Chapter 49: Diary

309 16 2
                                    

(A/N: Like what I've said before there's a possibility na maulit ang title ng chapter😁❤)

[Nicole's POV]

Binuksan ko ang locker ko at sa pagbukas ko nito ay biglang may nahulog na papel.

Eto yung inilusot nya.. Ano naman kaya ang laman nito?

Pinulot ko ang papel at kaagad na sinara ang locker ko. Naglakad na ako paalis.. Mahirap na baka may makakita pa sakin.

***

"What took you so long?" Nakabusangot ang mukhang
tanong sakin ni Victoria.

"None of your business." I said at sumakay na sa loob ng Van.

"Tss.." Tanging nasabi na lamang ni Victoria at inirapan ako.

"Saan tayo pupunta ngayon?" Tanong ni Tristan na kasalukuyang nasa driver's seat.

"Ihatid mo ko sa ***** street may kailangan akong gawin." Sabi ko kaya nag-drive na si Tristan paalis ng Middleton University nang bigla kong makita si Hannah na nakatayo sa may gilid ng sasakyan.

Nakatingin ito sa Van na sinasakyan namin..

Kung ano man ang balak mo Hannah.. I trust you.

[Third Person's POV]

"Walang namatay.." Sabi ni Lucas kay Hannah nang magkita sila.

"So ibig sabihin kontrolado ka pa rin nya?" Tanong ni Hannah kay Lucas. Nagkibit-balikat lamang si Lucas.

"Hindi ko alam.." Sabi ni Lucas kay Hannah kaya napabuntong-hininga ito sa naging sagot ni Lucas.

"Umalis na tayo dito.." Sabi ni Hannah.

"Bakit?" Tanong ni Lucas.

"May kailangan tayong puntahan.. At sa oras na ito alam kong walang makakakita satin doon." Sabi ni Hannah kaya kumunot ang noo ni Lucas.

Napansin ni Hannah ang naging reaksyon ni Lucas kaya..

"Pupunta tayo sa bahay ko.. May kailangan akong kunin." Sabi ni Hannah kaya napatango-tango na lamang si Lucas sa sinabi nito.

***

|Location: Family Francisco's House|

"We're here." Sabi ni Lucas ng maiparada na ang kotseng sinasakyan nila sa tabi.

Walang imik na bumaba si Hannah sa kotse kaya bumaba na din si Lucas.

"Paano tayo makakapasok sa loob kung may mga security guards na nakabantay sa bahay nyo.." Ang tanging nasabi ni Lucas nang mapagtanto nitong ang daming mga nakabantay na security guards.

"Akong bahala.." Sabi ni Hannah habang nakangisi.

"Mapipigilan ba kita sa balak mo?" Tanong ni Lucas kay Hannah ng mapansin nyang may binabalak si Hannah na hindi maganda.

"Hindi.." Sabi ni Hannah at kasabay nito ang paglabas nya ng dalawang baril.

"Wait! Don't tell me papatay ka?" Biglang tanong ni Lucas.

"Kung makapagsalita ka akala mo naman di ka pa nakakapatay." Sabi ni Hannah.

Biglang natahimik si Lucas sa sinabi ni Hannah.

"Don't worry hindi ako papatay.. Makakatulog lang sila ng anim na oras." Sabi ni Hannah kaya palihim na napangiti si Lucas sa sinabi nito sa kanya.

Kaagad na pinatulog ni Hannah ang nakabantay sa gate kaya naman kaagad silang nakapasok sa loob ng bahay.

"Tell me.. Bakit ang dami atang guards ngayon sa bahay nyo? Wala naman kayong guards noong pumunta ako dito ah." Sabi ni Lucas.

My Favorite Game : Survival GameWhere stories live. Discover now