Chapter 53: A Talk With A Crazy Person

263 14 2
                                    

Please Read my other story Entitled 'Still You' maganda yun promise

[Someone's POV]

Bakit sila nagkakagulo?

Habang nakatayo ako sa gitna ng corridor ay pinapanood ko ang mga taong nagsisitakbo na tila ba may papatay sa kanila.

Dahil sa ako ay nakatayo lamang sa gitna merong nakakabunggo sakin na siyang dahilan kung bakit ako natumba.

Nang tatayo na ako ay bigla na lamang may humablot sakin at hinila ako palayo sa mga nagkakagulong mga tao.

"Sino ka?" Tanong ko.

"Sumama ka nalang samin.. Huwag kang mag-alala hindi ka namin sasaktan." Sabi niya.

"Hindi.. Baka dumating ang anak ko kaya pakawalan mo na ako." Sabi ko ngunit talagang mas malakas siya sakin kaya nagpahila na lamang ako.

Mukhang balak nila akong itakas dito sa Mental.. Hindi naman kasi ako baliw nagkataon lang na nasa ilalim ako ng kapangyarihan ni Abraxas kaya ako pinadala ng anak ko dito sa Mental.

Baka daw saktan ko ang apo ko.

Nang makalabas ay kaagad nila akong isinakay sa isang itim na kotse at nang makasakay ako ay umandar na ito.

***

"Dito po tayo.." Sabi ng lalaki at itinuro ang kulay brown na pinto.

Hinawakan ko ang door knob at pinihit ito nang mabuksan ko ito ay kaagad akong pumasok dito.

"Long time no see... Dad." Malamig na sabi ng isang boses babae.

"A-anak." Sabi ko nang humarap sakin ang babaeng nakatingin sa may bintana nito.

"Ako nga Dad." Sabi nito at umupo sa swivel chair niya.

"B-bakit---" Tanong ko na naputol dahil nagsalita kaagad siya.

"Obviously sinadya kong itakas ka sa Mental." Sabi niya.

Kung ganon bakit niya pa ako pinadala sa Mental kung itatakas niya rin lang ako?

"I'll go straight to the point.. Yung Apo mo si Hannah nawawala siya, she is currently nowhere to be found." Deretsahang saad nito na siyang dahilan nang pagkatulala ko.

"K-kailan pa?" Tanong ko.

"Limang araw na siyang nawawala." Seryosong sagot nito.

"At ang lahat nang yun ay dahil kay Abraxas.." Galit na sabi nito habang nakatingin sakin ng masama.

Alam kong napopoot pa siya sakin.. Hindi ko siya masisisi, nang dahil sakin kaya siya kamuntikan nang mamatay.

Nang dahil sa pagiging gahaman ko sa kayamanan kaya muntik na siyang mamatay. At hindi ko rin mapapatawad ang sarili ko sa nagawa kong iyon sa kanya.

Patawad Anak.. Iyan ang salitang gustong lumabas sa bibig ko ngunit hindi ko alam kung bakit hindi ko magawang sabihin ito sa kanya.

"I-i need your help Dad." Sabi niya at nababakas sa boses niya ang pag-aalala at pagkabahala sa maaaring mangyari kay Hannah.

Sa hindi malamang dahilan ay ngumiti ako..

"Don't worry Anak.. Kahit hindi mo sabihin tutulungan at tutulungan pa rin kita. Lalo pa't buhay ng apo ko ang nakataya dito." Sabi ko habang nakangiti. Ngiting alam kong ngayon lang niya nakita.

"Pero bago kita tulungan pwede bang magpalit muna ako ng damit?" sabi ko.

Bigla niyang kinuha ang phone niya at may tinawagan.

"Dalhin niyo si Dad sa kwarto niya." Sabi niya at inend na ang call pagkatapos.

"Ituturo na ng isa sa mga tauhan ko ang silid na tutuluyan mo pansamantala." Sabi niya kaya kumunot ang noo ko sa sinabi niya.

"Pansamantala?" Tanong ko.

"Oo pansamantala..Hindi na tayo magtatagal pa dito.. Pagsapit ng umaga aalis na tayo para pumunta sa bahay." Sabi niya.

So hindi niya pa 'to bahay?

"Dito kami nakatira dati.. Lumipat kami ng may natuklasan kami sa ugali ni Hannah.." Sabi niya at tinignan ako ng mata sa mata.

"Ang apo mo na si Hannah.. Namana niya ang ugali mo Dad." Sabi niya.

"That means she also ki--" sabi ko na hindi na natuloy dahil pinutol niya kaagad.

"Oo.. Nang dahil dun kaya kami lumipat pinadala ka namin ng asawa ko sa Mental Hospital para hindi mo malapitan ang anak ko." Sabi niya kaya napayuko na lamang ako.

[Door Opens]

"Let's go Sir." Sabi ng tauhan ng anak ko kaya lumabas na kami sa office niya.

...
...

A/N: Sorry kung maikli lang yung UD ko ngayon. Ano kaya yung dahilan kung bakit lumipat sila ng bahay? Please read my other story entitled 'Still You' biyayaan niyo po siya ng VOMMENTS at Reads guys kamsa

End of Chapter 53: A Talk With A Crazy Person

THANK YOU FOR READING!

PLEASE VOTE OR COMMENT

FOLLOW ME

AND GODBLESS YOU ALL

SARANGHAE❤

My Favorite Game : Survival GameWhere stories live. Discover now