Chapter 6: 10-01-4:30

696 33 2
                                    

A/N: Nga pala guys! There's a chance na pwedeng maulit yung title nung ibang chapter. Bakit? Basta malalaman nyo rin yun kapag binasa nyo.. Yun lang! Maraming thank you sa mga nag-basa nitong story ko. Kaya i-vote nyo na rin.. Tutal binasa nyo na rin naman yung story ko lubos-lubosin nyo na! I-vote nyo na rin please!!.. Paki-vote please!! Yun lang! Mahar ko kayong lahat😁❤😘😚

...
...

[Third Person's POV]

Gamit ang buhok ni Jasmine hinila ng lalaki ang malamig ng bangkay ni Jasmine. Nagkalat ang dugo ni Jasmine sa loob ng Comfort Room ng mga babae gawa ng ginawang paghila ng lalaki sa katawan ni Jasmine. Dumako ang tingin ng lalaki sa wrist ni Jasmine kaya binitawan nya ang buhok ni Jasmine...

Hinawakan nung lalaki ang wrist ni Jasmin at kinuha ang kutsilyong nakasaksak sa noo ni Jasmine.. Nang makuha ang kutsilyo.. Kaagad na inukit ng lalaki ang numerong 10-01-4:30 sa wrist ni Jasmine at pagkatapos nun umalis ang lalaki sa Comfort Room ng mga babae nang parang walang nangyari..

[Hannah's POV]

Time check- 11:49 PM

Malapit ng mag-12 o'clock at marami naring nalasing sa mga kaklase ko..

"Hannah! Tumayo ka naman dyan kanina ka pa nanonood lang sa mga sumasayaw sa dance floor." Sabi ni Candice pero nginitian ko lang sya at saka umiling.

Ayoko talagang sumayaw.. Kahit naman mahilig akong sumayaw ayoko pa rin.

"Wooo! Kapagod sumayaw!" Sabi ni Kisha nang makalapit sakin..

"Bat ayaw mong sumayaw?" Tanong nya.

"Tinatamad ako eh." Sabi ko nalang at humikab. "Sa labas lang ako ha? Magpapahangin lang.." Sabi ko at tumango naman sya bilang sagot.

Kaya lumabas na muna ako masyadong nakakabingi yung tugtog.

[Sa labas]

"Hay salamat." Sabi ko nang maramdaman kaagad ang malamig na simoy ng hangin.

12:00 na.. At medyo nakakaramdam na ko ng antok.

"Yes mom.. I will." Sabi ng isang boses lalaki kaya napatingin ako sa bandang kanan ko. At biglang naningkit ang mata ko ng makita kung gaano ito kalayo sakin pero.. Narinig ko? Well baka naman dahil sa sobrang tahimik dito sa labas kaya narinig ko.

Tumingin na lamang ako sa langit.. Bilog ang buwan ngayon at natatakpan Ito ng mga ulap.

Tumingin ulit ako sa right side ko at laking gulat ko ng makitang nakatingin sakin yung lalaki. Nginitian nya ko kaya nginitian ko rin sya. Syempre ngingitian ko yung tao alangan naman irapan ko Diba? Ang rude ko naman kung ganon ang gagawin ko.

Bigla syang naglakad papalapit sakin..

"Naririndi rin ba yung tenga mo sa lakas ng tugtog sa loob?" Tanong nya ng makalapit sya sakin.

"Yup. Ikaw?" Tanong ko.

"Same." Sabi nya at kinamot yung batok nya.

"Lumabas ako kasi gusto kong mapag-isa muna." Sabi ko.

"Ako naman lumabas ako dahil naiirita na ko sa mga kabarkada kong pinipilit akong makipag-sayaw sa babaeng di ko kakilala." Sabi nya.

"By the way I'm Tristan Lee." Sabi nya.

"Hanna Mae Francisco." Sabi ko naman.

"So ahm Hannah?" Tawag nya sakin.

"Yes?" I answered. Magsasalita na Sana sya nang may bigla akong marinig na tili.

"N-narinig mo yun?" Tanong ko.

"Ha? Ang alin?" Tanong nya. Weh? Di nya narinig yung tili? Ano yun? Hala bakit?

"Tara!" Sabi ko at hinila sya.

"Saan tayo pupunta?" Takang tanong nya.

"I told you I heard someone scream." Sabi ko kaya pumasok kami sa fire exit. Mas madaling dumaan dito kesa sa entrance.

Habang tumatakbo may bigla kaming nakabungguan kaya natumba ako pati narin yung nakabungguan ko.

"Candice?" Sabi ko ng makita sya.

"H-hannah.. S-si J-j-jasmine." Sabi ni Candice kaya biglang nangunot ang noo ko.

"Si Jasmine? Bakit anong meron kay Jasmine?" Tanong ko. Bigla nya naman akong hinawakan sa kamay at hinila papunta sa kung saan.

"T-teka saan tayo pupunta?" Tanong ko pero di nya ko sinagot. Nanginginig ang kamay nya na parang takot na takot sya.. Ano bang nangyayari??

Bigla kaming huminto sa tapat ng Comfort Room ng mga babae. Itinuro naman ni Candice yung pinto ng Comfort Room ng mga babae. Nanginginig yung mga kamay nya at unti-unti na syang naluluha.

"Nandito ba si Jasmine?" Tanong ko at tumango-tango naman sya. Kaya hinawakan ko na yung doorknob at dahan dahan itong pinihit.

Nang tuluyan ko ng mabuksan yung pinto pumasok ako sa loob pero agad din akong napatalikod nang makita ko si Jasmine.

"B-bakit? Anong meron?" Tanong ni Tristan na sumunod pala samin. Pumasok sya sa loob at kagaya ko napaharap rin sya sa likod.

"Shit... Dito lang kayo! Tatawag ako ng pulis at ambulansya!" Sabi nya at kaagad na lumabas ng Comfort Room.

Huminga ako ng malalim at pagkatapos nun tinignan ko ulit ang bangkay ni Jasmine.

Naglakad ako papunta dito ng may mapansin akong nakaukit sa wrist nya. Kaya lumapit pa ko para makita kung ano ang nakaukit.

"10-01-4:30" basa ko sa nakaukit sa wrist ni Jasmine.

Bigla ko namang naalala yung nagbigay sakin nung sulat na may ganitong numero din ang nakalagay.

Bigla akong napatingin ulit sa wrist ni Jasmine.

Hindi kaya yung nagpapadala sakin ng sulat ay yung killer? Pero ano ba kasing ibig sabihin nang mga numerong yun?!

...
...

End of Chapter 6: 10-01-4:30

THANK YOU FOR READING!

PLEASE VOTE OR COMMENT

AND GODBLESS YOU ALL

SARANGHAE

My Favorite Game : Survival GameWhere stories live. Discover now