Chapter 13: I'll protect you

470 20 2
                                    

[Third Person's POV]

Iminulat ni Hannah ang kanyang mga mata.. Nang maimulat na ni Hannah ang kanyang mga mata kaagad bumungad sa kanya ang puting kisame. Kaya naman inilibot nya ang kanyang paningin sa paligid..

Nakita nya si Kisha na natutulog sa sofa habang si Tristan naman ay natutulog sa upuan.

Bigla naman nyang naalala ang nangyari sa kanya.. Sinaksak sya nung killer at swerte sya dahil buhay pa sya.

Masakit pa rin ang likod nya dahil sa ginawang pagkaladkad nung killer sa kanya. Nang biglang...

"Hannah?" sabi ni Kisha ng makitang gising na ito. Kinusot-kusot naman ni Kisha ang kanyang mga mata at pagkatapos nun tinignan kaagad si Hannah.

Ngumiti naman si Hannah ng tipid dito.. Kaya pinalo sya ni Hannah sa braso.

"kainis ka! Di mo ba alam na sobra kaming nag-alala sayo? Si Tita Anna alalang-alala sayo!" sabi ni Kisha.

"si Mommy?" sabi ni Hannah.

"oo.. Wait lang tatawagan ko lang si Tita Anna." sabi nya at tumango naman si Hannah bilang pagsang-ayon.

"Tita? Gising na po si Hannah..." sabi ni Kisha at pagkatapos nun inabot na nya kay Hannah ang phone nya.

"Mom?" Sabi ni Hannah.

("are you okay?") Tanong ng Mommy ni Hannah.

"I'm not okay Mom." sabi ni Hannah.

"Mom.. Kilala ka nung killer..." sabi ni Hannah nang bigla nyang maalala yung sinabi sa kanya nung killer.

("A-ano?") hindi makapaniwalang sagot ng Mommy ni Hannah.

"he said... Hindi daw nya akalain na magiging katulad kita na matapang.." sabi ni Hannah.

("Hannah?.. you need to go here as soon as possible.") seryosong sabi ng Mommy ni Hannah

"i already told you Mom... I don't want to." sabi ni Hannah.

("you have to..") sabi ng Mommy ni Hannah.

"I.Won't." Hannah said at inend na yung call.

"the killer knows your Mom?" tanong ni Kisha.

"sabi nya eh." sabi na lamang ni Hannah.

[Hannah's POV]

Panibagong tanong na naman ang nabuo sa isip ko..

'Bakit kilala nung killer yung Mommy ko? Di kaya naging biktima rin yung ibang kaklase ni Mommy nung killer?'

'pero kung biktima nga rin nung killer na yun yung kaklase ni Mommy... Bakit parang hindi naman mukhang matanda yung killer?'

'bakit gustong pumatay nung killer? Atsaka sa tuwing may mamamatay bakit ako nakaka-receive lagi ng sulat?'

"shit." i blurted out.

"are you okay?" tanong ni Tristan.

"yeah." i said. "Si Kisha?" tanong ko.

"umuwi na.. Papasok pa yun bukas at may practice din sya kasama yung ka-Club mate nya." sabi nya. Kaya napatango tango nalang ako.

"ilang araw na kong nandito sa hospital?" tanong ko.

"2 weeks na rin." sabi ni Tristan kaya nanlaki ang mata ko..

"2 weeks? As in? Weh?" sabi ko.

"oo nga.." sabi nya.

"nagugutom ako." sabi ko kaya nginitian nya naman ako...

"eto oh..." sabi nya sabay bigay sakin ng vegetable salad.

"napagtripan namin ni Kisha yung gulay sa ref nyo kaya gumawa ginawa nalang naming vegetable salad." sabi nya kaya kumuha ako at kumain.

"hindi naman kayo mahilig sa gulay noh?" sabi ko. "atsaka sa ref talaga namin ah? Naghihirap na ba pamilya nyo?" pabirong sabi ko.

"hindi naman.." sabi nya habang nakangiti.

"2 weeks akong nandito sa hospital.. 2 weeks din akong absent.. Wala na bagsak na.. Hindi na ko makakasama pa sa Ranking." sabi ko habang naka-pout.

"excuse ka.. Naiintindihan ng mga teachers sa school natin ang nangyari sayo kaya once na makalabas ka na dito bibigyan ka nila ng chance na makabawi sa absents mo." sabi ni Tristan kaya napangiti ako.

"buti naman kung ganon.. Nga pala anong ganap sa school ngayon? Sa classroom? wala pa ba silang sinasabi kung kelan ang exam?" tanong ko. Bigla ko naman nakita ang pagbabago ng expression ng mukha nya.

"actually.. Sa loob ng 2 weeks na nandito ka sa hospital.. May mga namatay na iba sa mga kaklase natin kada araw may namamatay.." malungkot na sabi ni Tristan kaya naikuyom ko naman yung kamao ko dahil sa narinig ko.

Damn that killer.. Ano ba talaga ang kailangan nya?

"ilan na ang namatay?" tanong ko kahit na ayokong malaman...

"19 kasama na doon sina Jasmine,Kyle at Paulo." sabi ni Tristan.

So kung namatay pala ako 20 na ang namatay sa section namin.. 50 kaming magkakaklase.. Ngayon 31 na lang. Ang tanong sino ang susunod? Ni hindi ko alam kung ano strategy nung killer.. Pati ata yung mga pulis hindi rin nila alam. Haynako naman talaga..

"hindi ka papasok sa school?" tanong ko.

"hindi.. Ayoko. Babantayan kita." sabi ni Tristan kaya binatukan ko sya.

"tumigil ka nga! Magalit pa magulang mo sayo nyan eh." sabi ko.

"uyy concern sya sakin." sabi nya.

"ulol. Kamao ko gusto mo?" sabi ko.

"hindi.. Ikaw. Ikaw ang gusto ko." sabi nya kaya kaagad naman kaming binalot ng katahimikan.

..
..
..

bigla naman nyang hinawakan ang kamay ko.. Kaya napatingin ako dun.

"ayokong pumasok kasi ayokong may mangyari ulit sayong masama.. ayokong dumating yung araw na pagsisisihan ko na nawala ka sa buhay ko. Nawala ka na wala manlang akong nagawa para sayo.. Kaya poprotektahan kita kahit na buhay ko pa ang maging kapalit. I'll protect you, my princess." sabi nya kaya bigla nalang naging abnormal yung tibok ng puso ko.

Shit! Kinikilig ba ko? Shocks wag kang ganyan Tristan baka...

Baka


Mahulog ako sayo..

...
...

End Chapter 13: I'll protect you

THANK YOU FOR READING!

PLEASE VOTE OR COMMENT

AND GODBLESS YOU ALL

SARANGHAE❤

My Favorite Game : Survival GameWhere stories live. Discover now