Chapter 28: Diary

343 15 1
                                    


[Tristan's POV]

Matapos namin mag-usap ni Tita Janice ay ipinakilala ko syo kay Hannah at Kisha.

"Nice to meet you po." Sabi ni Hannah habang nakangiti ganon din naman ang ginawa ni Kisha.

"Bro ako? Hindi mo ako Ipapakilala?" Tanong ni Gilbert.

"Hindi. Saling sisiw ka lang." Pabirong sabi ko kaya tinawanan naman sya Nina Hannah at Kisha.

"Joke lang.. Tita ito nga pala si Gilbert transferee lang din sya sa school na 'to like me." Sabi ko.

"Gilbert Williams?" Sabi ni Tita Janice.

Oh bakit? Anong meron sa pangalan netong kupal na 'to?

"Ah opo." Sagot ni Gilbert.

"Small world huh?" Sabi ni Tita Janice.

"Bakit Tita?" Tanong ko.

"Your family and his family are business partners." Sabi ni Tita Janice kaya nagkatinginan kami ni Gilbert sabay sabi ng...

"WHAT?!"

"Hahaha Kalma lang." Sabi ni Tita.

So si Mr. Frank Williams ay anak si Gilbert? Ah okay gets ko na.

***

"May condo ka pala." Sabi ni Tita Janice.

"Kinulit ko si Mommy na bigyan ako ng Condo unit eh, kaya eto ibinigay na nya." Sabi ko.

"Dito mo na rin ba pinapatulog si Hannah?" Pabulong na tanong ni Tita Janice sakin.

"Opo, Simula po ng makalabas po sya ng hospital." Sabi ko kaya kumunot ang noo nya.

"Pinagtangkaan po syang patayin nung killer Tita." Sabi ko.

Bigla namang natahimik si Tita sa sinabi ko.

Dito ko na sa condo patutuluyin si Tita Janice. Ayokong mag-check in pa sya sa hotel mapapamahal lang ang gastusin nya. Mas maigi na yung ganito.

At least alam kong safe sila.

***

Kasalukuyang nanonood ng palabas si Hannah sa TV nang tabihan ko sya.

"Sana wala ng mamatay." Sabi ni Hannah habang nakatingin sa pinapanood nya.

"Pakiramdam ko lahat ng nangyayaring patayan ay dahil lang sakin." Sabi ni Hannah at doon ay nakita ko ang luhang pumatak sa pisngi nya.

"Hannah." sabi ko at kaagad na pinunasan ang luhang pumatak sa pisngi nya.

"Wag ka ngang ganyan.. Everything's gonna be okay." Sabi ko at niyakap ko sya.

"Natatakot ako.. Natatakot ako na baka isang araw, kayo na ang i-sunod nung killer." Sabi ni Hannah habang patuloy pa rin ang pag-iyak.

"ssshhh.. Hindi mangyayari yan Hannah.. Lalaban kami kapag dumating ang araw na yun.. Lalaban tayong lahat okay?" Sabi ko at hinawakan ko sya mag-kabilang balikat nya para titigan sya ng mata sa mata.

"Ayokong mawala kayo.." Sabi ni Hannah.

"At mas lalong ayaw namin na umiiyak ka ng dahil samin." Sabi ko at hinalikan sya noo nya.

"Trust me.. Magiging okay din ang lahat, just trust me." Sabi ko at unti-unti naman syang ngumiti.

Wala na kong dapat aksayahin na oras.. Araw-araw may namamatay, baka sa susunod na araw kami na ang maging puntirya nung killer.

Kailangan ko ng kumilos...

Maghahanap ako ng clue para mahanap ko ang killer.

Para nang sa ganon matigil na rin ang nangyayaring patayan sa klase namin.

Makaka-survive kami sa laro na 'to.

***

[KINABUKASAN]

[Sa Library]

Tahimik kaming nagbabasa ng reviewer namin nang biglang tumayo si Hannah.

"Oh saan ka pupunta?" Tanong ni Kisha kaya napatingin na rin ako kay Hannah.

"Sa lumang building.." Sagot nito.

"Huh? Anong gagawin mo dun?" Tanong ni Kisha.

"Maghahanap ako ng libro." Sabi ni Hannah kaya napatayo ako.

"Ako na lang ang maghahanap nung librong gusto mong hanapin." sabi ko at tumango naman sya bilang pagsang-ayon.

Sinabi nya sakin kung ano yung libro na yun kaya kaagad akong tumakbo papunta sa lumang building.

Nang makarating ako sa tapat ng lumang building ay umakyat na ko.

Sabi ni Hannah nasa 3rd Floor daw yung librong hahanapin nya kaya umakyat na ko papunta sa 3rd Floor.

Ang baho.

Nakakasuka ang amoy nya...

Pumasok ako sa isang room para hanapin ang book na pinapahanap nya.

"Eto na siguro yun.." Sabi ko at kinuha yung libro sa bookshelf.

Kaso ng makuha ang libro ay saktong may bumagsak na notebook sa ulo ko kaya dinampot ko iyon at binuklat.

"Diary?" Sabi ko.

binuklat ko pa ang mga sumunod na pahina..

2011? Teka ito yung year na may naganap na patayan dito.

Pinagpagan ko yung notebook at pagkatapos ay pumunta na sa Library.

Yung Diary baka makatulong yun sa mga nangyayari dito sa Klase namin.

At sana nga may maitulong sya.

...
...

End of Chapter 28: Diary

THANK YOU FOR READING!

PLEASE VOTE OR COMMENT

FOLLOW ME

AND GODBLESS YOU ALL

SARANGHAE❤

My Favorite Game : Survival GameWhere stories live. Discover now