Chapter 15: Disguise

432 19 3
                                    

[Janice POV]

Kagaya ng sinabi sakin ni Ma'am Kristine, mas lalo ko pa syang ipinahamak sa kamay ng tatay nya. Kahit na labag sa kalooban ko na gawin ang gusto nya.. Ginawa ko pa rin kasi alam akong hindi sya gagawa ng delikadong bagay kung alam nyang hindi nya yun matatakasan..

Nasa loob nako ng kotse ko at kasalukuyan akong nagdadrive papunta sa bahay ni Sir Trevor... Habang nagdadrive bigla kong napansin yung dalawang sasakyan na kanina pako sinusundan kaya kinuha ko yung phone ko at tinawagan si Sir Trevor..

"Sir sagutin nyo please..." Sabi ko.

Ring ito ng ring... Bakit hindi sinasagot ni Sir Trevor?!

("Sorry ngayon ko lang nasagot kakatapos lang ng meeting ko with board member.") sabi ni Sir Trevor kaya nakahinga ako ng maluwag..

"Sir! Si Ma'am Kristine dinala sa hideour para parusahan.." sabi ko.

("W-WHAT?!") gulat na sabi ni Sir Trevor.

"nalaman po ng papa ni Kristine ang ginagawa niya kaya dinala sya sa hideout para i-torture." sabi ko.

Tumingin ako sa rear view mirror at doon nakita ko pa rin yung dalawang itim na sasakyan na sumusunod sakin kanina pa.

"Sir.. Protektahan nyo daw po si Tristan pati narin Si Hannah.." Sabi ko.

("Janice? Nasan ka ngayon?") tanong ni Sir Trevor.

"Sir pupunta po sana ako dyan kaso.. Hindi ko na po itutuloy.. Hinahabol po ako ng mga tauhan ng papa ni Kristine." Sabi ko at kaagad na Nag-U turn kahit na bawal..

("Shit.") sabi ni Sir Trevor sa kabilang linya.

"Sir?" sabi ko.

("nandito yung ibang tauhan ng Papa ni Kristine sa company...") sabi ni Sir Trevor kaya kinabahan ako.

Alam ba nila ang ginagawa namin sa simula pa lang? Kung alam ng nila.. Ibig sabihin sa simula pa lang palpak na kami.

"Sir mag-iingat po kayo.. Si Tristan po at saka si Hannah.." sabi ko.

("I understand.") sabi ni Sir Trevor at inend na yung call.

Binilisan ko naman lalo yung pagda-drive.. Tumingin ulit ako sa rear view mirror at nakita ko yung dalawang kotse na sumusunod sakin.

"Sige lang sumunod kayo sakin.. Tignan lang natin." sabi ko nang bigla akong mapadaan sa mahabang tulay.. Kaya napatingin ako doon.

Shit.. Alam kong delikado pero kung gagawin ko yun..  Matatakasan ko sila. Pero kung magpapatuloy ako sa pagda-drive mauubusan ako ng gas.

Nagulat ako ng biglang may bumunggo sa sasakyan ko mula sa likuran. Kaya tumingin ako sa rear view mirror at doon nakita ko na apat na kotse na sila..

Sa pangalawang pagkakataon napatingin ulit ako sa tulay..

"bahala na.." sabi ko at marahas kong iniliko ang sasakyan ko kaya bumunggo ako sa railings ng tulay at nalaglag kasama ang sasakyan ko.

[Trevor's POV]

Nandito ako sa office ko.. Nag-iisip ng paraan kung paano ko matatakasan ang tauhan ng Papa ni Kristine.

Nang biglang..

[Tok-Tok-Tok]

"Come in." I said at kaagad na umupo sa upuan ko.

"Pizza Delivery Sir." sabi nung delivery boy kaya kaagad akong napatingin dito. Naka-cap sya at nakamask.

"naka-mask ka ba kanina nung pumunta ka dito?" tanong ko.

"lagi po akong nagma-mask bakit po?" sabi nito.

"babayaran kita ng malaking pera.. Just let borrow me your clothes." Sabi ko.

"Eh Sir may trabaho---" sabi nya na kaagad kong pinutol.

"30 thousand pesos? Okay na ba yun?" Tanong ko.

"Ah eh.. Opo.." Nahihiyang sabi nya.

***

"Just act cool okay? Here's your 30 thousand." I said. At inibot sa kanya yung 30k.

"Salamat po sir!" Sabi nito sakin.

Bigla ko namang kinuha yung face mask ko na nakatago sa drawer ko. At isinuot iyon..

"Wag kang mangingielam ng kahit na ano dyan." sabi ko. At lumabas na.

As expected hindi ako nakilala nung mga tauhan ng Papa ni Kristine. Mabuti naman.

***

Sa parking lot nandon din ang ibang tauhan ng Papa ni Kristine.

Kaya sumakay ako sa Delivery Motorcycle at nag-drive na paalis.

Atleast nakatulong tong pagdi-disguise ko sa pagtakas ko..

...
...

End of Chapter 15: Disguise

THANK YOU FOR READING!

PLEASE VOTE OR COMMENT

AND GODBLESS YOU ALL

SARANGHAE❤

My Favorite Game : Survival GameOnde histórias criam vida. Descubra agora