Chapter 37: An Ally

333 17 2
                                    

[Kisha's POV]

Kasalukuyan akong nasa classroom, pinapanood ang lahat ng ginagawa ng mga kaklase ko.

Actually ino-obserbahan ko silang lahat. Maging si Hannah,Tristan at Gilbert.

Kaibigan ko sila oo. Pero paano kung sila pala na kaibigan ko ang Killer?

May natanggap akong invitation card. Isang party na gaganapin sa November 23. Ayokong umattend pero kailangan.

Naisip ko na baka may makuha ako o may mapala ako.

Ang invitation card alam kong lahat ng mga kaklase namin ay nakatanggap nito at kagaya na lang din nung Una...

Walang may birthday sa mga kaklase namin sa November 23, walang dapat na i-celebrate.

Walang dahilan para mag-party.

Sino ba yung taong nasa likod ng lahat ng 'to? Ano bang gusto nyang mangyari at kailangan nyang gawin ang lahat ng 'to samin?

"Seryoso natin ah." Sabi ng isa kong kaklase na nagngangalang Lindy.

"May iniisip lang." Sabi ko at nginitian sya.

"A-attend ka sa party?" Tanong nya.

"Oo, ikaw ba?" Tanong ko.

"Oo din, pero sana walang mangyaring masama." Sabi ni Lindy.

"Alam mo bang kanina pa kayo pinag-uusapan ng mga kaklase natin?" Tanong ni Lindy sakin.

"Ha? Hindi." Sagot ko.

Pinag-uusapan nila kami? Bakit?

"Yung picture nyo nina Hannah, Trustan, Gilbert, Victoria, Nicole at ikaw na nakadikit sa white board. Kayo lang na anim ang may pinakamalaking size ng picture na nakadikit sa white board." Sabi ni Lindy.

Oh? Anong connect nun sa sinabi nya kanina?

"Yun ang pinag-uusapan nila." Sabi ni Lindy at nginitian ako. Ngiting may pag-aalala.

"Iniisip nilang lahat na isa sa inyo ang killer.. Mag-iingat kayo may balak silang masama." Sabi ni Lindy nang biglang mag-ring ang phone nya.

"Sige Kisha alis na ako." Sabi ni Lindy at nginitian ako.

Nang maglalakad na sya ay bigla ko syang hinawakan sa wrist nya kaya napatigil sya.

"B-bakit sinasabi mo sakin ang lahat ng 'yan?" Tanong ko.

"Sinabi ko sayo yun dahil naniniwala akong hindi kayo yung killer. Naniniwala ako na wala sa klase natin ang killer." Sabi ni Lindy habang nakangiti kaya binitawan ko na sya at nginitian rin sya.

"Salamat." Sabi ko dito.

Salamat dahil sa kabila ng ginawa ko kay Candice hindi ka pa rin naniniwala na isa sa mga kaklase natin ang killer.

Kailangan ko nang kumilos.. Bago pa mahuli ang lahat.

[Hannah's POV]

Dahan-dahan akong sumilip sa butas ng pinto para tignan kung sino ang taong paparating.

Nang makita ko ito ay biglang nanlaki ang mata ko.

Anong ginagawa nya dito?!

Saka.. Ang ingay nya masyadong maglakad baka marinig sya nina Nicole.

Nang makarating sya sa tapat ay kaagad kong binuksan ang pinto at hinila sya papasok sa loob.

Kitang-kita ko ang gulat nitong expression sa mukha kaya..

My Favorite Game : Survival GameWo Geschichten leben. Entdecke jetzt