Chapter 31: 10-17-8:30

351 15 1
                                    


[Hannah's POV]

"Hannah." Sabi ni Cedric ng makasalubong namin sya ni Jake.

Nagkatinginan naman kami dalawa ni Jake at tinanguan ako..

I just need to trust him.. Alam kong malapit nakong makawala kay Cedric.

"Jake mauna na ko." Sabi ko at sumama na kay Cedric.

"Ingat ka." Sabi ni Jake kaya pinaningkitan ko sya ng mata.

"at ingat ka rin Kuya Cedric!" Sabi ni Jake habang nakangiti ng malaki.

Well it's a fake one, kaya okay lang yun.

***

[Sa Parking Lot]

"Same Address." Walang ganang sabi ko at sumakay na sa kotse nya.

Kaagad naman syang sumakay sa kotse nya at nag-drive na.

"Ipagluto mo ko." Sabi nya kaya napabuntong-hininga na lang ako.

Tahimik lang ako buong way namin papunta sa bahay ko habang sya kwento ng kwento puro wala namang kwenta.

What a jerk tsk.

"Nandito na tayo." Sabi nya at bababa na sana sya para pagbuksan ako ng pinto ng bumaba kaagad ako at dere-deretchong naglakad papasok sa bahay.

Gaya nga ng inutos nya sakin ay ipinagluto ko sya. Habang sya naman ay nanonood sa pagluluto ko.

"Ang galing mo talagang mag-luto." Sabi nya ng tikman nya yung sabaw ng niluluto kong Sinigang.

Yan ang gusto nyang lutuin ko kapag nandito sya sa bahay.

[10 minutes later]

Naghain na ko ng pagkain namin.

"Mahal na mahal kita. Salamat nga pala at nagpaturo ka sa Mommy mo magluto para lang maipagluto ako." sabi nya habang nakangiti sakin. Biglang ko namang ibinaba ng malakas yung kutsara sa pinggan ko kaya kaagad na kumunot ang noo nya habang ako ay masamang nakatingin sa kanya.

Liar. Ako? Nagpaturo kay Mommy para lang ipagluto ko sya?

Sya 'tong pumilit sakin.. He even slap me hard that time dahil ayokong sundin ang gusto nya.

Naiinggit sya dahil yung Ibang couple daw ipinagluluto yung boyfriend nila ng mga pagkain tapos ako daw hindi.

Kaya simula ng sampalin nya 'ko kaagad akong nagpaturo kay Mommy nun. Kahit na nagtataka si Mommy sakin nun tinuruan nya pa rin ako.

"May problema ka ba?" Tanong nya.

"Don't you dare say na kaya ako nagpaturo kay Mommy na magluto ay dahil sa gusto kitang ipagluto.. Ikaw 'tong nagpumilit sakin kaya wag kang mag-assume na gusto ko 'tong ginagawa ko ngayon kasama ka." Sabi ko at padabog na pumunta sa kwarto ko.

Damn him kelan ba mawawala sa buhay ko ang lalaking toh?!

[Third Person's POV]

"Kumilos ka na.." Sabi ng isang boses lalaki.

"A-ayoko na.." sabi ng lalaki habang nagtatakip ng tenga.

"Tinulungan na kita.. Bilang kapalit susundin mo ang gusto ko." Sabi nito.

"Pero hindi ito ang gusto ko!!!" Sigaw ng binata.

[Tok-Tok-Tok]

Tumayo ang binata at kaagad na pinagbuksan ang taong kumakatok.

"Okay ka lang ba? Nag-aalala sayo si Mama dahil parang palagi kang may kaaway." Sabi ng isang babae na nasa edad 14 na tinitignan ang loob ng bahay ng binata para malaman kung sino ang sinisigawan nito ngunit wala itong nakita.

My Favorite Game : Survival GameOnde histórias criam vida. Descubra agora