Chapter 52: 10-19-3:50

282 17 1
                                    

A/N: Please read my other story entitled 'Still You' biyayaan niyo po siya ng Votes,Comments and reads guys salamat!

[Third Person's POV]

|Time: 12:00 AM|

Muling napatingin si Hannah sa wrist watch niya para tignan ang oras.

Hindi mapakali si Hannah pakiramdam nito ay parang may mali at iyon ang kanina pang bumabagabag sa kaniya kaya hindi siya makatulog.

Biglang bumukas ang pinto ng silid na tinutuluyan ni Hannah kaya napatingin siya dito.

Tumayo si Hannah at lumapit sa may pinto at tsaka ito binuksan...

..Ngunit kadiliman lamang ang bumungad sa kanya kaya napabuntong-hininga na lamang siya.

"Bakit di ka pa tulog?" Tanong ni Lucas kaya hinanap ni Hannah ang switch ng ilaw.. Nang mahanap niya ito ay binuksan niya ito.

"Tss.. Yung totoo? Nananakot ka ba o hindi?" Gulat na sabi ni Hannah.

"Bakit nga di ka pa tulog?" Tanong ulit nito. Natahimik naman si Hannah.

"May nararamdaman kang mali tama ba ako?" Tanong ni Lucas ngunit hindi naman sumagot si Hannah.

"Kung yun ang nararamdaman mo.. Parehas tayo." Pahabol pa nito.

Biglang pumasok si Hannah sa loob ng kwarto niya at paglabas nito ay..

"Saan ka pupunta?" Tanong ni Lucas habang tinitignan si Hannah mula ulo hanggang paa binatukan naman siya ni Hannah nang dahil sa ginawa niya.

"Ikaw! Kung makatanong ka akala mo tatay kita! tsk tara na nga!" Sabi ni Hannah at hinila na lang si Lucas palabas ng bahay.

Nang makalabas ay kaagad na sumakay si Hannah sa kotse ni Lucas.

"Saan nga tayo pupunta?" Tanong ni Lucas nang makasakay sa loob ng kotse.

"Sa bahay nina Nicole. May gusto lang akong tignan.." Sabi ni Hannah.

***

|Location: Family Salazar's House/Home|

"Hey! Delikado 'tong ginagawa natin!" Pasigaw na bulong ni Lucas kay Hannah.

"I know kaya nga tayo nakasuot ng ganito diba?" Pagtukoy ni Hannah sa suot nilang damit.

"Pero kahit na! Paano kung may makakita satin dito? Tapos tayo ang sisihin sa mga nangyari sa security guards." Sabi ni Lucas.

"OA mo.. Manahimik ka nalang." Walang ganang sabi ni Hannah kay Lucas.

Nanahimik naman si Lucas matapos nun..

Nang makapasok sa loob si Hannah ay kaagad siyang dumiretso sa kinaroroonan ng bangkay ng killer.

Biglang natulala si Hannah nang wala siyang nakitang bangkay.

"Are you okay?" Tanong ni Lucas nang mapansin niyang tulala si Hannah.

"No.. It can't be.." Sabi ni Hannah kaya kumunot ang noo ni Lucas.

"What do you mean?" Tanong ni Lucas kay Hannah.

Hinarap ni Hannah si Lucas at bakas sa mukha ni Hannah ang takot at pag-aalala.

"Anong bang meron at nagkakaganyan ka?" Naguguluhang tanong ni Lucas kay Hannah.

"Yung Killer! Buhay pa rin yung Killer!" Sabi ni Hannah.

"Pero diba sabi mo napatay mo na siya?" Tanong ni Lucas at tumango naman si Hannah bilang sagot sa tanong ko.

Biglang kinabahan si Lucas nang may maalala siya.

My Favorite Game : Survival GameWhere stories live. Discover now