Chapter 47: Finding Hannah

280 14 4
                                    


[Third Person's POV]

"Hindi na nya ako kinokontrol b-bakit?" Tanong ng lalaki sa kanyang sarili nang mapagtanto nitong hindi na sya ginagalaw ng taong kumokontrol sa kanya.

"Posible kayang---Aaahhh!!!" Biglang sigaw ng lalaki ng biglang sumakit ang ulo nya at kasabay nun ay ang pagpasok ng mga imahe sa kanyang isipan.

Nang tumigil ang pananakit na ulo ng lalaki ay..

"I need to save her.." Sabi nito at kaagad na kumilos.

***

"BITAWAN MO KO!!!" Sigaw ng babae ng hawakan sya ng mahigpit sa wrist nito.

"Manahimik ka!!! Napaka-ingay mo!!" Sabi ng lalaking may hawak sa wrist ng babae ngunit dinuraan lamang sya ng babae sa mukha.

"Aba't talagang sinusubukan mo ko ha?!" Sabi nito sa babae kaya naman kaagad nitong sinampal ang babae sa kanang pisngi.

"Pare! Chill ka lang dyan masyadong mainit ang ulo mo.. Mamaya kapag dumating na sya magagawa mo na ang gusto mong gawin sa kanya." Sabi ng lalaki at tinignan mula ulo hanggang paa ang babae.

"BASTOS!!!" Sabi ng babae nang makita nito ang pagtingin sa kanya ng lalaki.

Biglang tumawa ang lalaki kaya mas lalong nainis ang babae sa inasta nito.

"Tignan lang natin kung sino ang mas bastos satin.. Baka maya-maya eh magmakaawa ka pa--" sabi ng lalaki na hindi na natuloy dahil dumating na ang kanina pa nilang inaantay.

Itinali muna ng dalawang lalaki ang babae sa upuan, tsaka nag-inuman ang mga ito.

Unti-unting tinanggal ng babae ang pagkakatali ng kamay nya sa likuran.

Habang nag-iinuman ang mga ito ay dahan dahan syang umalis habang hila-hila sya ng lalaking nagpakawala sa kanya

Biglang binawi ng babae ang kamay nya sa lalaki ng mapagtanto kung sino ang humihila sa kanya.

"Tara na.." Pabulong na sabi ng lalaki sa babae.

"You're the killer.." Sabi ng babae habang masamang nakatingin sa lalaki.

"Ako nga.. Pero mas gugustuhin mo pa bang mag-stay dun at antayin na bastusin ka nila?" Sabi ng lalaki kaya kumunot ang noo ng babae.

'Yung boses nya.. Bakit iba ang boses nya?' sabi ng babae sa kanyang isipan.

"At ano? Sasama ako sayo tapos pagkatapos papatayin mo ko? Baka nakakalimutan mong muntik mo na akong mapatay sa sarili kong bahay." Sabi ng babae habang naka-cross arms.

"I'll explain later okay? Sa ngayon kailangan nating makaalis sa lugar na 'to." Sabi ng lalaki at hinila ulit ang babae.

"Tss.." Tanging nasabi na lamang ng babae at hinayaan nang hilahin sya ng lalaki.

[Tristan's POV]

"Saan na tayo pupunta nyan?" Tanong ni Victoria kay Nicole.

"We'll go to Tristan's Condo." Sabi ni Nicole kaya napalingon ako dito ng mabanggit nya ang pangalan ko.

"What?" I said habang nakakunot ang noo.

"Sabi ko sa Condo mo tayo pupunta." Sabi ni Nicole.

"Ah okay." Sabi ko nalang at nanahimik na lang ulit.

I need to find Hannah. At sana kung nasaan man sya ngayon sana ligtas sya.

Kasi kapag may nangyari sa kanyang masama hindi ko mapapatawad ang sarili ko dahil wala manlang akong nagawa para protektahan sya.

My Favorite Game : Survival GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon