Chapter 9: Alam ko na

552 21 0
                                    

[Hannah's POV]

"Hannah!! Grabe hindi mo manlang kami hinin--- oh shit." Sabi ni Kisha at biglang napatalikod kaagad.

"Gosh sinong may gawa nyan sa kanila?!!" Sigaw na sabi ni Kisha ng tignan nya ulit ang bangkay nina Kyle at Paulo.

Bigla ko namang naalala yung lalaki sa cafeteria. Tinuro nya yung relo nya. Hindi kaya nung time na yun inoorasan nya na ko?? At kanina nakasalubong ko sya sa 3rd floor hindi ko na lang pinansin dahil nagmamadali akong makapunta dito sa rooftop. Hindi kaya sya ang pumapatay? Sya ba?

Dahan dahan akong pumunta sa bangkay ni Kyle at doon nakita ko ang wrist ni Kyle na may nakaukit na numero. Kinuha ko sa bulsa ko yung papel na nakita ko sa upuan ko sa cafeteria. At tinignan ko ulit yung numerong naka-ukit doon.

"10-02-6:30" sabi ko at pumunta rin sa bangkay ni Paulo at tinignan ang wrist nya at kagaya ni Paulo Meron ding nakalagay na numero sa wrist nya at mag-kaparehas sila ni Kyle.

I need clues. I cannot let anyone die on this stupid game. I will not just sit and let the others die again.. I will find that fucking killer.

Biglang nag-sidatingan yung mga pulis na nagbabantay saming magkakaklase.

"Anong nangyari dito?!" Sabi nung pinakang-head ata ng investigation.

"We're sorry Ms. Sandra.. Hindi namin nabantayan ng mabuti ang mga estudyante." Sabi nung pulis.

"Wag kayo sakin mag-sorry.. Mag-sorry kayo sa mga magulang ng mga batang yan. Nangako tayo sa kanila na babantayan natin sila pero anong ginawa nyo? Binantayan nyo ba ng maayos? Hindi diba? Gawin nyo yung trabaho nyo ng maayos!" Sigaw na sabi ni Ms. Sandra. Lumaipt naman ako kay Ms. Sandra.

"Ms. Sandra? Can we talk?" Tanong ko.

"Sorry pero kailangan ko pang imbestigahan ang kaso na toh." Sabi ni Ms. Sandra.

"Tungkol sa kasong toh ang sasabihin ko sayo Ms. Sandra... It's really important. I think I can help." Sabi ko. Kaya seryoso nya kong tinignan.

"Hindi ka manlang ba natatakot sakin?" Tanong nya.

"Hindi." Deretchahang sagot ko.

"Okay follow me." Sabi ni Ms. Sandra naglakad na kaya sumunod na ko ng makasalubong ko si Kisha at Tristan...

"I'll be back." Sabi ko at sinundan na si Ms. Sandra.

***

"Okay anong sasabihin mo?" Tanong ni Ms. Sandra.

"This October 26 and 27 I receive this letter." Sabi ko at iniabot sa kanya yung papel na may nakalagay na 'Let's Play' at '10-01-4:30'

"Yung 'let's play' na-receive ko nung October 26 at itong may numero naman na-receive ko nung October 27.." Sabi ko at tinignan nya yung papel.

"10-01-4:30." Basa nya sa nakasulat bigla syang napatingin sakin.

"Ito yung nakasulat sa wrist ni Jasmine. Kilala mo ba kung sino ang nagbibigay sayo ng sulat na toh?" Tanong ni Ms. Sandra.

"Hindi ko sya kilala.. Pero kanina nakita ko sya sa cafeteria naka-hood sya at naka-mask kaya hindi ko nakita ang mukha nya." Sabi ko at napatango-tango naman sya.

"Kung hindi mo sya kilala paano mo nalamang sya yun?" Tanong nya.

"Nang makita nyang nakatingin ako sa kanya kanina bigla nyang itinuro yung relo nya at pagkatapos nun lumabas na sya ng cafeteria." Sabi ko.

"At kani-kanina lang sa table namin sa cafeteria nakita ko toh." Sabi ko sabay abot ng papel na may nakalagay na numero kay Ms. Sandra.

"10-02-6:30." Basa nya sa nakasulat sa papel.

"Nakita kong nakaukit yan sa wrist nina Kyle at Paulo kanina.." Sabi ko. Kaya tinignan nya ko ng seryoso.

"I think alam ko na ang ipinapahiwatig ng mga numerong yan." Sabi ko kaya tinignan nya ko ng deretcho.

"Ano?" Tanong nya..

"I think 10-02 stands for October 2 while 6:30 stands for time... Hindi ko lang alam kung AM ba yan o PM." sabi ko.

"What's your name Miss?" Tanong nya sakin.

"Hannah Mae Francisco." I said.

"Okay.. Hannah thanks for the information you shared.." Sabi ni Ms. Sandra.

"And by the way here's my number. Call me just in case na may emergency okay?" Sabi nya.

"Opo." Sabi ko.

"The time 4:30 I think you should go home already." Sabi nya kaya tumango na lamang ako.

Nang aalis na ko bigla akong napaharap ulit kay Ms. Sandra.

"Yes?" Sabi nya.

"Allow me to help you in the investigation." I said.

"No. It's too dangerous." Sabi nya.

"I don't care. I don't want the others die again. So please allow me to join and help you in your investigation team." Sabi ko.

"I'll think about that.." Sabi ni Ms. Sandra kaya umalis na ko.

Damn ngayon ko lang na-realize yung ibig sabihin ng mga numerong yun.

At ngayong alam ko na wala na kong aaksayahin pa na oras.. At kung hindi ako makakasama sa Imbestigasyon.. Ako nalang mismo ang maghahanap sa killer.

...
...

End of Chapter 9: Alam ko na

THANK YOU FOR READING!

PLEASE VOTE OR COMMENT

AND GODBLESS YOU ALL

SARANGHAE❤

My Favorite Game : Survival GameWhere stories live. Discover now