Chapter 33: The Real Plan To Make

380 17 1
                                    


[Trevor's POV]

Kagaya nang sinabi ng kaibigan kong si Ally nag-suot nga kami ng mga suot ng head sa hideout ng ama ni Kristine.

"Okay ka na?" Tanong ni Ally na kakalabas lang ng kwarto ko dahil nga sa nagbihis sya.

"okay na ko." Sabi ko.

"okay tara na.." Sabi ni Ally at naglakad na papalabas ng bahay na tinutuluyan ko sa ngayon.

[Sa loob ng kotse]

"Balita ko pinadala ni Kristine si Tristan para kay Hannah." Sabi ni Ally.

"Desperado na kasi yung ama ni Kristine na patayin ang anak mo.. Pero palaging ginagawan ng paraan ni Kristine para mailigaw niya ang ama nya." Sabi ko..

"Kaso nahuli sya ng ama nya kaya nakakulong sya ngayon sa hideout." Sabi ko.

"I'm sorry." Sabi nya pero nginitian ko sya.

"Okay lang.. Alam kong nangyayari ang lahat ng ito for some reason." Sabi ko.

"Salamat.." Biglang sabi nya.

"Para saan naman?" Tanong ko.

"Well.. Salamat kasi hanggang ngayon palagi pa rin kayong nandyan sa tabi ko, salamat kasi pinoprotektahan nyo ang anak ko.. Hindi ko alam kung paano ko mapapalitan ang lahat ng nagawa nyo sa amin ng pamilya ko." Sabi ni Ally kaya napangiti ako.

Hindi pa rin sya nagbabago.. Ganon pa rin sya. Kagaya ng dati nung kakakilala ko lang sa kanya.

"And also salamat din sa pagprotekta nyo sakin dati.." sabi nya. At kasunod non ang isang nakakabinging katahimikan.

"Nakakapanibago." Sabi ko at bumuntong hininga.

"Bakit naman?" Tanong nya.

"Dati kasi sa tuwing nasa panganib ang isa satin marami tayong nagliligtas sa isa't-isa.. pero ngayon.. Dalawa lang tayo." Sabi ko kaya tinawanan nya 'ko.

"Busy si Sandra sa pag-iimbestiga ng mga kaso sa school ng mga anak natin. Si Janice naman nasa Condo ng anak mong si Tristan, binabantayan nya si Hannah at Tristan. Si Henry hinahanap yung killer kaya wala sya dito." sabi ni Ally.

...

[Sa loob ng Hideout]

"Bryan wala kang gagawin hangga't hindi ka tinatawagan ni Trevor. At Ikaw Trevor wala kang uutusan hangga't wala akong sinasabi na palabas na kami ni Kristine." Sabi ni Ally kaya Tinanguan namin sya bilang pagsang-ayon.

"Now let's move.." Sabi ni Ally.

***

Kasalukuyan akong nakatayo sa may Exit door ng hideout ng makita ko si Ally na naglalakad habang may dalang pagkain.. Tinanguan nya ako at ganon din ako.

"I'll call you.." Sabi ni Ally nang dumaan sya sa harapan ko.

[Ally's POV]

Binuksan ko na ang kulungan ni Kristine.. Ang higpit naman ng security dito.. Bukod sa may mga security guard meron pang mga CCTV cameras.

Kailangan hindi kami pumalpak, delikado naka-reveal ang mga mukha namin at paniguradong kita na rin ang mukha namin sa ilan sa mga CCTV footage.

Matapos kong buksan ang kulungan ni Kristine ay kaagad kong ini-lock ang pinto at inilapag ang pagkain sa may maliit na table.

"Sinabi nang ayokong kumain eh. Tutal kinulong nyo naman ako edi patayin nyo na ko." sabi ni Kristine na nakaupo sa lapag habang nakayuko ang ulo.

Ang Hirap naman ng sitwasyon ni Kristine. Nakakadena ang mga paa nya kaya wala talaga syang takas.

My Favorite Game : Survival GameOù les histoires vivent. Découvrez maintenant