Chapter 7: Abraxas

700 28 2
                                    

[Hannah's POV]

Isang linggo na ang nakalipas simula ng mamatay si Jasmine. Nailibing na rin sya. Hindi na pinatagal ng pamilya ni Jasmine ang pagbu-burol sa kanya dahil hindi nila matanggap na patay na ito.

Ongoing pa rin ang imbestigasyon ng mga pulis. At sana lang mahuli na nila yung kriminal na pumatay sa kaklase naming si Jasmine.

"Bes okay ka lang?" Tanong ni Kisha. At tumango naman ako bilang sagot.

"Ang lusog ng eye bags mo!" Sabi nya. "Natutulog ka pa ba?" Tanong nya.

"Oo naman." Sagot ko.

"Oh, eh ano yan?" Tanong nya.

"Eye bag." Boring na sagot ko. Kaya binatukan nya ko.

"Gaga! Alam kong eye bag yan." Sabi nya. Haynako kung alam lang nya kung gaano ko kagustong matulog, kaso sa tuwing gagawin ko palagi akong nananaginip ng masama.

Nakatayo ako sa gitna ng kawalan at may bumubulong sakin ng 'Abraxas' tapos after nun magigising ako. Ewan ko ba kung bakit ako natatakot.. Hindi naman nakakatakot yung panaginip ko pero sa tuwing nagigising ako. Takot na takot ako.

"Sure kang okay ka lang talaga?" Tanong nya ulit sakin.

"Oo nga." Sabi ko. At after nun tinigilan nya na ko. Nanood nalang ako ng dance practice ng BTS na 'Blood Sweat and Tears'. May balak kasi akong sayawin toh in the future and yes kpop fan ako. Naimpluwensyahan lang ako ni Kisha.

Habang nanonood ng dance practice ng BTS. Bigla nagsitayuan yung mga kaklase ko kaya bigla kong tinanggal yung pagkakapasak ng earphone sa tenga ko at ibinulsa yung phone ko.

"Anong meron?" Tanong ko kay Liana na nasa unahan ko at kagaya ng iba ay nakatayo rin sya na parang may tinitignan sa labas.

"May mga pulis. Mukhang balak nilang bantayan tayo." Sabi ni Liana kaya biglang kumunot yung noo ko.

"Bakit naman?" Tanong ko.

"Sabi kasi nung pinakang-head ng investigation.. Yung ginawang pag-patay kay Jasmine ay kaparehas daw nung nangyari dati at hanggang ngayon hindi pa rin daw nahuhuli ang killer." Sabi ni Liana.

"What do you mean na parehas sa dati?" Sabi ko.

"Well hindi ako sure ha? Pero ang sabi nung pinakang-head ng investigation ay may inilalagay din daw na mga numero sa wrist ng biktima that was 3 years ago at sa tingin nila Iisa lang daw yung killer dahil sa inilagay na mga numero nung killer sa wrist ni Jasmine." Sabi nya kaya napatango-tango ako.

"P-pero paano mo nalaman yun?" Tanong ko.

"My brother dito sya nag-aaral dati kaya nalaman nya yung mga yun." Sabi nya.

"So ibig sabihin yung biktima na namatay dati ay dito rin nag-aaral mismo?" Tanong ko.

"Yep. Atsaka hindi lang sya basta biktima okay? MGA BIKTIMA." Sabi nya kaya napatango-tango ako.

Mga biktima? Don't tell me marami rin syang napatay 3 years ago?

"Okay class sit down para makapag-simula na tayo." Sabi nang teacher namin na kakapasok lang sa loob ng classroom namin.

"Condolence guys." Sabi ng teacher namin kaya natahimik kaming lahat. Lahat kami malungkot sa nangyari kay Jasmine. Mabait na tao si Jasmine isa syang happy go lucky person kaya nga kapag kahit na sinong teacher ang papasok sa classroom namin ay laging malungkot na aura kaagad ang sasalubong sa kanila.

"Hindi na muna ako magtuturo sa ngayon hahayaan ko kayong mag-relax muna. Kaya Ms. Vice President?" Tawag ni Mrs. Reyes sakin. Yep ako ang Vice president ng section namin at dahil wala na si Jasmine for sure ako lahat ang sasalo sa gawain ni Jasmine.

"Yes Ma'am?" Sagot ko at tumayo.

"Ikaw na munang bahala sa mga kaklase mo. Hindi ako magtuturo pero bawal ang masyadong maingay okay?" Sabi ni Mrs. Reyes.

"Opo." Sabi ko at after nun umupo na. Lalabas na Sana si Mrs. Reyes nang biglang..

"Ah Mrs. Reyes? Excuse po." Sabi ng isang boses lalaki kaya napatingin ako sa may pinto ng classroom.

"Sige pasok ka. Mr.?" Tanong ni Mrs. Reyes.

"Tristan Lee po." Sabi ni.. Ano?! Tristan Lee? As in Yung lalaking nakilala ko dun sa party?!

Teka bakit ba ko shock na shock? OA ah.

"Okay Mr. Lee come in." Sabi ni Mrs. Reyes. Kaya naman pumasok na si Tristan. At nag-usap silang dalawa.

"Okay Class Attention!" Sabi ni Mrs. Reyes.

"This guy beside me is your new classmate his from Kim Academy before. Mr. Lee? Please introduce yourself." Sabi ni Mrs. Reyes.

"I'm Tristan Lee.. 17 year old." Sabi ni Tristan at nag-bow.

"Sige maupo kana sa tabi ni Ms. Francisco." Sabi ni Mrs. Reyes kaya napatingin ako sa right side ko. Katabi ko sya? Weh?

Nanlaki yung mata nya ng makita nya ako. Shock eh?

Nang makaupo na sya sa tabi ko.

"Its so nice to see you again.. Hannah." He said while smiling.

"Abraxas"

...
...

End of Chapter 7: Abraxas

THANK YOU FOR READING!

PLEASE VOTE OR COMMENT

AND GODBLESS YOU ALL

SARANGHAE

My Favorite Game : Survival GameWhere stories live. Discover now