Chapter 3: 10-01-4:30

837 43 6
                                    

[Hannah's POV]

"Let's play..." Basa ko ulit sa nakasulat sa papel. Kasalukuyan akong naglalakad papuntang parking lot kung saan naghihintay yung driver ko...

Sino naman kayang naglagay nito sa locker ko? Atsaka kung naghahanap sya ng kalaro sa playground sya pumunta for sure marami syang makakalarong bata dun..

Nang makita ako ng driver dali-dali nyang binuksan yung pinto ng kotse at after nun sumakay nako...

***

Nang makarating na ako sa bahay kaagad akong umakyat sa kwarto ko.. Dito nalang ako lagi kumakain sa kwarto ko.. Tutal wala naman akong kasabay lagi sa tuwing kakain ako.. Pinapakuha ko nalang sa isa sa mga maids namin yung pinagkainan ko.

Mayaman... Yan ang salitang madalas na pinapangarap ng mga tao.. Ang pagiging anak mayaman ang pinagsisisihan ko sa mundo. Bakit? Sunod ka nga sa luho hindi mo naman kasama lagi magulang mo... Hayys tama na nga sa drama wala rin namang mangyayari...

Tok-tok-tok

"Young Lady ito na po yung pagkain nyo.." Sabi nung maid.

"Sige po. Pakilagay nalang po sa table." Sabi ko. At nang mailagay na nung maid yung pagkain sa lamesa ko.. Umupo na ko sa upuan at nagsimula kumain.. Matapos kumain naligo nako at ginawa na ang mga homework ko..

[KINABUKASAN] [SA SCHOOL]

Maaga ulit akong pumasok.. Kailangan kong pumasok ng maaga sa school para maitanong kung ano yung naging lesson namin simula nung umalis ako sa classroom kahapon.. Mahirap kasing mag-exam ng wala ka manlang kaalam alam..

Nang makarating ako sa classroom kaagad akong pumunta sa upuan ko pero biglang kumunot yung noo ko nang makita sa upuan ko yung papel na nakita ko sa locker ko kahapon.

Pinulot ko ito kagaya ng ginawa ko kahapon at binasa ang nakasulat..

"10-01-4:30?? Seriously? What the hell?" Pabulong na sabi ko habang hindi maipinta yung mukha ko. Ito ba yung gustong laro nang nagbibigay sakin nito?.. Also what's the meaning of 10-01-4:30?!! Keaga-aga naha-high blood ako..

"Guys nakita nyo ba yung naglagay nito dito sa upuan ko?" Tanong ko habang ipinapakita sa mga kaklase ko yung papel.

"Ano ba yan? Love letter?" Tanong ni Justin at lumapit sakin upang tignan ng mabuti ang papel..

"Hindi." Sagot ko kaagad.

"Wala naman akong napapansing lumapit dyan sa upuan mo at naglagay ng papel na yan." Sabi naman ni Nicole na isa sa mga nauunang dumating dito sa classroom.

Kung walang napansin si Nicole paano toh nailagay dito?

"Good Morning!!!" Sigaw na bati ni Kisha kaya napangiwi ako. Grabe napaka-ingay talaga ni Kisha.

"Walang good sa morning Kisha, sadyang maganda lang talaga ako." Sabi ni Candice kay Kisha kaya nagtawanan yung iba samin.

"Maganda ka lang ako dyosa ng kagandahan!" Sabi ni Kisha kaya napailing na lamang ako.. Haynako naman talaga.. Pero seryoso kanina kaya nanggaling tong sulat na toh? Kahapon Let's Play ang nakalagay sa papel ngayon naman puro numero na hindi ko alam kung anong ibig sabihin.. Lakas lang ng topak nung nagbibigay sakin ng ganitong sulat.

Pero sa kabila ng pagkainis ko. Gusto ko pa ring malaman ang meaning ng mga numerong yon. Wala na-curious lang ako.

...
...

END OF CHAPTER 3: 10-01-4:30

THANK YOU FOR READING!

PLEASE VOTE OR COMMENT

AND GODBLESS YOU ALL

SARANGHAE❤

My Favorite Game : Survival GameWhere stories live. Discover now