Chapter 16: New Strategy

472 18 0
                                    

[Hannah's POV]

Back to normal na ulit ang Gawain ko. Gigising ng maaga at papasok sa school ang naiba lang is hindi na muna ako magpapractice ng sayaw bawal daw akong kumilos masyado kaya itong si Tristan laging nakabuntot sakin.

"kelan ka lalayo sakin? Halos buong oras nakasunod ka sakin ah." Sabi ko kaya nagkibit-balikat lamang sya.

"Baka may masamang mangyari sayo kung hindi kita babantayan at susundan." Sabi nya kaya napailing na lamang ako.

"takpan mo nga mukha mo nagsasawa na ko sa pagmumukha mo." Pabirong sabi ko.

"kahit anong sabihin mo sakin di pa rin kita iiwanan." Sabi nya kaya kaagad naman akong napaderetcho ng tingin.

Gosh ayan na naman sya bumabanat na naman...

"Mamaya deretcho tayo sa Condo ko." Sabi nya. Kaya napatigil ako sa paglalakad..

"A-anong gagawin natin dun?" Tanong ko sa kanya.

"Wala.. Bakit? Ano bang iniisip mo?" Tanong nya kaya kaagad akong napahawak sa mukha ko..

"a-ah w-wala.." Sabi ko at naglakad na ulit..

Ugh! Ano ba tong iniisip ko?! TSS...

***

[Sa Classroom]

"Hannah!!" Sigaw ni Candice.

"oh?" Sagot ko.

"buti okay ka na.." sabi nya. Kaya nginitian ko sya.

"Mamaya kakausapin ka daw ni Ms. Sandra." Sabi ni Candice Kay tumango na lamang ako bilang sagot.

Ano naman kaya ang sasabihin ni Ms. Sandra? Nakaka-curious tuloy.

"lalim ng iniisip mo ah." Sabi ni Tristan habang nakatingin sakin.

"shut up.. May iniisip ako." Mataray na sabi ko sa kanya.

[Tristan's POV]

Simula nung araw na huling tumawag sakin si Mom.. Palagi na kong kinakabahan sa hindi ko malaman na dahilan.

Si Lolo kapag nalaman kong may ginawa syang masama kay Mommy.. Hinding-hindi ko sya mapapatawad. Si Dad naman kaninang umaga tumawag sya sakin.. Sabi nya sa Condo ko daw kaming dalawa ni Hannah tumira.

Bibisita daw sya sa Condo ko kapag nakakuha daw sya ng tamang tiyempo..

Kaya kahit na hindi alam ni Hannah na doon sya titira pansamantala sinabi ko pa ring pupunta kami sa Condo.

Kamusta na kaya si Mommy? Hindi ko maiwasang hindi mag-alala dahil knowing my Lolo he is really scary when he gets angry... Para syang makakapatay ng tao.. That's why I hate him in the first place lalo na nung ikwento sakin ni Mom yung dinanas nyang paghihirap Kay Lolo.

Baliw si Lolo.. At mamamatay tao sya. Kaya oras na malaman kong sinaktan nya si Mommy.. Hindi nya magugustuhan ang gagawin ko...

"Malapit ng mag-bell.. Bat wala pa rin si Kisha?" Sabi ni Hannah habang nakatingin sa relo nya.

Oo nga.. Sa pagkakaalam ko ayaw nya na nalalate sya.

"Baka may practice sya?" Sabi ko.

"Sabagay.." sabi nya.

[Third Person's POV]

Biglang lumabas si Candice sa classroom nila.. Nalulungkot Ito sa pagkamatay ng dalawa nyang matalik na kaibigan.

Kaya pumunta si Candice sa Comfort Room ng mga babae.

Walang Ibang tao sa loob ng Comfort Room kaya kaagad na nag-hilamos si Candice at pagkatapos nun ay tinignan ang repleksyon nya sa salamin.

Unti-unti namang namuo ang luha sa mata nya ng maalala nya ulit ang dalawa nyang kaibigan na ngayon ay patay na.

Pumasok sya sa isang cubicle.. Ni-lock nya ito at doon umiyak ng todo.

"Masakit bang mawalan ng kaibigan?" Sabi ng isang boses lalaki.

Kaya bigla syang natigilan.

