Chapter 41: #1-7 Plan

335 18 4
                                    

[Third Person's POV]

"Anong meron at pinapunta mo kami ng ganitong oras ha Ally?" Tanong ni Kristine kay Ally habang nakakunot ang noo.

"Wala ka bang napapansing kakaiba sa mga kinikilos ng anak mo?" Tanong ni Ally kay Kristine kaya mas lalo lang kumunot ang noo nito.

"Kakaiba? Gaya ng ano?" Tanong ni Kristine.

"Si Kisha.. Ang anak ko muntik na syang makapatay kanina." Sabi ni Sandra kaya napasinghap si Kristine, Trevor at Janice sa sinabi ni Sandra.

"At ang anak ko namang si Hannah may gusto syang patayin hindi ko lang alam kung sino." Sabi ni Ally.

"Teka bakit parang nagbabago sila?" Tanong ni Janice bigla.

"Nagbabago nga sila. At base yun sa nangyayari sa klase nila. Nawawalan na sila ng tiwala sa mga kaklase nila at nang dahil sa takot nilang mamatay ang iba sa kanila ay handang pumatay mabuhay lang sila." Dere-deretsong sabi ni Sandra.

"At isa na sa mga halimbawang yun si Kisha at Hannah." Sabi ni Henry na kanina pa tahimik dahil sa napanood nitong recordings sa CCTV camera.

"We need to something." Seryosong sabi ni Trevor.

"Hindi tayo pwedeng tumunganga dito at panoorin ang mga anak natin na papatay nang dahil sa putang-inang larong yan." Sabi naman ni Henry.

Nabalot ng katahimikan ang bahay ni Sandra nang dahil sa sinabi ni Henry.

"Tayo ang lalapit sa mga bata. Babantayan natin ang kilos nilang lahat kapag may kahina-hinalang kilos ang isa sa kanila, anak man namin sila o hindi kinakailangan natin silang dispatyahin. Yun lang ang tanging paraan para matigil na ang kahibangang ito." Sabi ni Ally kaya napangisi si Sandra sa sinabi ni Ally.

"Welcome back Ally." sabi ni Sandra kay Ally.

Labag man sa kalooban ni Henry, Sandra, Trevor at Kristine ang balak ni Ally, sumang-ayon pa rin sila dito dahil alam nila na kahit kaibigan sila nito ay hindi sila nito sasantuhin lalo pa't nasa ganitong sitwasyon ang grupo nila maging ang anak ng mga ito.

[Hannah's POV]

Kasalukuyan akong nagsusulat ng lecture ng may napansin akong kakaiba sa katabi kong si Kisha.

Kanina pa ito tahimik at tila may malalim na iniisip.

Well ganon naman talaga madalas ang mga Cream Section kapag nagsusulat ng lecture. Madalas tahimik pero iba ang ganitong tahimik.

Iba ito sa madalas na mangyari lagi dito sa classroom namin.

Tinignan ko ang mga kaklase ko at lahat sila ay nagsusulat nang biglang mag-tama ang paningin namin ni Victoria.

Inirapan ako nito kaya napailing na lamang ako dito.

Bat ba ang taray sakin ng babaeng yun? May nagawa ba akong mali para tarayan nya ako? O sadyang pinaglihi lang sya ng nanay nya sa sama ng loob?

"Bakit di ka nagsusulat?" Tanong ni Kisha habang patuloy pa din sa pagsusulat.

"Nakakatamad." Pagsisinungaling ko.

"Well that's a miracle." Sabi nito habang nakangiti.

"TSS." I said at nag-patuloy nalang ulit sa pagsusulat.

Napatingin naman ako sa bandang kanan ko kung saan nakaupo si Tristan.

Nakakunot ang noo nito habang nagsusulat kaya kinalabit ko ito.

"Why so serious?" Tanong ko pero nagkibit-balikat lamang sya kaya napabuntong hininga nalang ako.

"Wala ka bang napapansin?" Tanong ni Kisha sakin.

My Favorite Game : Survival GameWhere stories live. Discover now