Chapter 58.2: His Point of View

244 9 0
                                    

[Jake's POV]

Isa pa 'tong kasama ko.. Dagdag isipin din siya dahil napapansin kong may itinatago siya sa'kin.

At hindi ko rin alam na magka-kilala pala sila ni Mr. Palmer. Wala siyang binanggit sakin dahil hindi rin naman ako nagta-tanong -_-

Hindi ko alam kung sino yung babaeng gusto niyang tulungan.. At ang mas nakakapagtaka sa lahat bakit ini-imbestigahan niya rin ang Star Section nang Fourth Year? I mean, What for?

And also paano niya nasabi na gusto akong protektahan nang pamilya ko kaya hindi nila sinabi sa'kin ang sikreto nila?

Kaibigan ko siya pero ni isang mahalagang impormasyon tungkol sa kanya ay hindi ko alam.. Kaya naman..

Naisipan ko ring alamin ang totoong pagkatao niya..

|FLASHBACK|

[Door Opens]

Bigla akong napatingin sa nagbukas nang pinto..

Si Mr. Palmer, kasunod siya.

"May dapat ba akong malaman?" Tanong ko sa kanilang dalawa dahilan para mag-tinginan silang dalawa bago nila ako sagutin.

"Wala po kayong dapat na malaman Sir dahil wala naman po kaming inililihim sa inyo." Sinserong paliwanang ni Mr. Palmer kaya naman tinignan ko siya.

"What?" He asked innocently pero binigyan ko lang siya nang matalim na tingin. "What Mr. Palmer said was true, so don't look at me that way." He said.

'Tsk.. Too defensive..' Isip ko habang nakatingin sa kanya nang deretso.

Tumayo ako at nilapitan sila.. Muli ko silang tinignan bago ko sila nilagpasan.. at bago ko sila tuluyang iwan..

"Hindi kita pipiliting sabihin sa'kin ang lahat pero sana maisipan mong sabihin sa'kin ang lahat nang mga nalalaman mo." Makahulugang sambit ko bago ako tuluyang naglakad paalis sa bahay ni Mr. Palmer.

Sumakay ako sa kotse ko at tinignan muna ang bahay ni Mr. Palmer bago tuluyang umalis.

"Mukhang.. Sarili ko lang talaga ang maaasahan ko." Sabi ko at tinignan ang katabing upuan nang driver's seat. "Sana nandito ka..." Mahinang sambit ko pa bago muling itinuon ang paningin sa kalsada.

Habang nagda-drive pauwi sa bahay ay hindi ko maiwasang hindi mag-isip nang mga bagay-bagay. Ang hirap nang ganito.. Hindi ko alam kung saan ako magsisimula..

Habang iniisip iyon ay biglang pumasok ang isang ideya sa aking isipan.

'Kung iniimbestigahan nga ni Jasmine ang Section nila mismo.. There's a possibility na may tinatagong impormasyon si Jasmine sa mismong bahay niya.. Kagaya nang akin.' Isip ko pa kaya naman bigla akong nag-U turn kahit na bawal.

Kailangan kong malaman ang lahat nang mga nalalaman ni Jasmine para nang sa ganon alam ko na kung paano at saan ako magsisimula..

***

After ten minutes ay nakarating na rin ako sa tapat nang bahay nina Jasmine.

May dalawang security guard ang nagba-bantay sa gate.. at sa mismong gate ay may CCTV camera..

"Ayokong gawin 'to pero kailangan.." Mahinang sambit ko habang isinusuot ang itim na face mask at itim na cap ko.

Nang maisuot ang mga ito ay kaagad akong bumaba sa kotse ko.. Nag-panggap akong napadaan lang sa harap nang dalawang security guard.

My Favorite Game : Survival GameWhere stories live. Discover now