Chapter 36: Letter

304 16 1
                                    

[Hannah's POV]

Geez.. Seryoso ba talaga syang liligawan nya ako?

Baka maya-maya jino-joke time nya lang ako.

Kasalukuyan akong naglalakad nang bigla kong makita sa di kalayuan si Nicole.

Oo nga pala kailangan ko syang sundan.. Nararamdaman kong may itinatago si Nicole at alam kong may alam sya sa mga nangyayari sa mga kaklase namin.

Palihim ko syang sinundan.

Saan kaya sya pupunta? Nilagpasan nya yung building namin.

Lakad lang sya ng lakad.. Habang ako sinusundan sya.

Makalipas ang ilang minutong paglalakad bigla syang pumasok sa lumang building ng school.

Anong gagawin nya dun? Aish! Masundan na nga lang sya.

Pumasok din ako sa lumang building ng school.

Ang baho talaga.. Di ko ma-take ang amoy.

Nakita kong umakyat si Nicole kaya dahan dahan din akong umakyat.

Patuloy lang ako sa pag-sunod sa kanya nang sa wakas ay tumigil na sya.

Nasa Third floor na kami at kasalukuyan syang nasa harap ng pintuan.

Hinawakan nya ang door knob at pinihit ito. Nang mapihit nya ito ay kaagad syang pumasok at sinara ng kaunti ang pinto.

Dahan dahan akong lumapit sa may pinto at...

"Ang tagal mo namang dumating.." Sabi ng isang boses lalaki.

"Pake mo ba?" Rinig kong sabi ni Nicole.

"TSS.." Sabi ng lalaki.

"Ano bang kailangan mo at ginulo mo ko?" Iritang tanong ni Nicole sa kausap nya.

Teka.. Sino ba yung kausap nya? Medyo familiar yung boses pero hindi ko talaga kilala.. Ang creepy kasi nung boses eh..

At kung mag-uusap sila bakit sa gantong lugar?

"Nakatanggap ka rin ng invitation card hindi ba?" Tanong ng lalaki kay Nicole.

"Oo at bakit?" Tanong ni Nicole.

"Malakas ang kutob kong may mangyayaring hindi maganda sa party at kailangan natin yon paghandaan." Sabi ng lalaki kay Nicole.

Tama yung lalaki.. Siguradong may ibang mangyayari kapag nakapunta lahat ng invited sa party na yun.

Kailangan kong paghandaan ang gagawin ng Killer.. Kailangan bago nya pa ako mahila pababa.

"Kailangan kong protektahan si Kisha.." Rinig kong sabi ng lalaki kay Nicole.

"Alam kong may mangyayari.. Ine-expect ko na yun nagtaka lang ako kasi masyado syang natagalan na ibigay ang invitation card sa atin." sabi ni Nicole.

"At handa na ako sa kung ano mang pasabog ng Killer." Sabi ni Nicole.

"Tss. I'm not asking you if you were ready about the killer's trap." sabi ng lalaki kay Nicole.

"I know idiot." Sabi ni Nicole.

[Foot steps]

Makikinig pa sana ako nang bigla akong makarinig ng taong naglalakad papunta sa direksyon ko.. Kaagad akong pumasok sa kabilang classroom at nagtago dito..

Mabuti nalang at sarado ang mga bintana dahil kung hindi baka makita ako ng kung sino man yun.

She's already expecting the killer's trap.. How come she know that the killer is going to invite us in the party?

That girl is such a mystery tsk.

[Gilbert's POV]

Ang boring naman..

Iniwan ako ni Kisha sa cafeteria may gagawin daw sya tapos si Tristan naman hindi ko makita at ganon din si Hannah.

Bat ba busy sila masyado? Haynako di ko sila maintindihan..

Ang weird kasi kanina may natanggap akong invitation card.

Na-excite ako nung una pero sa di ko malamang dahilan ay bigla akong kinabahan.

Kasalukuyan akong naglalakad ng may makita akong couple na naglalambingan habang naka-upo sa may bench.

Di ko alam kung bakit pero bigla akong napa-pout sa nakita ko nang biglang maalala ko si Kisha.

Yes I like her pero na-realize ko na wala manlang akong kaalam-alam sa kanya maski ang paborito nyang ulam at kung kelan sya pinanganak.

Oo na ako na torpe.. Kasalanan ko bang umuurong ang dila ko sa tuwing nakikita ko sya? Tsk lakas ng amats ko sa kanya.

Isa pa si Tristan at Hannah.. Di ko alam pero nakaramdam ako ng kaunting inis kasi kagaya nalang din ng kay Kisha ay wala din akong alam tungkol sa kanila.

Hindi tulad nila na---nevermind.

Lakad lang ako ng lakad nang biglang may bumangga sa balikat ko.

Aray..

"Sorry ha?!" Inis na sigaw ko sa lalaking bumangga sa akin..

Lalakad na sana ulit ako ng nay nakita akong puting papel sa lapag.

Kinuha ko ito at binasa ang nakasulat.

'You should not live in that way.. Remember that you have made a serious crime and I will hunt you and kill you..'

Haha.. I'm really expecting for this to happen. And now finally!

I actually don't forgot what I did in my previous school. But I did forgot that someone will hunt and kill me because of what I did.

And now his here.

Here to kill me...

...
...

A/N: Sorry kung hindi agad ako Nakapag-UD biglaan kasing nag- announce yung teacher namin na sa Oct 19-20 na yung exam kaya eto busy ako at naghahabol ng mga kulang sa subjects ko after na siguro ng exam ako mag-u-UD and also sorry for the very short UD

End of Chapter 36: Letter

THANK YOU FOR READING!

PLEASE VOTE OR COMMENT

FOLLOW ME

AND GODBLESS YOU ALL

SARANGHAE❤

My Favorite Game : Survival GameWhere stories live. Discover now