Chapter 54: Cursed Mark

327 14 6
                                    

Reminder: Please read my other story entitled 'Still You' Thank you.

[Victoria's POV]

"Hmm.." Sabi ko bago iminulat ang aking mata.

"Buti gising ka na." Sabi ni Nicole na nakaupo sa higaan niya.

Yeah buti nga nagising pa ako.. Akala ko talaga mamamatay na ko eh.

"Si Hannah?" Tanong ko nang maalala ko na nandito siya kanina lang.

"Umalis na siya.. Huwag mong sasabihin kina Tristan na pumunta si Hannah dito okay?" Sabi niya kaya kumunot ang noo ko.

"Bakit naman?" Tanong ko.

"Ayaw nyang ipaalam eh may balak siya na sa tingin ko ay ayaw niyang masira kaya ayaw niyang sumama sa atin." Sabi ni Nicole.

Napatango na lamang ako sa sinabi niya. Nanahimik nalang ako nang biglang kumirot ang right wrist ko kaya tinignan ko ito..

Halos manlaki ang mata ko nang makita ko ang nakalagay dito.

"10-19-3:50" Basa ko sa numerong nakalagay sa wrist ko.

Damn it..

"Nicole." Tawag ko kay Nicole.

"Oh?" Walang ganang sagot niya at binigyan ako ng 'bored' look tss.

"M-may marka na din ako." Sabi ko kaya bigla siyang pumunta sakin at tinignan ang wrist ko..

Tinignan niya ang kanya at...

"Parehas na parehas.." Sabi ni Nicole nang pinagtabi niya ang mga kamay namin.

"Ang alin?" Nagtatakang tanong ko dito.

"Sa tingin mo ba ang killer mismo ang nag-ukit nito?" Tanong sakin ni Nicole kaya napaisip ako.

Tinignan ko ang wrist ko..

"Sa tingin ko hindi.." Sabi ko nalang bigla.

"Kung ganon tama pala ako.." Sabi niya.

"What do you mean?" Tanong ko.

"Ang nakasulat sa wrist natin.. Parang siyang tattoo kung titignan." Sabi ni Nicole

May point siya..

"Ang ipinagtataka ko paano nalagay ng killer ang numero kung gising naman tayo?" Sabi niya kaya napatango-tango ako.

"Patay na ang killer yun ang alam namin ni Hannah kaya imposibleng mamarkahan niya tayo." Dugtong niya pa.

"Patay? Paano?" Tanong ko.

"Pinatay ni Hannah ang killer.. Kitang-kita ko ang pagbaon at paglagpas ng katana sa katawan ng killer kaya imposibleng buhay pa yon." Sabi ni Nicole.

"Pero kanina... Kamukha mo ang nagturok sakin ng lason." Sabi ko.

"WHAT?!" Gulat na sabi niya kaya binatukan ko siya tsk -_-.

"Lower your voice may natutulog okay?" Sabi ko sa kanya at Tumango-tango naman siya.

"Paano nangyari yun?" Hindi makapaniwalang tanong niya.

Ako nga hindi ko alam eh..

"Ewan.. Pero parang invincible yung killer ngayon.. O kaluluwa nalang niya yun?" Sabi ko.

"Pwede rin.. kung kaya niyang manggaya kailangan doble ingat na tayo simula ngayon." Sabi Nicole at naglakad na papunta sa higaan niya.

"Mamayang 10:30 AM aalis na tayo dito sa hospital." Sabi ni Nicole.

My Favorite Game : Survival GameWhere stories live. Discover now