Chapter 30: Cedric Yuan Vicencio

326 14 1
                                    


[Third Person's POV]

"Akin ka lang." Sabi ni Cedric at hinawakan ng mahigpit ang kamay ni Hannah.

Pinilit namang kalasin ni Hannah ang pagkakahawak ni Cedric sa kamay nya pero nabigo sya.

"B-bitawan mo ko." Sabi ni Hannah kay Cedric. Tinignan naman ni Cedric si Hannah.

"Hannah!" Sigaw ng isang boses lalaki kaya nabuhayan ng loob si Hannah.

"Oh Jake ikaw pala! Ahm sorry late ako sa practice natin today! Ano? Tara?" Sabi ni Hannah at sa pagkakataong 'yon tuluyan na nyang nakalas ang pagkakahawak ni Cedric sa kamay nya.

"Teka.. Pamilyar ka sakin ah." Sabi ni Jake kay Cedric. Nginitian naman sya ni Cedric. Isang pekeng ngiti.

"Cedric Yuan Vicencio." Sabi ni Cedric at inalok ang kamay nya kay Jake. Tinanggap naman ito ni Jake na nanlalaki ang mata.

"Woah! Kuya Cedric! Ikaw pala yan! Grabe hindi kita nakilala.." Sabi ni Jake na manghang-mangha.

"Ah Cedric? Mauuna na kami may practice pa kami." Sabi ni Hannah at hinila na si Jake palayo kay Cedric.

***

"Ang tahimik mo ata?" Tanong ni Jake kay Hannah.

"Palagi naman akong tahimik." Sabi ni Hannah.

"Hindi eh.. May mali sayo." Sabi ni Jake at napabuntong-hininga naman si Hannah.

"Mukhang may problema ka ah?" Sabi ni Jake ngunit nanatiling tahimik si Hannah.

"Sabihin mo sakin ang problema mo.. Baka, makatulong ako." Sabi ni Jake kay Hannah na ngayon ay seryosong nakatingin dito.

"Si Cedric." Sabi ni Hannah.

"Ha? Anong meron kay Kuya Cedric?" Tanong ni Jake.

"Sya.. Sya yung problema ko." Sagot ni Hannah.

"Paano?" Tanong ni Jake at binuksan na ang pinto ng rehearsal room nila.

"1st year high school palang ako ng makilala ko sya." Sabi ni Hannah nang makapasok na sila sa loob ng rehearsal room.

Tahimik namang nakikinig si Jake sa kanya kaya nagpatuloy sa pagkukwento si Hannah.

"Muntik na akong masagasaan ng truck nung time na naglakad ako pauwi sa bahay.." Sabi ni Hannah.

"Pero niligtas nya ako.. 4th year high school naman sya nun.. Nagpasalamat ako sa kanya nun. At simula nun naging close na kami." Sabi ni Hannah.

"I used to call him 'Kuya Cedric' before.. Pero nagbago ang lahat ng.." Sabi ni Hannah at huminga muna ng malalim.

"ng?" Tanong ni Jake.

"Nang manligaw sya sakin." sabi ni Hannah kaya napaawang ng konti ang bibig ni Jake.

"Nagulat ako nun and at the same time umiba ang tingin ko sa kanya... At mas lalong naiba yun nang bigla nya akong takutin.. Sabi nya papatayin nya daw si Kisha kapag hindi daw ako pumayag na maging girlfriend nya." Sabi ni Hannah kaya nabigla si Jake sa sinabi ni Hannah.

"Pumayag ako kasi ayokong mamatay ang best friend ko.. at simula nun never ko na syang tinawag na 'Kuya'... Pinilit nya ako sa lahat ng gusto nya Jake... At sa tuwing tatanggi ako palagi nyang sinasabi na Papatayin nya si Kisha." Sabi ni Hannah at pinunasan ang luhang pumatak pababa sa pisngi nya.

"Umabot pa yun sa puntong palagi na nya akong sinsinasaktan physically." Sabi ni Hannah at hamagulgol na.

Awang-awa naman si Jake kay Hannah kaya..

My Favorite Game : Survival GameWhere stories live. Discover now