklase nila sa Section nila ay nakatanggap din ng invitation card.

At kagaya ni Hannah ang iba sa mga Ito ay pinag-iisipan kung aatend ba sila o hindi.. Ngunit dahil enjoy nga naman ang party ang iba ay kaagad na nakapagdesisyon na aatend sila sa party gaya ni Kisha.

October 25 palang kaya may ilang araw pa sila para makapag-prepare..

Kinabukasan maagang pumasok si Hannah sa school.. Meron naring ibang mga istudyante na talagang sinadyang pumasok ng maaga para makita ang kani-kanilang mga kasintahan.(Naks naman) Ang iba ay napapatingin Kay Hannah. Si Hannah ay sikat sa pinapasukan nyang school. Naging sikat ito simula nang sya ay sumali sa Dance Club. Habang ang kaibigan nya naman si Kisha ay isa ring sikat.. Dahil naman yun sa pagiging magaling nya sa pagtugtog ng piano, violin, gitara at drums. Magaling din Ito kumanta at madalas syang ipanlaban ng kanilang school sa mga singing contest..

Nang makarating sa classroom si Hannah... Kaagad na bumungad sa kanya ang mga kaklase nyang naghaharutan kaya naman napailing na lamang si Hannah.

Sa pag-upo ni Hannah sa upuan nya kaagad syang nilapitan ng kaklase nyang lalaki na nagngangalang Nicolas.

"Anong paborito mong laro?" Tanong nya.

"My Favorite Game? Survival Game." Sabi nito.

Dahil malapit sa bintana ang inuupuan ni Hannah narinig ng isang lalaking istudyante ang naging sagot into kaya bahagya itong napangisi. At pagkatapos naglakad na palayo upang pumunta sa kanyang classroom.

...
...

END OF CHAPTER 1: BEGIN

THANK YOU FOR READING

PLEASE VOTE OR COMMENT

AND GODBLESS YOU ALL

SARANGHAE<3

My Favorite Game : Survival GameWhere stories live. Discover now