Chapter 10: Promise

560 26 0
                                    

[Third Person's POV]

Naglakad na si Hannah papunta sa classroom nila matapos nilang mag-usap ni Sandra.

Habang naglalakad iniisip nya kung paano sya magsisimulang hanapin yung killer.

Nang bigla syang may makasalubong... Nung una hindi nya pinansin yun pero biglang nanlaki yung mata nya ng mapagtanto nyang yung lalaki sa cafeteria yung nakasalubong nya.

Kaagad syang lumingon sa likod nya at saktong kakaliko lamang nito kaya kaagad syang tumakbo upang habulin yung lalaki.

Ngunit ng makaliko sya hindi na nya nakita pa yung lalaki kaya napailing na lamang sya. Kaya naglakad na lamang sya papunta sa classroom nya...

***

"Lalim ng iniisip natin ah." Sabi ni Kisha at umupo sa tabi ni Hannah.

"Sssshh wag kang maingay." Sabi ni Hannah habang nakakunot ang noo.

"Yung ekspresyon ng mukha mo.. Halatang may balak kang gawin." Sabi ni Kisha. "At ano yun ha? Sali mo ko." Sabi ni Kisha.

"I'm trying to find some clues para mahuli yung killer." Sabi ni Hannah. Kaya binatukan na sya ni Kisha.

"Sira!! Di mo ba alam na delikado yang gagawin mo? Paano kung madisgrasya ka? Uyy Hannah hindi basta ordinaryong tao yung hinahanap mo.. It's a killer okay?" Sabi ni Kisha.

"I know.. But I have to find the killer as soon as possible." Sabi ni Hannah.

"Fine find it.. But let me help you." Sabi ni Kisha.

"Ikaw na mismo ang nag-sabing delikado ang gagawin ko diba? Kaya hindi ka pwedeng tumulong." Sabi ni Hannah.

"At sinabi mo na rin na delikado yang gagawin mo kaya tutulong ako." Sabi ni Kisha.

"Count me in." Sabi ng isang boses lalaki kaya napalingon sila sa harapan nila at doon nakita nila si Tristan.

"You guys are not allowed to help me." Sabi ni Hannah na tila para bang naiinis na.

"At wala ka ring karapatan na mag-desisyon para sa sarili namin kaya sasama kami." Seryosong sabi ni Tristan kay Hannah. Kaya hindi na nakasagot pa si Hannah.

"Ahm Hannah pwedeng sa bahay mo kami ni Tristan matulog?" Tanong ni Kisha.

"At bakit naman?" Tanong ni Hannah na hanggang ngayon ay seryoso pa rin.

"Syempre kailangan lagi tayong magkakasama para ma-isha-share agad natin sa isa't-isa ang theory natin right?" Sabi ni Kisha.

"Okay." Sabi ni Hannah.

***

Sumapit ang oras ng uwian at kaagad na tinawagan ni Kisha at Tristan ang mga katulong nila sa bahay upang sabihin na makikitulog sila sa bahay ng kaklase nila. Sinabi rin nila na dalhan na sila ng uniform at damit nilang pambahay at panlabas.

"Laki pala ng bahay nyo." Sabi ni Tristan ng makapasok sa loob ng bahay nina Hannah.

"Yung inyo ba?" Tanong ni Kisha.

"Hmm simple lang.. Gusto ni Mommy na tama lang yung magiging bahay namin. Ayaw daw nyang gayahin sina Lolo at Lola na kung magpagawa ng bahay eh halos pwede na daw syang maligaw." Kwento ni Tristan. At natawa naman si Kisha. Si Hannah ay seryoso pa rin at parang wala sa mood.

"Guys pumunta na lang kayo sa kusina nakahanda na daw dun yung pagkain. Magbibihis lang ako." Sabi ni Hannah at umakyat na sa kwarto nya.

***

Nang matapos magbihis si Hannah bumaba na sya at pumunta na sa kusina.

"Oh bakit hindi pa kayo kumakain?" Tanong ni Hannah at umupo sa tabi ni Kisha.

"Inaantay ka namin eh." Sabi ni Kisha at napatango-tango naman si Hannah. After nun kumain na sila. Habang kumakain tinitignan ni Tristan si Hannah na sya namang napansin kaagad ni Kisha kaya napangiti si Kisha. Hindi alam ni Hannah na nakatingin sa kanya si Tristan kasi naka-focus ito sa pagkain.

Nang matapos silang kumain.

"Hannah pano natin sisimulan ang paghahanap sa killer?" Tanong ni Kisha.

"Sisimulan ko sakin." Sabi ni Hannah kaya nangunot kaagad yung noo ni Kisha.

"Sayo? Bakit?" Tanong nya.

"Sa tuwing may mamamatay palagi akong nakakatanggap ng sulat na may nakalagay na numero." Sabi ni Hannah.

"You mean yung--" sabi ni Kisha na hindi na natuloy nang biglang magsalita si Hannah.

"Oo yung letter na natanggap ko nung October.. Yung unang natanggap kong sulat na may lamang mga numero nakaukit sa wrist ni Jasmine. At yung kaninang nakita kong papel sa cafeteria na naglalaman ng numerk gaya ng dati nakita ko rin sa mga wrist ng mga bangkay nina Kyle at Paulo." Sabi ni Hannah. Tahimik lamang na nakikinig si Tristan sa sinasabi ni Hannah nang bigla itong masalita.

"Walang ka bang kaaway?" Tanong ni Tristan kay Hannah.

"Wala naman.. Bakit?" Tanong ni Hannah.

"I think may gusto yung killer na makuha." Sabi ni Tristan.

"At ano naman yun?" Tanong ni Kisha.

"Aba.. Ewan ko sakin ka nagtatanong? Ako ba yung killer?" Sabi ni Tristan kaya binatukan sya ni Kisha sabay sabi ng "Baliw!" Kaya napailing na lamang si Hannah sa dalawa.

"But Promise me guys that you won't do something risky okay?" Sabi ni Hannah. At tumango naman yung dalawa bilang sagot.

Biglang naag-ring yung phone ni Tristan kaya nag-excuse muna sya at pagkatapos nun lumabas ng bahay nina Kisha.

"Hello Mom?" Sagot ni Tristan sa tumawag sa kanya.

("Kamusta?") Tanong ng Mommy ni Tristan sa kanya kaya napatingin si Tristan sa paligid bago sumagot.

"I'm okay Mom." Sabi ni Tristan.

("Bantayan mo sya ng maigi okay? Hinahanap na sya ng Lolo mo.") Sabi ng Mommy Tristan.

"I will Mom.. I promise." Sabi ni Tristan. At pagkatapos nun inend na nya yung call..

...
...

A/N: Shout out nga pala kay Ate aerissi ... This Chapter is dedicated for you Unnie!! Hahaha wala natuwa lang po talaga ako kasi nang dahil po sa tutorial na ginawa nyo natuto po akong akong mag-blend,mag-cut etc. Kaya nagawan ko ng matinong cover tong story ko at idinedicate ko po sa inyo toh bilang pasasalamat na rin po Hihihi😊. You really inspire me Unnie Maraming salamat po!!

End of Chapter 10: Promise

THANK YOU FOR READING!!

PLEASE VOTE OR COMMENT

AND GODBLESS YOU ALL

SARANGHAE❤

My Favorite Game : Survival GameWhere stories live. Discover now