Chapter 17: 10-17-9:00

440 17 1
                                    

[Kisha's POV]

N-narinig ko ang lahat..

[Flashback]

Pumunta ako sa Comfort Room ng mga babae.. Nakalimutan ko kasi yung wallet ko.. Nang makuha ko na ang wallet ko pumunta ako sa pinakang-dulo ng cubicle isasara ko na dapat yung pinto ng biglang may pumasok. Kaya sinilip ko kung sino iyon..

Si Candice..

Naghilamos ito at pagkatapos at tinignan ang repleksyon nya sa salamin.. Hanggang sa unti-unti nang namuo ang luha sa mga Mata nya kaya pumasok sya sa isang cubicle at isinara ang pinto.

Alam kong nasasaktan pa rin sya dahil sa pagkamatay ng kaibigan nya. Masakit ang mamatayan ng kaibigan lalo na kung isa Ito sa pinakamalapit sayo..

"Masakit bang mawalan ng kaibigan?" Sabi ng isang boses lalaki.. Teka? Pano toh nakapasok sa comfort room ng mga babae?

Gusto kong sumilip kaso baka makita nila ako.. Kaya huwag na lang.. Makikinig na lamang ako sa pag-uusapan nila.

"Kilala ko kung sino ang pumatay sa kaibigan mo." Sabi ng lalaki. Kaya kaagad akong nakarinig ng padabog na pagbukas ng pinto.

"Sino ka? Saka anong ginagawa mo dito?" Tanong ni Candice.

"Gusto mo bang malaman kung sino ang pumatay sa kaibigan mo?" Tanong ng lalaki kaya Candice.

"Pwede ba?! Kung trip mong mang-asar wag ako!! Humanap ka ng iba!!" Pagalit na sigaw ni Candice.

"Hahahahaha..." Tawa ng lalaki kaya kinilabutan naman ako..

"Quit laughing will you?!!" Sigaw ni Candice.

"Hindi nila mahuhuli ang pumatay sa kaibigan mo.." Sabi ng lalaki Kay Candice.

Anong Hindi nila mahuhuli? Did he mean na hindi mahuhuli ng pulis ang killer?

"Ikaw mahuhuli mo sya.. Ayaw mo bang ipaghiganti ang sila?"  Sabi ng lalaki kaya nangunot ang noo ko. Nilalason nya ang isip ni Candice. Hindi kaya.. Sya yung killer?

"Hindi ko mapapatawad ang pumatay sa kanila." Sabi ni Candice kaya natulala na lamang ako sa sinabi nya..

"Hahahahaha.." Biglang tawa ng lalaki.

"Ganyan nga.. Sige ilabas mo ang galit mo sa taong pumatay sa kaibigan mo." Sabi ng lalaki kaya napailing ako. Mali na tong nangyayari pero natatakot akong lumabas at pigilan yung lalaki sa sinasabi nya Kay Candice...

"Sino ang pumatay sa kanila?" Galit na tanong ni Candice.

"Si.. Alfred na kaklase mo.. Sya ang pumatay sa dalawa mong kaibigan."  Sabi nung lalaki.

"Hayop sya.. Hinding-hindi ko sya mapapatawad.." Sabi ni Candice.

"Kapag buhay ang kinuha... Buhay din ang kapalit." Sabi ng lalaki.

"At papatayin ko sya..." Sabi ni Candice.

No Candice hindi ka ganyan.. Wag kang mag-pauto sa kanya..

"ilagay mo ito sa wrist ni Alfred kapag napatay mo sya.." sabi ng lalaki..

"10-17-9:00?" Sabi ni Candice kaya nanlaki ang mata ko.. Yung lalaki.. Sya nga yung killer!!

"Teka Ito ang inilalagay nung killer sa wrist ng mga napapatay nya.." Sabi ni Candice.

"Kaya nga... Gamitin mo yan. Ganyan ang ginawa ni Alfred para hindi sya ang mapagbintangan na sya ang pumatay sa dalawa mong kaibigan." Sabi ng lalaki.

My Favorite Game : Survival GameTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang