Chapter 2: Let's Play

1.1K 44 12
                                    

[Hannah's POV]

"Hannah!!" Sigaw ni Kisha pagkapasok na pagkapasok nya sa classroom. Kaya naman bilang napataas yung isa kong kilay...

"What?" Tanong ko ng makalapit sya sakin. Kaya naman pinitik nya yung noo ko.

"Aray! Tsk." Sabi ko at tinignan sya ng masama.

"Wag mo nga akong tarayan!" Sabi nya. Sinong may sabing tinatarayan ko sya? Sino?

"TSS." I said.

"Wala ng bawian yun ah? Pupunta ka sa November 1 ha?" Sabi nya.

"Oo nga!." Sabi ko. Nang biglang lumapit samin si Jasmine na kaklase namin.

"Invited din kayo?" Tanong nya kaya napatango nalang kaming dalawa ni Kisha.

"Wow kung ganon lahat pala tayo invited! Ang galing!" Sabi nya na tuwang-tuwa kaya napakunot-noo ako. Lahat kaming magkakaklase invited? Kung invited kaming lahat ibig sabihin isa sa mga kaklase namin ang may pakulo nito. Tss dapat magpapahinga lang ako sa November 1 pero nang dahil dyan! Haist! Hindi ako makakapagpahinga.

"Lahat?" Tanong ni Kisha.

"Yup!" Sabi ni Jasmine. Kagaya ko naguguluhan din si Kisha. Paano naman kasing hindi bukod sa Undas sa November 1.. Wala namang may birthday sa mga kaklase namin ng November 1.. Atsaka hindi ko alam kung sino ang nang-invite. Walang nakalagay na pangalan bukod sa salitang..

'You're Invited please come and join us! See you there!'

Pagkatapos nun nakalagay na dun yung address at kung anong oras mag-i-start yung party...

Nang makaalis si Jasmine sa harapan namin...

"Weird." Sabi ni Kisha.

"Walang may birthday sa mga kaklase natin ng November 1." Sabi ko.

"Kaya nga eh. Nakakapagtaka tuloy." Sabi ni Kisha at umupo na sa tabi ko.

"Pero okay na yan! Basta pupunta tayo sa party!" Sabi ni Kisha kaya napailing na lamang ako.

Kasalukuyan akong naglalaro ng Slendrina the cellar 2 nang biglang pumasok yung teacher namin kaya kaagad kong itinago ang phone ko at tumayo upang i-greet Ito...

***

Sa wakas! Break time na... Makakakain na rin ako.

"Kisha Tara sa cafeteria." Sabi ko at tumango naman sya bilang sagot. Habang naglalakad papuntang cafeteria bigla Kong nakasalubong yung kapartner ko sa sayaw sa Club Namin..

"Hannah." Tawag nya sakin kaya napalingon kaagad ako dito.

"Bakit?" Sagot ko.

"2:30 PM practice." Sabi nya kaya napatango na lang ako. At after nun nagsimula na kaming maglakad ni Kisha.

"Grabe ang gwapo nya talaga!" Sabi ni Kisha.

"Nino? Ni Jake?" Tanong ko.

"Yup. Swerte mo kasi sya yung kapartner mo sa Club nyo." Sabi nya.

"Hindi ako swerte.. Nagkataon lang na kaming dalawa ni Jake yung natitirang walang kapartner kaya kaming nalang yung naging magkapartner." Sabi ko.

"Haynako Hannah Mae Francisco! Hindi ka talaga marunong um-appreciate ng mga gwapo noh?" Sabi nya.

"Whatever." I said. Nang makarating sa cafeteria umorder lang ako ng sandwich at iced tea habang spaghetti, sandwich at soft drinks naman ang kay Kisha. Oh ayan spot the difference.. Si Kisha ay malakas talagang kumain kaya masanay na kayo😂

"Grabe ka Kisha kailangan ba talagang laging ganyan karami yung pagkain mo tuwing kakain tayo ng sabay?" Pabiro kong sabi kaya sinamaan nya ko ng tingin.

"Ikaw? Kailangan bang laging ganyan kakonti yung kakainin mo lagi? Nawawala ba yung appetite mo tuwing ako yung kasabay mo?" Madramang sabi nya.

