Chapter 57: New Ally

260 11 2
                                    

DON'T FORGET TO VOTE AND LEAVE SOME FEEDBACK AFTER READING THIS CHAPTER.
______________________________
______________________________



[Third Person's POV]



Nakarating ang grupo nina Sandra sa party at kasalukuyan silang nakikisalamuha sa mga taong invited sa party.

"Hindi lang mga kaklase nina Hannah ang nandito." Sabi ni Sandra nang mapansin niyang may mga ibang mukha siyang nakita sa loob.

"W-what?!" Gulat na sambit ni Kristine.

"Hmm.. Hindi lang ang section ni Hannah ang invited sa party.. So don't let your guard down. This must be the killer's trap." Seryosong saad ni Sandra kaya tumango namang ang mga kasamahan niya bilang pagsang-ayon sa sinabi niya.



***


Habang tumatakbo si Nicole papunta sa VIP room.

("Nicole what are you doing?") Sabi ni Tristan.

"Damn it.. This is trap!! We shouldn't be here!" Kinakabahang saad ni Nicole Kay Tristan.

("What do you mean by that Nicole?") Biglang singit ni Victoria.

"The two guys that I killed earlier.." Sabi ni Nicole nang biglang mamatay ang Ilaw kaya..

("Shit! Ang dilim.") Sabi ni Kisha.

("What?! Pumatay ka kaagad?!") shock na sabi ni Victoria.

"Ssshhh... Talasan niyo ang pakiramdam niyo.. Nagsisimula na ang laro." Sabi ni Nicole at inilabas ang baril niya tsaka kinabit ang silencer.

("Don't worry guys. Ia-update ko kayo sa mga nangyayari sa paligid niyo. Buti nalang at night vision 'tong binili mong camera Nicole.") Sabi ni Tristan.

"Shut up Tristan. Ang ingay mo." Nakakunot ang noong sabi ni Nicole.

Naglakad si Nicole pabalik sa pwesto niya kanina at nang makarating siya dito.. Ay saktong bumukas ang malaking TV screen.

Tanging puti lamang ang nakikita dito..

("Bakit biglang bumukas yung TV?") nagtatakang tanong ni Gilbert.

"Bukas din sa inyo Kisha,Victoria?" Tanong ni Nicole.

("Yeah. Mukhang hindi ko magugustuhan ang mangyayari ngayon dito.") Seryosong saad ni Victoria.

("Bukas din.. Nagpapanic na yung mga tao sa paligid ko.") sabi naman ni Kisha.

("Listen guys.. Kada pwesto niyo may nakalagay na malaking TV screen. I think that TV screens is used for announcements.") Sabi ni Tristan.

"Ano namang announcement ang sasabihin ng killer ngayon?" Sabi ni Nicole habang naka-cross arms.

Biglang napatingin ang lahat sa screen ng biglang may ipinalabas dito..

"A-anong ibig.. Sabihin nito?" Kinakabahan nang tanong ni Nicole nang makita niya ang nasa TV screen.

Isa itong kasalukuyang record ng CCTV.. At mula sa kinatatayuan mismo ni Nicole ay nakikita niya ang buong lugar at bawat sulok ng venue mula parking lot hanggang sa loob at hallways.

Ganon din naman ang nakikita nina Victoria, Kisha,Gilbert,Hannah at Lucas.

'Ikinagagalak kong makita ang lahat ng mga inimbitahan ko sa party na ito.' Sabi ng isang boses lalaki na kasalukuyang naririnig nang lahat ng nasa loob ng party.

'May pitong TV screen akong pinalagay upang mas lalong maging makabuluhan ang larong ito.' Dugtong pa nito kaya kumunot ang noo ni Hannah sa narinig niya.

My Favorite Game : Survival GameWhere stories live. Discover now