Chapter 58.3: His Point of View

333 12 1
                                    

DON'T FORGET TO VOTE AND LEAVE SOME FEEDBACK AFTER READING THIS CHAPTER.
____________________________________________________________

[Jake's POV]

|FLASHBACK|

Matapos kong makausap si Mr. Palmer ay bumaba na ako upang mag-luto nang hapunan, ngunit kaagad akong nagtaka nang may nakita na akong nakahain na pagkain sa dining table.

"Buti naisipan mo pang bumaba." Sarkastiko ang tonong sabi niya dahilan para pagkunutan ko siya nang noo.

"Buti naisipan mong magluto nang kusa ngayon?" Sarkastiko ring sabi ko sa kanya, tumingin siya sakin nang masama at..

"Watch your words nasa BAHAY ko, ikaw.." Sabi niya habang nakatingin sakin nang masama dahilan para tawanan ko lang siya.

'Pikon amp..' Tanging nasabi ko na lamang sa aking isipan.

Nagsimula na kaming kumain..

Walang umiimik sa aming dalawa, tanging ang kalansing lang nang kutsara at tinidor ang maririnig na ingay.

"Anong ginawa mo at ang tagal mo don sa kwarto mo?" Tanong niya habang makahulugan ang tingin sakin.

"Hey.. Its not what you think.." Seryosong sabi ko sa kanya nang mapansin ko ang kakaiba at makahulugang tingin niya sakin.

"Really? Baka NAGKALAT ka sa kwarto mo.." Sabi niya habang pinagdidiinan ang salitang 'NAGKALAT'.

"Kadiri ka.." Sabi ko habang nailing-iling pa, tinawanan niya lamang ako kaya naman seryoso ko siyang tinignan habang tumatawa..

'Bukod sa mahilig kang manood nang P*** at pagiging walang kwenta mong kausap.. Ano pa ang hindi ko nalalaman tungkol sayo?' Isip ko pa.

"Hindi ako papayag.." Seryosong sabi niya nang bigla siyang huminto sa pagtawa.

"H-ha?" Nagtatakang tanong ko sa kanya.

"Hindi lahat kailangan mong malaman..." Sabi niya na para bang nabasa niya ang lahat nang nasa isipan ko. "Minsan, mas mabuti pang huwag makialam kesa ang makialam.. Ikaw rin baka... Mamatay ka." He said while smiling.

Nang mapansin niya ang pagiging seryoso ko ay tinawanan niya ulit ako.

"Hahahaha I'm just kidding." He said while laughing his ass off -_-.

'Binabantaan niya ba ako?' Tanging naitanong ko na lamang sa aking isipan matapos niyang sabihin sakin ang lahat nang iyon.

"Curiosity kills my friend.. Kapag pinilit mo pang ungkatin ang lahat nang tungkol sa PAMILYA KO, I'll definitely kill you." Sabi niya dahilan para matigilan ako.

'P-paano niya nalaman? Hindi kaya.. No.. hindi naman siguro sinabi sa kanya ni Mr. Palmer 'yon right?! S-shit.' Nagpapanic na sabi ko sa aking isipan.

***

Nang dahil sa sinabi niya sakin ay mag-damag akong walang tulog dahil sa kakaisip kung paano niya nalaman ang binabalak at ginagawa ko.

Kung meron mang magsa-sabi sa kanya nang mga ginagawa ko ay wala nang iba kundi si Mr. Palmer lang. Siya lang wala nang iba.

At dahil siya ang kauna-unahang pumasok sa isipan ko ay kaagad ako nag-drive papunta sa bahay ni Mr. Palmer.

My Favorite Game : Survival GameWhere stories live. Discover now