Chapter 24: 10-18-7:00

448 16 2
                                    

[Victoria's POV]

Maaga akong pumasok sa school para makapag-hanap ng libro na makakatulong sakin para sa darating na exam.

Konti palang ang tao ngayon dito sa school dahil 6:00 palang...

Alam na kaya nya ang ibig kong sabihin sa sulat na yun?

Tss.. Hindi nya pala yun malalaman dahil tanga sya. Hindi tulad ko na matalino.

Nang makarating ako sa harap ng library ay kaagad akong pumasok upang maghanap ng book na pwede kong basahin..

Pero sa tagal ng paghahanap ko ay wala akong nakitang pwedeng makatulong sakin kaya lumabas na lamang ako sa Library.

Habang naglalakad ako ay bigla akong napadaan sa lumang building ng school.

Sabi nila dyan daw itinatambak yung mga luma ng libro ng school na toh. Itinatambak lang daw nila iyon sa tuwing may bagong libro na..

At sabi din nila dyan din daw natagpuan yung ibang bangkay ng mga estudyante dito sa school na toh. Hindi nila inilalabas ito sa media dahil masisira ang pangalan ng school.

Nagpapapunta sila ng pulis dito para maimbestigahan ang lahat pero hindi nila ito inilalabas sa media. Bawal din daw pag-usapan ang tungkol doon lalong-lalo na ang pag-usapan ito sa labas ng school.

Masisira daw ang pangalan ng school.

Naglakad ako papunta sa lumang building para maghanap ng libro.

Ang building na toh ay may masangsang na amoy kapag nakarating ka sa 2nd floor.

Ang 3rd floor naman ay mas malala ang amoy dahil doon natagpuan ang mga naaagnas ng bangkay ng mga estudyante dito sa school na toh..

Nakakatakot.

Kung paano ko nalaman ang mga ito... Yun ay dahil sa isa sa mga estudyanteng naaagnas na yung ate ko.

Oo masakit ang mawalan ng kapatid lalo na kung sya lang ang nakakaintindi sayo.

At mas lalong masakit kapag nalaman mong ang pamilya ng kaibigan mo ang dahilan kung bakit hindi nabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng kapatid mo.

Galit ako sa kanya.. Kaya ipaghihiganti ko sya. Ipaghihiganti ko ang ate ko.

Nang makarating ako sa 3rd floor ay kaagad ako naglakad patungo sa classroom ng Ate ko.

[Third Person's POV]

"Mapag-kakatiwalaan ka naman pala." Sabi ng lalaki.

"TSS. As if naman na may choice pa ko. Ayoko pang mamatay noh." Sabi naman ng isang babae.

"Hindi naman kita Papatayin kung hindi ka nga magsasalita tungkol dun.. Simple lang naman ang gusto ko at hindi mahirap gawin tama ba?" Sabi ng lalaki sa babae.

Bakas sa mukha ng babae ang pagkairita nito sa mga sinasabi ng lalaki.

"Once na may makaalam mamamatay ka.." sabi ng lalaki habang pinaglalaruan nya ang kanyang pocket knife.

"That would never happen.." sabi ng babae.

"Sigurado ka?" Sabi nito. Kaya kinabahan ang babae sa sinabi nito.

"Relax Trixie.. I'm just kidding." Sabi ng lalaki kay Trixie.

"Fuck you." Sabi ni Trixie dito kaya tinawanan na lang sya ng lalaki..

"Alam mo ba ang dahilan ko kung bakit ko sya pinoprotektahan?" Sabi ng lalaki.

"Hindi. Alangan namang alam ako eh hindi naman ako manghuhula." Sabi ni Trixie at inirapan ang lalaki.

My Favorite Game : Survival GameWhere stories live. Discover now