Chapter 27: History Repeat Itself

351 16 1
                                    


[Hannah's POV]

Kasalukuyan kaming nasa classroom nandito na naman sa loob ang mga pulis..

As usual.

Nabalitaan na namin ang nangyari kay Trixie.  At ang sinasabi nilang pumatay dito ay si Kisha.

Kahapon si Kisha rin ang pinagbi-bintangan nilang pumatay Kay Candice tapos ngayon si Kisha ulit? Wow naman.. Eh kung sila kaya ang patayin ko? Kakabwisit ang puta.

"Uyy Kalma ka lang.." Sabi ni Tristan na kanina pa ko pinipigilan na awayin yung mga nagkakalat ng hindi naman totoong Chismis.

Sarap manapak.

"Ms. Francisco." Tawag sakin ni Ms. Sandra.

"We need to talk.." Sabi nito kaya sumunod ako sa kung saan man sya pupunta.

***

"Ano pong pag-uusapan natin?" Tanong ko kaagad.

"Tungkol toh sa bagong strategy ng killer." Sabi ni Ms. Sandra kaya napaayos ako ng upo sa sinabi nya.

"Anong meron tungkol don sa Strategy nung Killer?" Tanong ko.

"Hindi si Kisha ang pumatay kay Trixie." Sabi ni Ms. Sandra.

"Pero sya ang pumatay kay Candice." Pagpapatuloy nito kaya napatayo ako ng wala sa oras.

"Hindi magagawa ni Kisha ang pumatay Ms. Sandra." Madiing sabi ko.

"Alam ko." Sabi nya kaya napataas ang isa kong kilay ng dahil sa sinabi nya. "Alam ko kasi sya na mismo ang nag-sabi sakin hindi nya sinasadya ang nangyari." Sabi ni Ms. Sandra.

"Hindi.. Sinasadya?" Nagtatakang sabi ko. "Paano?" Sabi ko.

"Seems like hindi nya pa sinasabi sayo ang tunay na nangyari." Sabi nya kaya mas lalo akong naguluhan.

"Gustuhin ko mang sabihin sayo ang mga sinabi nya sakin pero.." sabi nya at tumingin sakin ng deretcho. "Pero sa tingin ko mas magandang sa kanya manggaling ang mga 'yon." Pagpapatuloy at saka nya binuksan ang laptop nya.

"Hindi namin kayang hulihin ang Killer Hannah." Sabi ni Ms. Sandra.

"B-bakit hindi?" Tanong ko.

"Ako na ang nagsasabi, hindi lang sya basta Killer.." Sabi nya. "Ginagamit nya kayo para makapatay sya." Kaya biglang nagsitindigan ang mga balahibo ko sa braso.

"Ginagamit nya kami.." Pag-uulit ko sa sinabi ni Ms. Sandra.

"Sa larong toh, ang killer ang may hawak ng mga baraha. At ang mga barahang yun ay kayo." Sabi nya habang nagta-type ng kung ano sa laptop nya.

so ibig sabihin hawak ng killer ang buhay namin sa larong toh?

"Ang gusto kong sabihin sayo ay mag-iingat ka, mag-iingat kayo dahil hindi lahat ng mga nakikita nyo ay totoo at hindi lahat ng sinasabi ng iba ay dapat nyong paniwalaan at pakinggan." Sabi ni Ms. Sandra.

"Sa larong 'to sarili mo lang ang kauna-unahang kakampi mo. Marami ng namatay sa laro ng killer hindi na mabilang kung ilang batch na ng mga estudyante ang namatay." Sabi ni Ms. Sandra kaya nabigla ako.

Akala ko nung nakaraang tatlong taon lang nagsimula ang patayan.

"Huwag kang mag-alala.. May mga nakakaligtas sa laro minsan, pero madalas lahat sila ay namamatay." Sabi ni Ms. Sandra.

"Hannah.. Ikaw lang ang makakatapos sa larong 'to." Sabi ni Ms. Sandra nang biglang may padabog na nag-bukas ng pinto.

"Hindi lang si Hannah Ms. Sandra. Kami, kaming mga natitira sa batch namin ang tatapos ng laro na 'to." Sabi ng isang pamilyar na boses.

"T-tristan." Sabi ko.

[Janice's POV]

Kagaya ng sinabi ni Trevor pinuntahan ko nga si Tristan.

4:31 PM nang makarating ako sa school nina Tristan naka- sunglasses ako habang suot-suot ang hood ng jacket kong itim.

Hindi ako pwedeng magpadalos-dalos. Isang mali ko lang mapapahamak sina Tristan at Hannah.

Lahat kami pwedeng mapahamak.

***

Habang nasa loob ako ng kotse ko ay bigla kong nakitang naglalakad sina Hannah at Tristan kasama ang isang babae at isang lalaki kaya naman kaagad akong lumabas sa kotse ko at pinuntahan sila.

"Tristan." Sabi ko at lumingon naman sya.

"T-tita Janice?" Sabi nya.

"Ssshh we need to talk." Sabi ko at Hinila na sya.

***

"Tita, anong ginagawa nyo dito?" Tanong ni Tristan.

"Pinapunta ako dito ng Dad mo para bantayan ko kayo." Sabi ko.

"Bakit daw?" Tanong nya.

"These past few days, palagi na kaming hinahabol ng mga tauhan ng Lolo mo." Sabi ko.

"W-what?!" Sabi nya. "Baka nasundan ka nila Tita." Sabi ni Tristan.

"Don't worry ang alam nila patay na ko pero nag-iingat pa rin ako." Sabi ko.

"Si Dad? Nasaan daw sya?" Tanong ni Tristan.

"Di ko rin alam. Palipat-lipat daw sya lagi ng tinitirahan dahil lagi daw syang natatagpuan ng mga tauhan ng Lolo mo." Sabi ko.

Kitang-kita ko sa mukha nya na nag-aalala sya sa kalagayan Parehas ng magulang nya.

Hindi ko sya masisisi. Sadyang nakakapag-alala talaga ang sitawasyon nila ngayon.

"Kamusta nga pala kayo?" Tanong ko.

"Okay naman..." Sabi nya.

"May nangyayari daw na patayan sa klase nyo, totoo ba yun?" Tanong ko.

"Totoo sya Tita.." malungkot na sabi ni Tristan.

Totoo?

Bigla kong naramdaman ang malakas na kabog ng dibdib ko.

Could it be?

"May nag-invite ba sa inyong pumunta sa party?" I blurted out.

"Ha? Sakin wala peke lang naman yung imbitasyon na yon eh, pineke ko lang para makapasok ako sa party at mahanap ko na rin si Hannah. Bakit Tita?" Tanong ni Tristan.

Hindi nya dapat ginawa yun.

Nang dahil sa ginawa nya, parang ginusto nya na ring mamatay.

Yung imbitasyon..

Bakit kailangan maulit ang mga nangyari dati?

Ang laro na 'to ang sumira sa lahat ng kaklase namin.

"Kailan ginanap ang party?" Tanong ko.

"November 1." Sagot kaagad ni Tristan.

Para akong binuhusan ng tubig ng marinig ko ang sagot ni Tristan.

So totoo talaga sya.. Nauulit ang nangyari dati...

Pero bakit?

...
...

End of Chapter 27: History Repeat Itself

THANK YOU FOR READING!

PLEASE VOTE OR COMMENT

FOLLOW ME

AND GODBLESS YOU ALL

SARANGHAE❤

My Favorite Game : Survival GameWhere stories live. Discover now