Chapter 32: Not An Enemy

377 15 1
                                    


[KINABUKASAN]

[Third Person's POV]

[Phone Rings]

"Hello?"

("Bad news Kisha..") Sabi ng isang boses lalaki kay Kisha kaya tinignan nya kung sino ang tumawag.

"Ha? Anong bad news sinasabi mo dyan Gilbert?" Tanong ni Kisha kay Gilbert and kabilang linya.

("Well may good news din naman ako kaya eto ang uunahin ko..") Sabi ni Gilbert kay Kisha.

"okay?" Nakakunot-noong sabi ni Kisha habang hinihintay nito ang sasabihing good news sa kanya.

("Hindi na guguluhin pa ni Cedric si Hannah..") Sabi ni Gilbert kaya napangiti si Kisha nang dahil sa sinabi nito.

"Anong yung bad news mo??" Tanong ni Kisha.

("Hindi na nya magugulo si Hannah dahil patay na sya.. Kisha isa sya sa mga biktima nung killer.") Sabi ni Gilbert kaya nabitawan ni Kisha ang phone nya nang dahil sa sobrang gulat.

("Kisha? Hello? Okay ka lang ba? Uy sumagot ka!..") Sabi ni Gilbert sa kabilang linya kaya pinulot na ni Kisha ang phone nya na bumagsak nang dahil sa gulat nya.

"Nagulat lang ako.. Sorry kung hindi agad ako nakasagot." Sabi ni Kisha.

("Pinag-alala mo ko..") Sabi ni Gilbert kaya medyo natigilan si Kisha kasabay na rin non ang pagbilis ng tibok ng puso nya.

"A-ano?" Tanong ni Kisha.

("Wala sabi ko panget mo!") Sabi ni Gilbert at tumawa sa kabilang linya.

'Paasa... TSS..' Sabi ni Kisha sa kanyang isipan.

"Wow ha? Nagsalita ang hindi panget." Nakasimangot na sabi ni Kisha.

("Huwag kang sumimangot... Lalo kang pumapanget.") Sabi ni Gilbert kaya napairap sa hangin si Kisha.

'Paano nya nalaman na nakasimangot ako?!' Sabi ni Kisha sa kanyang isipan kaya luminga-linga sya sa paligid nya para tingnan kung nasa paligid nya lang si Gilbert.

("At huwag ka ring ngingiti.. Baka hindi ko na mapigilan ang sarili ko..") Sabi ni Gilbert at doon nakita nya si Gilbert na nakatayo sa tabi ng poste habang nakatingin sa kanya.

Kaagad na lumakas ang tibok ng puso ni Kisha ng ngumiti si Gilbert sa kanya.

Habang nasa terrace si Kisha at habang nasa baba si Gilbert.

Nginitian nila ang isa't-isa.

[Hannah's POV]

Kasalukuyan akong nakasakay sa service car ko.. Nang biglang huminto sa pagda-drive ang driver ko at sumilip sa may labas ng bintana.

"Bakit kuya? Anong meron?" Tanong ko nang mapagtantong ang daming taong nakikiusyoso sa bandang unahan namin.

"May patay daw po eh." Sabi sakin ni Kuya kaya lumabas na ko sa kotse.

"M-ma'am! Saan po kayo pupunta?" Tanong nung driver ko.

"Titignan ko lang po kung anong meron.. Wag po kayong mag-alala babalik po ako." Sabi ko at naglakad na Papunta sa pinagkakaguluhan ng mga tao.

'Grabe naman yung taong pumatay sa kanya.. Kawawa noh?' Sabi ng isang boses babae na kasalukuyang papaalis sa lugar na pinagkakaguluhan ng mga tao.

Bigla akong nakaramdam ng kaba sa hindi ko malamang dahilan.

Nakipagsiksikan ako sa mga tao nang makita ko sa unahan si Ms. Sandra.

My Favorite Game : Survival GameWhere stories live. Discover now