"Kilala ko kung sino ang pumatay sa kaibigan mo." Sabi pa nito kaya kaagad syang lumabas sa cubicle.

Nakita nya ang isang lalaki na naka-jacket na itim.. Naka-hood Ito at naka-sumbrero. Hindi nya makita ang mukha nito dahil nakayuko Ito habang nakapamulsa.

"Sino ka? Saka anong ginagawa mo dito?" Tanong ni Candice.

"Gusto mo bang malaman kung sino ang pumatay sa kaibigan mo?" Sabi ng lalaki kay Candice. Kaya kaagad na naikuyom ni Candice ang kanyang kamao sa galit.

"Pwede ba?! Kung trip mong mang-asar wag ako!! Humanap ka ng iba!!" Pasigaw na asik ni Candice.

"Hahahahaha.." Tawa nung lalaki kaya mas lalong nainis si Candice.

"Quit laughing will you?!!" Sabi ni Candice.

"Hindi nila mahuhuli ang pumatay sa kaibigan mo.." Sabi nito kay Candice.

"Ikaw pwede mo syang mahuli.. Ayaw mo bang ipaghiganti sila?" Sabi ng lalaki na tila para bang gustong lasunin ang pag-iisip ni Candice.

"Hindi ko mapapatawad ang pumatay sa kanila.." Sabi ni Candice na puno ng poot at galit ang mga mata sa ngayon..

Kaya bahagyang napangisi ang lalaki sa sinabi ni Candice.

***

Matapos sabihin ng lalaki kay Candice kung sino ang pumatay sa kaibigan nya..

Wala sa sariling naglakad si Candice pabalik sa classroom nya.. Nakakuyom pa din ang mga kamay nya ng dahil sa sobrang galit..

Ang nasa isip lamang ni Candice ay ang maipaghiganti ang kaibigan.

Palihim naman syang pinagmamasdan ng lalaki habang nakangisi..

"Tagumpay." Sabi nito habang nakangiti.

***

[Hannah's POV]

"okay na ba ang lagay mo?" Tanong ni Ms. Sandra sakin kaya nginitian ko sya sabay tango.

"Hindi mo ba nakita ang mukha ng killer nung time na pagtangkaan ka nyang Patayin?" Tanong sakin ni Ms. Sandra.

"Hindi po.. Madilim po nung time na pagtangkaan nya ang buhay ko." Sabi ko.

"Nung time na pinagtangkaan ka nung killer.. May nangyaring aksidente sa mismong daan na Papunta sa bahay mo.. Sa tingin ko planado ng killer ang nangyari sayo." Sabi ni Ms. Sandra habang pinapakita sakin ang Kuha ng CCTV..

Walang ibang dumadaan na sasakyan.. Walang katao-tao.. Biglang lumabo yung Kuha ng CCTV ng 3 seconds. At nang luminaw Ito saktong nakataob na ang truck..

"Ngunit ang nakakapagtaka walang sasakyan nun at 3 seconds lang namang lumabo ang kuha ng CCTV camera. Kaya paano nangyari ang aksidente?" Sabi ni Ms. Sandra kaya napaisip din ako. Masyadong nakakalito ang isang toh..

Imposible kasi masyado ang about sa supernatural thing na yan. Pero parang yun kasi ang una mong maiisip kapag napanood mo yung CCTV record.

"Isang CCTV lang ba ang nakakuha ng aksidente?" Tanong ko.

"marami pero ng tignan namin yun Iisa lang din ang nangyari.." Sabi ni Ms. Sandra.

"ilang araw ng walang pinapatay ang killer simula ng higpitan namin ang pagbabantay sa section nyo." sabi ni Ms. Sandra.

"Kaya hindi malabong hindi sya mag-iba ng strategy sa pagpatay." Sabi ni Ms. Sandra.

"Mag-iingat ka.. Anytime pwede kang balikan nung killer." Sabi ni Ms. Sandra at pagkatapos nun ay nagpaalam na syang aalis.

...
...

End of Chapter 16: New Strategy

THANK YOU FOR READING!

PLEASE VOTE OR COMMENT

AND GODBLESS YOU ALL

SARANGHAE❤

My Favorite Game : Survival GameWhere stories live. Discover now