Chapter 55: Final Decision

264 11 6
                                    

Reminder: Please read my other story entitled 'Still You' Thank you.

[Third Person's POV]

Tahimik na umalis sina Nicole ng Hospital..

Kasalukuyang nagda-drive si Tristan habang ang iba naman ay malalim ang iniisip.

"Guys.. Paano kung ang lahat ng nangyayari satin ay karma natin sa mga nagawa natin noon?" Biglang sabi ni Victoria kaya nasamid si Gilbert nang dahil dito..

"Pwedeng karma nga ang tawag sa nangyayari satin, pero pwede ring pagsubok..." Sabi ni Kisha.

"Nakakapagtaka kasing may ganitong pangyayari sa buhay natin.. Kagaya nalang nitong mga marka sa wrist natin at yung patayan na nangyayari sa school natin ngayon at nung mga nakaraan pang taon." Deretsong sabi ni Victoria.

Biglang napangiti si Tristan at..

"Just go with the flow guys.. Malalagpasan natin ang problema na 'to."  Sabi nito at biglang sumeryoso.. "At tatapusin na natin ang lahat ng gulo sa mismong party." Sabi ni Tristan.

***

Kasalukuyang nanonood ng K-drama si Hannah at Lucas.

"Ang tahimik mo.." Sabi ni Lucas dito.

"Tahimik naman talaga ako." Sabi ni Hannah dito kaya napailing na lamang si Lucas.

"Dalawang araw nalang ang natitira..." Sabi ni Lucas. "Handa ka na ba?" Tanong nito kay Hannah.

Napabuntong-hininga naman si Hannah bago sumagot ng..

"Oo. Handa na ako.."

Tinignan ulit ni Hannah ang wrist niyang may nakaukit na mga numerong '10-25-4:30'.

"Pero paano kung mamatay ako?" Tanong ni Hannah kay Lucas.

"Hindi.. Hindi ka mamamatay. Hindi ko hahayaang may mangyari sayong masama." Seryosong sabi ni Lucas habang nakatingin sa mga mata ni Hannah.

"Tss.." Tanging nasabi ni Hannah kay Lucas.

Biglang tumayo si Hannah at pumunta sa kwarto nito.

"Saan ka pupunta?" Tanong ni Lucas kay Hannah nang mapansin nitong may suot itong itim na jacket at itim na subrero.

"May kakausapin lang ako. Don't worry babalik ako ng buhay." Sabi ni Hannah at lumabas na ng bahay ni Lucas, habang si Lucas ay naiwang nagtataka.

***

Walang kahirap-hirap na napasok ni Hannah ang bahay na kanyang pinuntahan.

Kasalukuyan Itong nasa office nakaupo sa swivel chair ng Ina niya.

Napadako ang tingin niya sa isang picture frame.

Family picture.. Bata pa si Hannah sa picture. Pinapagitnaan siya ng magulang niya.

Napangiti si Hannah nang maalala niya ang masaya niyang alaala nung bata pa siya. Nang bigla niyang maisip si Tristan. Ang kababata niya...

"Kamusta na kaya siya? Sila?" Sabi ni Hannah at pinunasan ang luhang nagbabadyang tumulo sa kanyang pisngi.

"M-makikita ko pa kaya sila? M-magkikita-kita pa ba kami?" Sabi ni Hannah nang maalala niya ang nangyari sa kanya sa elevator ng Hospital.

"H-hindi na siguro.." sabi ni Hannah at sa isang iglap lamang ay wala nang mababakas pang emosyon dito.

Iginala lamang ni Hannah ang kanyang paningin sa office ng Ina niya. Nang biglang bumukas ang pinto at..

"Hannah?" Sabi ng isang boses babae kaya napatingin si Hannah dito.

"Ssshhh.." Pagpapatahimik ni Hannah sa Ina niya.

"Saan ka nanggaling? Ba't di ka manlang tumawag sa amin ng Dad mo." Nag-aalalang sabi ni Ally sa anak nitong si Hannah.

"Wala na akong oras para magkwento Mom.. Pumunta ako dito para makipag-usap sayo." Seryosong sabi ni Hannah sa kanyang Ina na si Ally.

"Malapit na ang party.. At naghahanda na ako sa maaaring mangyari." Sabi ni Hannah.

"Malakas ang kutob kong sa party na yun mismo tatapusin ni Abraxas ang kanyang nasimulan at hindi ko 'yon ibibigay sa kanya." Sabi ni Hannah kaya nanlaki ang mata ni Ally sa sinabi ng anak..

"Alam mo na ang tungkol kay Abraxas?" Tanong ni Ally at tumango naman si Hannah bilang sagot.

"P-paano?" Hindi pa rin makapaniwalang saad ni Ally.

"My friend told me about it.. At naiinis ako dahil inilihim niyo sakin ang tunay kong pagkatao." Nakakunot-noong sabi ni Hannah.

"At bilang kapalit sa paglilihim niyo sakin.." Sabi ni Hannah at tinitigan si Ally nang mata sa mata.

"Kung may mangyayari saking masama palabasin niyong....


























.... Patay na ako." Sabi ni Hannah.

...
...

Reminder: Please read my other story entitled 'Still You' Thank you.

End of Chapter 55: Final Decision

THANK YOU FOR READING!

PLEASE VOTE OR COMMENT

FOLLOW ME

AND GODBLESS YOU ALL

SARANGHAE❤

My Favorite Game : Survival GameWhere stories live. Discover now