Chapter 25: The Only Person Who Understands

389 15 1
                                    

[Kisha's POV]

Simula ng hilahin ako ni Hannah ay hindi na kami nakabalik pa sa classroom. Sabi ko nga na bumalik na sya sa classroom kasi kailangan nyang humabol sa klase.

You know? Running for Valedictorian 'tong best friend ko.

"Pumunta ka na don... Baka hindi ka Maging Rank 1 nyan." Sabi ko at tinulak sya ng dahan-dahan.

"A-yo-ko.. Ang kulit mo alam mo yun? Hindi kita iiwan dito ng Mag-isa, saka tignan mo nga yang sarili mo mukha kang matandang uugod-ugod na dahil sa ginawa sayo ng mga kaklase natin. Kaya hindi kita Iiwan." Sabi ni Hannah kaya napabuntong-hininga na lang ako.

"Hannah tubig oh." Sabi ni Tristan habang inaabot yung tubig kay Hannah.

Inabot naman ito ni Hannah at binuksan. Pagkatapos ay binigay sakin.

"Inumin mo yan." Sabi ni Hannah.

"T-teka para sayo yan eh." Sabi ni Tristan habang naka-pout.

"Oh eh ano naman? Hindi ko kailangan ng tubig sa ngayon.. Mas kailangan ni Kisha ang tubig." Sabi ni Hannah kaya napailing na lamang ako ng mas lalong nag-pout Si Tristan.

"Sorry nga pala." Sabi ko nang matapos akong uminom ng tubig.

"Sorry saan?" Tanong ni Hannah.

"Nang dahil sakin mukhang magkakaroon ka pa ng kaaway." sabi ko at napayuko na lamang.

Bigla naman nyang kinurot ang magkabila kong pisngi.

"Ano ka ba? Okay lang yun.. Dapat nga ako ang mag-sorry kasi nahuli ako ng dating.. Nasaktan ka tuloy ng mga kaklase natin." Sabi ni Hannah kaya napangiti ako.

Ang swerte ko kasi may kaibigan ako na gaya ni Hannah.

Palagi syang nasa tabi ko. Hindi nya ako iniiwan.. At ganon din ang gagawin ko kahit na malapit ng magunaw ang mundo.

Para sakin si Hannah ang tunay kong kapamilya.

Well hindi ko naman sinasabi na Hindi ko pamilya sina Mom and Dad. Pero kasi ilang years na kaming magkasama ni Hannah kaya itinuring ko na rin syang parang tunay ko ng kapatid.

"Kisha! Nandito ka lang pala." Sabi ng isang pamilyar na boses kaya nilingon ko kung sino yung nag-salita.

"Nakakagulat ka Gilbert." Sabi ni Hannah.

"Sorry." Sabi nito sabay peace sign. Biglang lumapit sakin si Gilbert.

"Nabalitaan ko yung nangyari sayo.. Okay ka lang?" Tanong ni Gilbert.

"Oo naman." Sagot ko.

"Sure?" Paninigurado nya.

"Sure na sure." sabi ko.

"Ako nalang magba-bantay kay Kisha.." Sabi ni Gilbert kay Hannah.

"Sure ka?" Sabi ni Hannah.

"Yup! Tinatamad akong pumasok ngayon eh kaya babantayan ko na lang si Kisha." Sabi ni Gilbert kay Hannah.

"Sige sabi mo eh.." sabi ni Hannah at tumingin sakin, nginitian ko naman sya sabay sabi ng "bye."

.
.
.

Nang maiwan na kaming dalawa ni Gilbert..

"Sinisiraan ka ng mga kaklase natin sa lahat." Sabi ni Gilbert.

"Hayaan mo sila." Sabi ko ng bigla kong maalala ang sinabi ni Candice sakin sa Science Laboratory.

"Inis na inis kaming tatlo sayo ng kaibigan ko.. Kasi simula ng sumikat ka.. Ikaw nalang palagi ang napapansin. Palaging ikaw nalang ang bida!"

My Favorite Game : Survival GameWhere stories live. Discover now