Chapter 58.1: His Point of View

319 13 2
                                    

A/N: 'POV' ni Jake ngayon ang nasa chapter na 'to, dito niyo malalaman kung ano ba talaga ang 'PAPEL' ni Jake sa MFGSG. Dito niyo rin malalaman kung ano ba talaga ang 'ALAM' niya sa 'LAHAT NG NANGYAYARI' ngayon sa 'PARTY, MIDDLETON UNIVERSITY, KAY HANNAH AT SA MGA NAGING BIKTIMA NG LARO.'

PS. PLEASE READ MY OTHER STORY ENTITLED 'STILL YOU' THANK YOU.

[Jake's POV]

I knew everything..

Tanga lang talaga ako dahil mas pinili ko ang manahimik noong una kaysa ang tulungan sila.

At mas lalong tanga ako dahil hindi ko manlang nahalata na ang 'pamilya ko' mismo ay may kinalaman din sa mga nangyayari kina Hannah.

Simula sa letter.. At hanggang dito sa party na 'to ay alam ko lahat..

Yung letter na natatanggap ni Hannah na ako mismo ang nakakita noong time na inilalagay pa ito sa locker niya..

|FLASHBACK IN
CHAPTER 2: LET'S PLAY|

Kasalukuyan kaming nagpapractice ni Hannah nang bigla na lamang akong nauhaw kaya naman nagpaalam muna ako kay Hannah na bibili ng tubig sa cafeteria.

"Bili mo na din ako.." Sabi ni Hannah bago pa ako tuluyang makalabas nang Rehearsal Room.

"Sige.. Basta ba babayaran mo eh." Biro ko sa kanya kaya natawa naman siya.

"Don't worry I'll pay you when you get back." Nakangiting sabi niya kaya tinanguan ko nalang siya at naglakad na papuntang cafeteria.

Habang tinatahak ko ang daan ay bigla akong napahinto nang may nakita akong isang lalaking naka-itim na cap at jacket.

Meron itong hinuhulog na papel sa isang locker kaya naman kumunot ang noo ko.

"Kay Hannah ba yung locker na yun?" Mahinang tanong ko sa sarili ko habang pinagmamasdan yung lalaking pilit na ihinuhulog yung papel sa loob ng locker.

Nang maihulog niya ito ay naglakad na siya paalis kaya naman nang masiguro ko ng wala na siya ay kaagad akong lumapit sa locker na pinaghulugan ng lalaki kanina ng papel.

"Locker nga ni Hannah 'to.. Tsk ang dami talaga nagkakagusto sa kanya.." nakangiting sabi ko.

Ilang beses na akong may nakikitang naghuhulog ng 'love letter' sa locker ni Hannah kaya lang..

'Bakit parang ang weird naman ata ng isang yun? Kailangan talaga na ganon ang outfit niya para lang hindi siya mahuli?'

Tss.. Makabili na nga lang ng tubig.

Hindi ko na lamang pinansin ang nakita ko at nang makabili ako ng tubig ay kaagad naman akong bumalik sa Rehearsal Room.

***

Nang matapos ang practice namin..

"Mauna na ako ha?" Sabi ko atsaka isinukbit ang bag ko. Tumango siya habang nag-aayos ng gamit niya sa bag.

Lumabas na ako at naglakad na pababa ng building namin.. Nang malapit na ko sa parking lot ay bigla akong napahinto sa paglalakad..

"Yung flash drive ko nakalimutan ko pala.." Sabi ko kaya naman bumalik ulit ako sa building namin.

Habang naglalakad ako sa corridor ay natanaw ko si Hannah na may binabasa sa isang papel.

'Yon na siguro yung papel na inihulog nung lalaki kanina sa locker niya.'

My Favorite Game : Survival GameWhere stories live. Discover now