Chapter 62

165 10 2
                                    

DON'T FORGET TO VOTE AND LEAVE SOME FEEDBACK AFTER READING THIS CHAPTER.
______________________________
______________________________







CHAPTER 62






|THIRD PERSON'S POV|






"HANNAH!!!" Sigaw nang isang lalaki at kaagad na nilapitan ang babaeng namumutla na.

"S-shit.. D-dahan-dahan naman masakit.." Sabi ni Hannah nang biglaan siyang buhatin nang binata.

"S-sorry..." Paghingi nang paumanhin nang binata.

"Tara na.. Baka maubusan siya nang dugo kung hindi tayo makakalabas dito." Seryosong sambit ni Aubrey habang seryosong nakatingin sa binata at kay Hannah.

Kaagad namang sumunod ang binata kay Aubrey habang buhat-buhat nang parang pangkasal si Hannah.

"Sin.." Tawag ni Aubrey sa nakababata niyang kapatid.

Tumango si Sin at inilabas ang lahat ng laman nang kanyang bag.

Doon ay merong inilabas na bomba si Sin kaya naman..

"Ikaw ang gumawa n'yan?" Tanong nang binata kay Aubrey at tumango naman ito bilang sagot.

"Napansin ko na lahat nang mga daan palabas ay may mga harang.. At para makalabas tayo dito ay kinakailangan kong gumawa nang bomba, kaya natagalan bago kita mapuntahan." paliwanag ni Aubrey.

Ibinigay ni Sin ang bomba sa kanyang Ate at nang makuha na 'to ni Aubrey ay kaagad itong tumakbo papunta sa pinakang-labasan nang venue at doon ay idinikit ang tatlong bomba na ginawa niya.

Nang maayos na niya ang mga bomba ay kaagad itong tumakbo pabalik sa kinaroroonan nina Hannah.

"Magtago kayo.. Kahit na maliit lang ang bombang yun ay malakas 'yon kapag sumabog." Sabi ni Aubrey kaya naman nagtago sa malaking pader sina Hannah, Sin at ang binata.

Nagtago din si Aubrey at nang makapagtago na ay tsaka nito pinindot ang red button nang remote na hawak niya.

Isang nakakabinging pagsabog ang naging sanhi nang pansamantalang pagkawala nang kanilang pandinig ang nangyari matapos pindutin ni Aubrey ang red button sa remote.

Nang maka-recover sila sa pagsabog ay patakbo silang lumabas nang venue at nagmamadaling isinugod si Hannah sa Hospital.






***





"Nararamdaman mo pa rin ba?" Tanong ni Sandra kay Janice.

"Hindi na." Sagot nito kaya naman nakahinga nang maluwag si Sandra.

"Paano tayo makakalabas dito sa venue nang hindi napapansin ng killer?" Tanong ni Janice kaya naman bahagyang napaisip si Sandra, nang may bigla silang narinig na malakas na pagsabog dahilan para mataranta silang dalawa nang dahil sa sobrang gulat.

"What the hell was that?" Tanong ni Sandra pero nagkibit-balikat lamang si Janice sa kanya.

Inilibot ni Sandra ang paningin nya nang bigla siyang mapatingin sa bangkay nang babaeng nasa paanan nya.

"I think alam ko na kung paano tayo makakalabas dito nang hindi napapansin ng killer." Sabi ni Sandra dahilan para mapatingin sa kanya si Janice.

"Ano?" Tanong nito.

"Magpalit kayo nang damit ng babaeng yan papalasin ko na patay ka na." Sabi ni Sandra na kaagad namang ginawa ni Janice.

My Favorite Game : Survival GameWhere stories live. Discover now