Chapter 48: The Killer's Plan

278 14 4
                                    


[Hannah's POV]

"Dito ka nakatira?" Tanong ko nang makita ang loob ng bahay netong lalaking 'to.

"Oo.. Pagpasensyahan mo na kung maliit lang ang bahay na tinitirahan ko." Sabi niya kaya umiling ako.

"Nah.. It's okay hindi naman ako maarte." Sabi ko.

"A-ako nga pala si Lucas Lane." Sabi nya at inalok ang kamay nya for a hand shake pero tinignan ko lamang iyon kaya binawi nya rin ng hindi ko ito kinamayan.

"Kaano-ano mo si Mr. Alexis Lane?" Tanong ko.

"Anak nya ko..." Malungkot na sabi nya. Kaya bahagya akong naawa sa kanya.

Natagpuang patay si Mr. Lane kasama ang asawa nya 6 months ago. May anak sila ngunit hindi nila alam kung saan ito pumunta at nagtago.

Sya pala ang anak ni Mr. Lane. Ang anak ni Mr. Lane ay isang killer.

"Alam ko ang iniisip mo.." Sabi nya sakin at nginitian ako ng mapait.

"Hindi ko ginusto ang nangyaring patayan sa klase nyo at mas lalong hindi ko ginustong patayin sila." Sabi nya..

"Kung hindi mo talaga ginusto ang lahat bakit nangyari pa rin ang patayang 'yon sa klase namin?" I asked while trying myself to calm down.

"Kinokontrol nya ako." Sabi nya kaya nainis ako.

"W-what?! Ano ka robot na kailangang pagalawin?! Kung wala kang balak na mag-seryoso.." Sabi ko at kaagad na dinampot ang baril sa may lamesa at itinutok sa kanya.

"Tatapusin na lang kita.." Malamig na sabi ko at nakita ko naman ang nagpa-panic nitong reaksyon sa sinabi ko sa kanya.

"Nagsasabi ako ng totoo.." Sabi nya na pinagpapawisan na..

"Sino sya?!" Tanong ko at inilagay na ang daliri ko sa gatilyo ng baril.

"Abraxas." Sabi nya kaya nabaril ko ang flower base sa may lamesa.

"Damn!!" Inis na sigaw ko nang dahil sa sinabi ni Lucas.

Abraxas..

Siya.. Siya yung nasa panaginip ko. Siya yung dahilan kung bakit hindi ako makatulog ng maayos tuwing gabi -_-

"K-kilala mo ba sya?" Tanong ko.

"Not really... I only saw him once, palaging nakabalot ang katawan nya ng itim na kasuotan miski mukha nya hindi ko rin makita dahil palagi siyang nagtatago sa dilim." Sabi nya.

"Him? So lalaki sya?" Sabi ko at tumango naman sya.

"You said that you only saw him once.. but bukod dun wala ka na bang nakita pang ibang katangian nya?" Tanong ko.

"His face... nakakatakot siya.." Sabi ni Lucas.

Alam ko.. Dahil sa panaginip ko pa nga lang takot na takot na 'ko sa kanya eh.. Paano pa kaya kung makita ko sya right?

Baka mahimatay pa ako sa takot ko kay Abraxas -_-

"Kinokontrol ka nya.. P-paano?" Tanong ko nang maalala ko ang sinabi nya kani-kanina lang.

"Isa siyang demonyo Hannah.. Ang patayan na nangyayari sa klase ninyo ay kagagawan niya." Sabi ni Lucas.

"Yung araw na muntik mo na akong mapatay sa sariling kong bahay.. Si Abraxas ba ang kausap ko? Kilala nya si Mom." Sabi ko kay Lucas.

"Si Abraxas yun.. Kahit noong time na tinawagan kita sa phone mo.. Si Abraxas yun. Hindi ako, ako mismo na sarili ko ang may kagagawan nun. Si Abraxas ang may kagagawan ng lahat ng gulo dito." Sabi nya kaya napa-upo ako sa couch nya sa living room.

My Favorite Game : Survival GameDonde viven las historias. Descúbrelo ahora