"Drama mo." Komento ko kaya napa-pout nalang sya. Habang ako tinatawanan sya.

Nang matapos kaming kumain naglakad-lakad na lamang kami ni Kisha.

"Hannah." Tawag sakin ni Kisha. Kaya napalingon ako dito ng nakangiti.

"Hmm?" Sagot ko.

"Saan ka mag-aaral ng College kapag gumraduate na tayo?" Tanong nya sakin.

"Kung saan ka mag-aaral... Doon din ako. Walang iwanan diba?" Sabi ko kaya napangiti sya at niyakap ako ng mahigpit.

"Yieee! Kaya mahal na mahal kita eh." Sabi ni Kisha kaya napangiwi ako sa sinabi nya.

"Yuck! Natotomboy ka na ba nang dahil sakin?" Pabiro kong tanong kaya hinampas nya ko.

"Kainis Ka!" Sigaw nya kaya tumakbo ako nang akmang hahampasin nya ulit ako.

***

Kasalukuyan akong nagsusulat ng lecture ng biglang may kumatok sa pintuan ng classroom namin kaya napatingin ako doon.

It's Jake.

"Ma'am? Excuse po kay Ms. Hannah Francisco magpa-practice lang po ng sayaw." Sabi ni Jake kaya napatingin ako sa relo ko at laking gulat ko nang 2:50 PM na pala!

Dali-dali kong niligpit yung gamit ko at pagkatapos nun ay nagpaalam na sa Teacher ko bago lumabas ng classroom.

"Sorry I forgot." Sabi ko.

"It's okay." He said at nginitian ako.

"Let's go?" He said kaya ngumiti na lamang ako at nag-simula nang maglakad.

Nang makarating na kami sa Rehearsal Room namin nagsimula na syang mag-warm up ganon din naman ako.

"Bakit ka sumali sa Dance Club?" Tanong nya.

"I love dancing.. Kaya Ito ang sinalihan kong Club.. Ikaw?" Tanong ko.

"Same." He said at pagkatapos nun ay naupo na sya sa sahig. Kaya umupo din ako sa sahig ilang metro yung layo namin sa isa't-isa.

"Nakakatawa.. Ang tagal na nating magka-partner pero ngayon lang tayo nag-usap ng ganito." Sabi nya.

"Masyado kasi tayong focus sa sayaw kaya hindi tayo nakakapag-usap." Sabi ko.

"Half of that is truth but half of that is not truth." Sabi nya.

"Why?" I asked.

"Nahihiya ako sayo.. Gusto kitang kaibiganin pero.. Nahihiya ako kaya fino-focus ko nalang ang lahat sa sayaw." Sabi nya kaya natawa ako. Seriously? Nahihiya sya?

"Well let's be friends now." I said habang nakangiti kaya nanlaki yung Mata nya.

"Talaga?" He said.

"Yep." I answered.

"Thank you." He said. Matapos ang friendly-talk na yun at nagsimula na kaming mag-practice...

***

5:00 PM na nang matapos kami ni Jake mag-practice and guess what? Close na kaming dalawa.

At kasalukuyan akong papunta sa locker ko.. Para kuhain yung extra clothes ko. I always bring some extra clothes kasi after kong mag-practice syempre amoy pawis kana nun kaya nagdadala ako ng extra clothes... Nagpapalit ako.. Ayokong maligo sa banyo ng school parang nakakailang na Ewan. Kaya pagdating ko sa bahay naliligo ako at magpapalit ulit ako ng bagong damit.

Nang makarating sa tapat ng locker ko binuksan ko ito.. At sa pagbukas ko neto biglang may nahulog na papel kaya pinulot ko Ito. At binasa ang nakasulat...

"Let's Play?" Basa ko sa nakasulat sa papel kaya tumingin-tingin ako sa paligid ko upang tignan kung may tao pa pero wala na akong nakita...

...
...

END OF CHAPTER 2: LET'S PLAY..

THANK YOU FOR READING!

PLEASE VOTE OR COMMENT

AND GODBLESS YOU ALL

SARANGHAE❤

My Favorite Game : Survival GameWhere stories live. Discover now